Lalong napanatag Si Hades.
"Saka pwede ba naman kitang pabayaan e, mahal na mahal kita. Nakasanayan ko na ring laging kang kasama halos bente kuwatro oras sa isang araw. Kaya malulungkot din ako pag hindi ka nakasama."

"Mahal din naman kita, Arvin. Ikaw lang ang pinakamalapit kong kaibigan... salamat sa concern mo."

Kaya kung noong dati ay sa umaga lang sila magkakasabay na tatlo, ngayon ay inobliga ni Shiro ang sarili sa sunduin sina Hady at Chingchong tuwing hapon. Dahil dikit-dikit ang kanyang mga subjects, maaga siyang nakakalabas sa University. Binabalikan pa niya ang dalawa tuwing hapon.

"Alam n'yo ba, magastos kayo sa gas. Ngayon pa namang sige ang pagtaas ng presyo ang petrolyo weekly." Daing minsan ni Shiro

"Hindi problema. Magbibigay kami ni Chingchong ng dagdag sa pambili ng gasolina."

"Teka... teka, bakit pati ako? Umaangkas lang naman ako sa inyo." Sabad ni Chingchong

"Hindi na bali. Bahala na ak. Naiisip ko kasi paano kung... kung may date ako pag hapon?" parang problemado ang binata

"Basta nangako ka, Shiro. Pero kung nakakaistorbo nga sa iyo at sa love life mo... hindi bale na lang. Ito na ang huli mong pagsundo sa amin." Obvious na may tampo ang dalaga sa matalik na kaibigan

"Huwag ka nang magtampo. Joke lang 'yon. Pwede ba naman kitang pabayaan, e love kitang friend." Kumindat pa si Shiro kay Hades.

"Inggit naman ako sa inyo. Sana, ako rin ay magkaroon ng kaibigan na tulad mo, Shiro mapagmahal at mapag-alala sa kaibigan."

"Hoy, Chingchong! Tigil ang papuri, ha. Baka lumaki na ang ulo niyan. Isiping talaga ngang good friend siya." Nakalabi si Hades nang mag salita.

"Bakit, hindi ba, ha, Hady?" Ang kunot-noong tanong ng binata.

"Oo nga. Pero dahil good friend din ako sa iyo. Hindi one way traffic ang friendship natin.

"Tama na nga 'yan. Kung sabagay, kasalanang lahat ni kamote ang diskusyong ito, e. Di san, tayong dalawa lang ang umuuwi, Had. At libre na si Shiro sa pag-pursue ng kanyang love life.

"Kamote? Sinong kamote, ha, Chingchong?" Nilingon ni Shiro si Chingchong

"Sino pa, e, 'yung bestfriend ni Hady na sa dalawang encounter nila, e parehong giyera. Ngayon heto kami. Natakot sa banta niya." Paliwanag Chingchong.

"Kamote... okay 'yon, a. Talaga bang mukhang kamote si loko ha, Chingchong? Bukol-bukol ba ang mga pisngi na parang nabagsakan ng langka? Ganu'n bang mukha niya?"

Hindi sumagot si Hady.
Paano, inaapuhap niya sa isip ang mukha nito ng isang gabi'y hibdi siya pinatulog. Makinis si Kamote. Pogi pa nga. Kaya lang, pangit ang kanilang naging pagkikita.

"Kabaliktaran, Shiro. Pogi si Kamote. Tipong matinik na idol kung mag-aarrista. Matangkad pa." Medyo kinikilig pa si Chingchong.

"Pwede ba, tama na 'yang pag-uusap about him. Naiinis lang ako, e. Ang kumag, nagbanta pa. At sa aming dalawa na pareho pang babae." Wika ni Hady.

"Hady, tama ka. Kaya lang, sa paggulpi mo sa kanya ay naiba siguro ang pananaw nia about women. Kahit siguro ako na naumabag na'y konti pa akong ipakulong, equal na ang tingin ko sa inyo." Ani ni Shiro

"Teka nga, Shiro. Kinakampihan mo pa yata ang mokong na 'yon, a."

"Hindi. Nagpapahayag lang ako ng aking humble opinion... tama ka, Hady. Tapusin na natin ang tungkol sa kanya. Baka ang dulo niyan, e tayo pa ang mag-away."

Sa pag lipas ng mga araw ay unti-unti nang nakakalimutan ng dalawa ang takot sa banta ni Kamote. Ito na ang tawag nila sa lalaki dahil hindi nga nila alam ang pangalan nito. Sa tuwing mapag uusapan, siya si Kamote. Hanggang isang araw, si Hades narin nagsabi kay Shiro na pinalalaya na niya ito sa ibinigay niyang misyon nito para sa kanila ni Chingchong.

"Okay, ha, Chingchong. Pinalalaya na raw niya ako. Ang lagay palang iyon, e, preso ang tingin niya sa akin." Inaalaska na naman ni Shiro si Hades. Nakatitig siya rito.

"Nag-umpisa ka na naman, ha, Shiro. Sige ka pag ginalit mo ako'y hindi kita tutulungan kay Cynthia. Trip na trip mo kamo ang kaibigang iyon ni Chingchong. Imbes na ilakad kita, baka siraan pa kita, napala mo." Pananakot ni Hady

"Naku, Hady, wag naman, please. Brineak ko na nga si Ashlyn para sa kanya, tapos sisirain mo pa diskarte ko."

"E di tigil tigilan mo yang pang-aalaska para good ako sa iyo."

"Alam mo, Shiro, 'yang pagiging chickboy mo'y may kapupuntahang di maganda. Take my advice. Maghanap ka ng isang babaing talagang gusto mo't feel mong magiging ka sa kanya for the rest of your life. Tapos, 'yun na."

"Ang labo mo, Chingchong. Nagsisimula pa lamang akong mag binata, gusto mong maging seryoso ako sa aking mga ❤︎."

"Bahala ka na nga. Ang sa akin e, paalala lang. Para rin sa iyo 'yun."

"Salamat sa paalala, Lola Chingchong." Natatawang sabi ni Shiro."

"O, pa'no, ito na ang huling pagsundo ko sa inyo, ha, boys na mukhang babae pa sa babae. Puwera na lang kung may gimmick tayo."

"Oo na. Sa weekend, idi-date namin ni Chingchong si Chynthia para sa iyo. Okay ba?"

Nag-thumb's up si Shiro at pinaharurot na ang kanyang kotse.

"Ako rin ay uuwi na, Hady... kelan mo nga pala ilalakad kay Chynthia si Shiro?

"Ewan ko. Bahala na."
"Nangako ka, Hady."
"Well... sometimes promise are made to be broken."

"Kasali si Shiro sa pinangakuan mo? Best friend mo siya, di ba?"

"Sobra na siya. Heart breaker ang bruto. Pabayaan mo siyang maghirap kay Chynthia. Baka sa ganu'n, e, mag bago na siya. Nakakaawa naman 'yung mga chicks na pinapaasa niya."

"Tama ka nga. Sige, uwi na ako."

┄┄┄

𝙋𝙇𝙀𝘼𝙎𝙀 𝙑𝙊𝙏𝙀 𝘼𝙉𝘿 𝘾𝙊𝙈𝙈𝙀𝙉𝙏!

Matched Better || (ON-GOING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum