Chapter 30: Spiral

276 21 5
                                        

ACE POV

Ano daw? si Willow ang girlfriend ko at hindi si Anya?

Napatingin ako kay Saver... gusto ko siyang suntukin pero halata sa mukha niya na naguguluhan din siya. Pinagtritripan ba ko ng bestfriend ko? ito ba ang ganti niya sakin? pero bakit? Isa pa bakit pati si Anya... boyfriend talaga ang turing niya sakin?

Kinuwelyuhan ko siya. "you said Anya is my girlfriend?" tanong ko.

"Hey? relax pare... that is also what I thought... nung araw na yun bago ka mamatay... sabi mo after ng game ipapakilala mo ang girlfriend mo at si Anya mismo ang nakita ko nun sa gym, nagcheer siya para sayo. At tuwang tuwa siya habang pinapanuod ka" paliwanag ni Saver.

"Manong?" pasigaw kong tawag sa kanya.

"alam niyo mga bata... sa tingin ko mas maganda siguro kung maguusap usap kayo kasama sila Willow at Anya" suggest niya.

"Pero paano namin malalaman ang katotohanan... maraming bagay ding hindi maalala ni Willow" sabi ni Saver.

"Si Anya... nagsisinunagling ba siya satin?" tanong ko.

"I don't know... hindi ako makapaniwalang magagawa naman niya yun? at bakit?" tanong din ni Saver.

"Alam nyo ang problema kasi sa inyong mga kabataan... may pagkamanhid kayo. Matagal ng may gusto sayo si Anya, pero si Willow ang minahal mo, ang ibig sabihin lang nun matinding pagseselos ang nararamdaman ni Anya sa matalik niyang kaibigan na si Willow" paliwanag ni manong.

"We have to go..." biglang anyaya ni Saver.

"What? why? where?" tanong ko. Namumutla siya.

"Ace... kaylangan nating bumalik sa school" taranta niya.

"What's wrong with you? andito si manong para sagutin ang mga tanong ko" sabi ko.

"Balikan nalang natin siya mamya, ang importante makita natin si Willow' sagot niya.

"Hindi na ko mahihintay ni manong mamya" sagot ko. "At bakit ba? nasaan ba si Willow?" tanong ko.

"KAsama niya ngayon si Anya" sagot niya.

What the F??? bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Manong salamat... sa susunod nalng ulit" paalam ni Saver.

Napatiignin ako kay manong? at napangiti ito...

"Thank you po manong...see you?" paalam ko.

"Magiingat kayo... mauuna na ko sayo" paalam ni manong.

Habang patakbo si Saver.

"Hijo?" tawag sa kanya nung isang janitor. Bago lang siguro yun dahil hindi ko siya kilala.

"ano po yun?" tanong ni Saver.

"Saan mo nakuha yung walis kaninang hawak hawak mo?" tanong nung janitor.

"Pinabitbit lang po sakin ni manong Toni... bakit po?" tanong ni Saver.

Hindi na kumibo ang bagong janitor.

"Ang weird naman nang mga tao dito? sus? pagbintangan ba ko na magnanakaw ng walis?" irita pa ni Saver.

Natawa ako.

My Sweet Voodoo DollWhere stories live. Discover now