PROLOGO

24 0 0
                                        

"A-ano 'to?" Gulong gulo ako, Anong meron?. Hindi ko na napigilang mapaluhat' mahikbi hanggang sa lumakas nang lumakas.

"Muilys, magpapaliwanag ako-"

"Sabihin mo na kasi sakanya, wag mo nang patagalin tutal sampid lang naman sya sa'ting magkakaibigan tsaka sobrang tagal na natin 'tong ginagawa duh"

"manahimik ka soli"

Hindi ko na nakayanan ang pambababoy at kawalanghiyaan sa harapan ko. Pinutol nila ang natatanging pasyensyang natitira sa katawan ko. Hindi ako lumaking nagpapatapak lang sa ibang tao.

Tuloy tuloy ko syang inabot at sinabutan, lumaban sya habang ang gagong lalaki ay patuloy na inaawit kami pero dahil matatag ako hindi ko nilubayan ang tanginang babaeng 'to. Nang mapunta kami malapit sa pader agad kong inumpog ang kanyang ulo para naman matauhan sya sa kagagahang ginagawa nya, hindi ko tinigilan hanggang sa hindi ko makitaan nang dugo ngunit bigla akong tumilapon sa sahig dahil sa tulak ni jaylous.

"Sumosobra ka na muil! Hindi ka naman namin ganyan nakilala-"

Biglang nagpantig ang tenga ko at dali daling tumayo para isumbat lahat nang ginawa ko para sakanya at sa mga kaibigan namin na hindi ko alam kung kaibigan din ba ang turing nila saakin.

"Binago nyo ako ngayon! Kaya ako gan'to dahil sainyo! wag na wag mo akong sisisihin dahil naging gan'to ako kasi lahat nang 'yon dahil sayo, sainyo para lang pakisamahan at maging totoo sainyo! pero bakit ganito naman naging sukli nyo-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may kung anong bagay ang pumunit saaking laman at sumaksak sa tagiliran. Onti onti akong nanghihina hanggang sa mapahiga nalang ako sa sahig

"SOLI! BAKIT MO GINAWA 'YUN?! NABABALIW KA NA BA? DADALHIN KO SYA SA OSPITA-"

"Wag na jay! Baka makulong tayo, may mga pangarap pa ako sa buhay, Tara na sisiguraduhin kong dalawa lang tayo ang makakaalam!"

Pinanood ko silang tumakbo habang magkahawak ang kamay, wala na palang mas sasakit habang yung mundo mo tinatakbo nang ibang tao. Wala na akong nagawa kundi hawakan ang aking tagilirang walang humpay sa pag agos nang mga malalapot at sariwang dugo. Nakabaon parin naman ang kutsilyo ngunit umaagos parin.

"Balang araw magbabalik ako, sa pagkakataong yun ipaparamdam ko sainyo lahat nang pinaramdam nyo saakin. Mata para sa mata, pighati sa paghati." Onti onti nang bumibigat ang talukap ko haggang sa itim nalang ang aking nakikita. Itim nanaman ang dumamay sa pagiisa ko.

®•••®

"Pareng jay! tingnan mo oh, may nag chat saakin haha, puta pre 'lupet!"

"Anong sabi sam? baka babae mo nanaman yan ah?! mayayari ka nanaman kay Mitchell tanga. Lasing ka lang bobo!"

"Baka ikaw ang mayari kay soli gago!, sabi 'Who killed her? Who killed me? Answer me or you will die in 6 days, 6 hours and 6 minutes. I will repeat, who killed me?', tanga naman nito akala nya magpapauto ako sa chain mail nya, dude! it's already 2020, tatanga-tanga nalang maniniwala dyan uy!, oh? bakit ganyan mukha mo? Don't tell me you received one?"

"Actually pare hindi ako, si soli. Last week ata naforward sakanya or wala pang week. Ewan ko ba, nabobother lang ako. Inom nalang tayo pre habang pinapayagan pa ako ni soli"

"Sige par-, saglit pre may tumatawag, sagutin ko lang baka importante"

"sige pare"

-----

"Jay, may sasabihin ako"

"Ano yun? tapos ka na makipag usap? Bakit ganyan mukha mo? para kang binagsakan nang langit at lupa, kinakabahan tuloy ako sa sasabihin mo"

"Mag hunos dili ka pre ah?"

"Oo na, daming sat-sat, ano ba yun?"

"Si soli pre, nakita daw nila nakahang sa ceiling. Nagbigti."

®•••®

A'N ®

This story is based on my creative imagination. It's a work of fiction.
In any way, don't distrubute, publish, copy, or steal the work, please obtain permission. Remember, PLAGIARISM IS A CRIME!

OCTOBER 29, 2020

Damsel_InPain

Renaissance of the soulStories to obsess over. Discover now