CHAPTER 26

285 22 4
                                    

Dune's POV

"Ako ang magtatanong para kay Sasha ah!" Napasulyap kaming lahat kay Anne, dapat kasi si Stacy na yung magtatanong kay Sasha e' bat siya?

Kanina lang nahuli ko silang nagkatitigan ngayon naman siya yung magtatanong? Why do i feel like there's something's fishy between this two? Para silang may plano.

Hindi ko nalamang yun pinansin dahil umokay lang naman din si stacy kaya wala na kaming magawa

"Sash, Truth or Dare." Anne start asking

"Dare!" Mabilis namang sagot ni Sash

"Wow sa wakas may nag Dare narin!!" Natatawang tugon ni Chester na kunwari pa umiiyak dahil sa sobrang galak

Psh. Baliw

"Para maiba naman." Ani Sash sabay kindat kay Anne

Yung mata ko naman mataman lang silang dalawang tinitignan, hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ko nagugustuhan ang mga pinapakita nilang kaduda-dudang galaw

Tumikhim na muna si Anne bago nag-isip ng ipag-uutos kay Sash

"Kiss the player of your choosing." Anne asked without hesitation

At walang ano-ano'y bigla nalang hinawakan ni Sash ang aking batok sabay mabilis pa sa alas kwatro akong Hinalikan sa labi..

What----the----hell O_____O

She didn't stop kissing me to the point na kailangan ko pa siyang maitulak ng pagkalakas-lakas para lang matigil siya sakanyang ginagawa!

"Sasha what the hell!" Galit kong tugon

Nagulat naman ang lahat sa ginawa kong pagtulak kay sasha na kinlauna'y bigla ring tumagos ang tingin saaking likuran

"Maymay?" Dinig kong tugon ni Miggy dahilan para ako rin ay mapalingon and..

And D*mn it's maymay

She look so shocked and confused..Napaawang ang kanyang baba habang pabaling-baling saaming dalawa ni Sasha ang tingin..

Gusto ko mang tanungin kung bakit siya nandito'y hindi ko magawa dahil sa tingin ko, nasaktan ko siya.. kitang-kita sakanyang mga mata ang sakit.. and that made her tears dripp'n unto her cheeks

"M-may.. Let me explain?" Sabi ko ng makita ang kanyang mga luhang umaagos sakanyang mga pisngi

D*mn i hate seing her like this!

Galit akong napasulyap kay Sasha at Anne!

Alam kong sila yung may pakana nito! Nawala kanina si Sasha ng mahigit tatlumpong oras! For sure sinundan niya si may at pinapunta rito para makita ang ganitong klaseng eksena! Ginawa nilang bitag si maymay para lang sa ano? Malaman nila kung si maymay ba talaga yung babaeng tinutukoy ko? How stupid!

Gulat na gulat man sina Miggy ay wala na akong pakialam

Agad ko ng hinabol si maymay ng makita kosiyang mabilis na tumakbo sa kung saan

"Teka maymay!" Tawag ko sakanya habang patuloy ko parin siyang hinahabol

Takbo doon, Takbo dito lamang ang ginagawa ko, nakakahingal dahil gabi na at hindi ko nasiya gaanong maaninag ..

Dagli akong nagtungo sa bahay nila at ipinagtanong kina Lola ludy si maymay ngunit ang sabi nila Lumabas raw si maymay papunta sa resthouse dahil sinabi ko raw, pinagalitan pa nga ako kung bakit daw di ko kasama

Anak ng tipaklong naman oh' wala nga akong kaalam-alam na pupunta siyang Resthouse e'

Muli ko siyang hinanap ng biglang masagi ng aking paningin ang Puno ng mangga na may Maliit na kubo sa itaas

[MAYDON ]"The Girl I've Once Met" BOOK 1Where stories live. Discover now