CONFESSION (Sejun)

688 28 4
                                        

"Hey my bebeluvs gising na!"
"Sige ayaw mong gumising, kikilitiin ko yang tainga mo gamit tong buhok ko"
"Hoy! Alam kong nagtulug-tulogan ka lang dyan. Pansinin mo na kasi ako!"

Ilan lamang to sa mga naririnig kong pangungulit ni Princess sa akin.

Agghh!! I really hate this girl. Kahit kababata ko siya, nasisira pa rin ang araw ko whenever I see her smiling at me.

"Can you stop disturbing me?" Pagsusuway ko sa kanya when I finally cannot pretend to sleep.

"Galit ka ba sa akin? Bebeluvs, sorry na Kung na disturbo ko ang tulog mo. Gusto lang naman kitang yayain dun sa canteen e. Treat ko promise" Habang nagpapacute sa akin 'kala siguro niya tatalab sa akin ang mga ginagawa niya.

"You know what, I hate the way you call me bebeluvs! Some sort of kabaduyan. Don't you ever call me that again!" Pagtataray ko parin sa kanya.

"Owss..nagtataray ka na naman. Daig pa sayo ang babae na may dalaw ah. Okay, dahil ayaw mong tawagin kitang bebeluvs, yung name mo na lang. Pero promise mo sa akin di mo na ako iiwasan ha?!" Panunuyo pa rin nito sa akin.

"Really? Do I really need to do what you say? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na you are not my type so stop pursuing me!" Sabi ko sa kanya after kong marinig ang pinagsasabi niya.

"Sejun! Will you come with us?"

Nakita ko ang mga tropa ko na kumakaway sa akin. Salamat dumating sila. At least gumaganda ang araw ko kahit papaano.

Iniwan ko si Princess sa classroom namin at di na pinansin pa ang pagtawag nito.

Maganda naman si Princess e at alam ko namang mabait siya. Pero I cannot stop myself hating her kasi napakababaeng tao pero naghahabol ng lalaking wala namang gusto sa kanya.

When it comes to girls, napaka idealistic ko kaya liking back her is not a funny joke to me.

Matagal na siyang may gusto sa akin at ilang beses na rin siyang nagcoconfess ng feelings niya pero the same as usual nirereject ko.

Maeffort naman siya like hinihintay niya ako palagi after school, binibilhan ako ng pagkain kahit hindi ako nagugutom, walang mahahalagang okasyon sa buhay ko na hindi siya bumabati and so many other good things na di ko na matandaan kung anu-ano ang mga iyon.
Palibhasa, almost 10 years na niya tong ginagawa sa akin.

-----

One day, nalaman kong umabsent siya sa klase. She told in her excuse letter na may lagnat siya at kailangan muna niyang magpahinga.

With this, I feel the ease kasi alam kong walang mangungulit sa akin during that day.

Hanggang sa dumating na ang oras ng uwian. Medyo natagalan akong lumabas ng classroom kasi kinailangan ko munang tapusin yung activity namin at hinintay munang tumila yung napakalakas na ulan. Kaya lang, mukhang aabutin ako ng gabi kapag naghintay pa ako kaya napagdesisyunan ko na lang na umuwi na kahit walang payong.

Ngunit laking gulat  ko na lang nang makita ko siya sa exit gate namin. Nakajacket siya ng makapal pero kitang-kita ko parin ang panginginig niya. May hawak siyang payong na basang-basa na rin ng ulan.

Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko sa nakita ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkaawa sa kanya. Kahit na may lagnat ay pinilit pa rin niyang sunduin ako at dalhan ng payong.

Pagkakita sa akin ay agad siyang lumapit at ngumiti na para bang walang iniinda.

"Alam ko kasing wala kang payong kaya dinalhan na kita dito. Mahirap na kasi kapag uuwi kang basa di ba? Baka magkasakit ka" Agad niyang sabi sa akin.

Natameme naman ako sa ipinakita niyang pag-aalala sa akin. Napagtanto ko kung gaano niya talaga ako kamahal.

------

From then on, I cannot stop myself from thinking about her. Di ko na alam kung awa lang ba tong nararamdaman ko or pagmamahal na. Ang alam ko lang, gustong-gusto ko na siyang makita sa araw-araw.

Hanggang sa I decided to tell her about my feelings to her. Di ko kayang ilihim pa to at pairalin ang pride ko.

It was her birthday na napagdesisyunan kong sabihin na sa kanya lahat.

I chose to confess to her at the park para naman surpresahin din siya sa mismong birthday niya.

-----

Kinakabahan man ako sa naging desisyun ngunit buo na ang loob ko na magtapat sa kanya.

Habang hawak-hawak ko ang napakabangong bouquet ng mga bulaklak na sinadya ko pang bilhin, kinabisado ko ang mga salitang sasabihin sa kanya.

Narinig kong nag ring ang phone ko. Di ko na yata kilala ang sarili ko. Sabik akong marinig ang boses  niya na dati'y kinaiinisan ko.

"Sejun asan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap dito, wala naman akong nakita" Sabik na sabik nitong sagot sa kabilang linya.

"Nandito lang ako sa park. Teka, susunduin kita diyan" Agad kong sabi sa kanya.

Pagkalabas ay nakita ko siya sa kabilang side ng kalsada.

"Sejun! Sejun! Nandito ako!" Habang kumakaway-kaway pa sa akin.

Finally, I can make her feel kung gaano ko rin siya kamahal. I was smiling at her nang bigla siyang tumakbo patungo sa kinatatayuan ko.

When she's in the middle of the street ay may biglang humarurot na van.

Sa isang iglap lang ay nahagip siya at tumilapon sa kalsada. Ang bilis ng mga pangyayari. Wala man lang akong nagawa to save the girl I love.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang dumilim ang paligid. Nakatulala akong pinagmasdan siya na nakabulagta at dumadaloy ang dugo mula sa kanyang ulo.

Gusto kong umiyak pero di ko magawa-gawa. Ayokong maniwala sa mga nangyayari. Iniisip ko parin na panaginip lang ang lahat ng ito. Iniisip ko parin na natutulog lang ako at magigising dahil sa pangungulit niya sa akin.

------

"Hey my bebeluvs gising na!" Narinig ko ang mahina niyang boses na siyang nagpagising sa akin. Naramdaman ko ang malumanay na paghawak  niya sa buhok ko.

Sagabal man ang tubo ng oxygen na nakakabit sa kanyang ilong, ay nakita ko parin ang pagngiti niya sa akin.

"Thanks God and you're awake!" Di ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa sobrang tuwa.

Akala ko kasi huli na ang lahat para sa akin. Akala ko di ko na magagawang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya.
Akala ko wala ng taong magpapasaya sa akin araw-araw.
Ngunit, napakaswerte ko at binigyan pa ako ng isang pagkakataon na bumawi sa pinakamamahal ko.

Di na baleng tawagin niya ako ng bebeluvs.
Di na bale lahat.
From now on, one thing is for sure- ang susuklian ko ng FOREVER ang sampung taong pagmamahal niya sa akin.

✍️Sniecullen (06-27-20)

✿[Dream Prince]✿Stories to obsess over. Discover now