One

9 0 0
                                    


Isang malakas na putok ng baril kasunod ang nakakabinging hiyawan ng mga kababaihan at iyak ng mga bata.

Ang isang masayang pagdidiwang na humantong sa isang madugong wakas.

IKA-25 araw ng Mayo taong 1982, saktong alas dos ng hapon na iyon ay sinimulan ang ceremonyas para mapag-isa ng isa sa mga pinakasikat na magkasintahan sa baryo malikhain.

Lahat ay may ngiti sa labi ng magsimula ng maglakad ang isang magandang dilag sa pasilyo ng simbahan.

Lahat sila ay nakatingin sa dalaga ng may paghanga, tangi nga namang ang ganda nitong tignan sa suot nitong trahe de boda at simple nitong palamuti sa mukha, nakalugay naman ang magaganda at kulot nitong mga buhok.

Sa dulo ng pasilyo ay doon naghihintay ang isang binatang halatang kinakabahan habang tinitignan ang kaniyang magiging asawa na naglalakad papunta sa kanyang pwesto sa harap ng altar. Bakas sa mga mata nito ang pinaghalong saya, kaba at paghanga.

Sa wakas, sa loob ng mahigit apat na taon, apat na taong puno ng tawanan, iyakan, tampuhan at problema ay sa wakas nandito sa sila sa araw na matagal na nilang pinapangarap.

Indeed, not giving up on someone you truly love despite the doubts, regrets, sadness is worth it.

No words can explain the euphoric feeling both of them is feeling.

Hindi mapigilang mapaluha ng dalaga ng kunin ng kanyang ama na naghihintay sa kanya sa gitna ng pasilyo ang kanyang kanang kamay at isinabit ito sa kanyang braso.

Hinalikan pa muna nito ang tuktok ng kanyang nuo bago siya nito iginaya papunta sa kanyang kasintahan na nahihintay sa kanya sa harap ng altar.

Gaya niya ay hindi na din napigilan ng binata ang maging emosyonal habang nakatingin sa mag ama, hindi matutumbasan ang sayang nararamdaman niya habang tinitignan ang mag ama sapagkat alam niya kung ganong tutol sa kanya ang ama nito nuon na naging dahilan ng muntik ng paghihiwalay nila.

Ilang sandali pa ay nasa harapan na ng binata ang kanyang napakagandang kasintahan, inabot niya ng may kaba sa dibdib ang kamay nito mula sa braso ng ama.

"Siguradohin mo lang na hinding hindi mo paiiyakin itong prinsesa ko kundi magkakamatayan tayo iho.." mahinang banta nito at pinanliitan ng mata ang binata.

Kabado man ay sinubukang ngumiti ng lalaki, "Makakaasa po kayo sakin tito, hinding hindi ko po sasaktan ang anak niyo pinapangako ko po.."

Pagkatapos marinig iyon ay napangiti ang nakatatanda tsaka dahan dahan inalalayan ang anak sa harap ng altar at hinarao ito.

Pinangako niya sa sariling hindi siya iiyak pero hindi parin nito mapigilan ang maging emosyonal.

"Ang mahal kong bunso, di ko lubos akalaing dadating ang araw na ihahatid na kita sa harap ng altar, masaya ako para sayo at sana ay patawarin moko sa mga maling nagawa ko, mahal na mahal kita anak.." ani nito ay yinakap ang anak bago siya umalis at pumunta sa kaniyang upuan na luhaan.

*****


This is a JeongCheol Fanfic so basically this story revolves around two boys, yes po this is a bxb story hahahhaha i actually contemplated kung gagawin ko ba siyang fanfic but yeah i did

















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In my next life || JeongcheolWhere stories live. Discover now