Simula
Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko kung okay ba ako o kung okay pa ba ako. I dont know what's going on.
Nagising ako dahil sa sakit ng aking ulo. Nakapa ko ang aking mukha at nabigla na lang dahil pawis ang nahawakan ko. Pawis na pawis ang aking buhok,mukha maging ang aking dibdib.
Hindi marehistro sa aking utak kung bakit ako nakahandusay sa gitna ng daan. Sa gitna ng tirik na tirik na araw.
Laking pasasalamat ko dahil hindi ako nasagasaan. Napalingon lingon ako. Bakit walang tao? Bakit wala akong nakikitang dumadaan na mga sasakyan? Bakit ako nandito? Paano ako nakarating dito? Anong nangyayari saakin?
Bakit? Paano?
Maraming tanong saaking kaisipan na gusto kong masagot ngunit wala akong maalala.
Bigla na lang kumulo at sumakit ang sikmura ko kaya namilipit ako sa sakit. Pagod na pagod ako,gutom na gutom pero paano ako makakakain ni wala akong makitang tao o kabahayan man lang na paghihingian ko ng tulong.
Napatingin ako sa bag na nasa aking paanan at hindi ako magkakamaling akin ito kaya agad ko itong dinampot at binuksan ngunit puro papel,libro at ballpen lang ang laman nito ni wala man lang kahit piso.
Nanlumo akong naupo sa daan. Anong gagawing ko? Hindi ko alam kung nasaan ako. Dahil sa kagutuman at pagod dali-dali akong tumayo at naglakad papalayo upang makahingi man lang ng tulong sa makikita kong tao pero wala pa mang limang minutong paglalakad,bigla na lang sumakit ang ulo,tiyan at mga paa ko.
Kita ko ang panlalabo at pag ikot ng paningin ko hanggang sa wala na akong makita at naramdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko sa mabatong daan.
Nang panahong iyon parang nawalan na ako ng pag-asang mabuhay dahil sa sinapit. Hinayaan ko na lang ang sarili kong ganon kahit alam ko namang wala na akong magagawa.
Ito na ba ang hinihintay ko? Na mawala na sa mundo? Ito na ba iyon? Sana ito na,para wala nang problema,wala nang sakit at hinanakit sana ito na yon.
Iyon na lamang ang huli kong naisaisip bago ako nawalan ng malay ng tuluyan.
Nagising na lang ako bigla dahil sa ingay gusto kong takpan ang aking mga tenga ngunit hindi ko kaya dahil sa nanghihina pa ako kahit ang mga kamay ko ay hindi ko maigalaw.
Napamaang ako nang biglang tumahimik. Biglang tumama ang mga mata ko sa ilaw na siyang ikinasilaw ko napapikit na lamang ako nang mariin at napadilat dahil may humawak sa aking kanang kamay. Nahagilap ko kung sino iyon at nakita ko si Sy na may awa sa mga mata.
I feel so hopeless because of my condition.
"Kali,ayos ka lang ba? Okay na ba pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ni Sy.
Tinignan ko na lamang siya at hinanap ng mga mata ko ang aking pamilya ngunit wala akong makita ni isa,Si Sy lang talaga ang nandito sa tabi ko na nag aalala.
Napabundong hininga na lamang ako at napaisip.
Bakit kanina ang ingay? Binalingan ko si Sy na ngayon ay tahimik na pinagmamasdan ako.
"Sy,nandito ba ang mga pamilya ko? Bakit ang ingay kanina?" Tanong ko.
"Ah wala ang pamilya mo dito Kali, Hindi nila alam na nandito ka at hindi naman maingay dito kanina ah. Kanina pa tahimik dito" Mahinhin na paliwanag ni Sy.
Kumunot ang noo ko. " Eh Sy, maingay talaga dito kanina eh sobrang ingay kaya nagising ako." Pag pupumilit ko.
"Kali,pagod ka lang kaya siguro may mga naririnig kang kung ano-ano. Kumain ka muna at magpahinga." Sagot ni Sy.
"Sy, bakit ako nandito? Sino nagdala saakin dito? At ang huli kong naaalala ay nakahandusay ako sa daan kung saan walang mga tao o mga sasakyan na dumadaan." Kuryoso kong tanong dahil sa kalituhan.
"Hindi ko rin alam Kali,dahil may tumawag lang saakin na nasa Hospital ka" Si Sy.
At sino na mang nakakita saakin doon? Ang pagkakaalam ko ay wala talagang tao don.
Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na nagtanong.
"Kumain ka muna,alam kong pagod ka" Sinubuan ako ni Sy ng mainit init pa na lugaw na siyang nakapagpaginhawa sa tiyan at pakiramdam ko.
Akala ko katapusan ko na akala ko wala nang nagmamahal saakin pero meron pa pala. Meron akong kaibigan na maalaga,mabait,maaasahan at parang pamilya ko na rin. I never felt like this before. Never kong naranasan ang pag mamahal ngayon lang. Hindi ko namalayang humihikbi na pala ako pagkatapos subuan ng lugaw.
"Oh bakit? Napaso ba kita? Huh? Bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong ni Sy.
Pinalis ko ang luha ko at napangiting tinignan si Sy.
"Hindi noh ayos lang ako naiiyak lang ako sa kabutihan mo akala ko wala nang nagmamahal saakin buti may kaibigan akong katulad mo" Nakangiti kong sabi.
"Ano ka ba naman Kali naiiyak ako" Tinakpan niya ang mga mata.
"Akala ko kasi katapusan ko na dahil pagod na pagod ako at walang paghihingian ng tulong" Malungkot kong sabi.
"Ano ka ba Kali kung ano ano ang iniisip mo buti nga ligtas ka" Napairap niyang sabi
"Salamat Sy" Niyakap ko siya kahit na nanghihina ako.
"Basta ikaw nandito lang ako palagi para sayo" Niyakap ko pa siya lalo dahil sa sinabi.
I want to be loved. Maniniwala pa ba ako sa pagmamahal kung iisa lang ang naramdaman kong nagmamahal saakin? Kahit pamilya ko hindi ako kayang mahalin? Maniniwala pa ba ako sa pag mamahal?
Every time I remember the word love, I just want to end my life because I feel that I am not here to be loved. I am here to end my life.
Kahit na ilang beses kong inisip ang pagpapakamatay, iniisip ko pa rin ang maiiwan kong pamilya kahit alam kong wala silang pakealam saakin. Si Sy lang ang alam kong nag mamahal saakin ngayon kaya sisikapin ko pa ring mabuhay kahit mahirap para sa kaibigan ko,Para sa nag iisang nagmamahal saakin.
Ipagpapatuloy...
YOU ARE READING
IS IT NORMAL NOT TO BELIEVE IN LOVE?
RandomAng storyang ito ay tungkol sa babaeng nawalan ng paniniwala sa pag mamahal dahil sa mga sinapit nito pero hindi natin masasabi kung tuluyan na ba na hindi na siya naniniwala sa pag mamahal.
