Chapter 2

Pinilit ko na maagang magising kahit sobrang sakit pa ng katawan ko. Maliban sa pagpaparusa ko sa sarili ko at sa panaka nakang pananakit sa akin ni Nanay, buong araw kong pinagod ang sarili ko sa pag trabaho sa loob ng bahay na tila isang utusan. Hindi naman ako makaangal dahil baka mawalan ako ng matutuluyan.

Naghanda na ako ng mga gamit at uniform ko para sa pasok ko ngayong araw.

Pinili kong patungan ng hoodie ang uniform ko dahil sa mangilan ngilang pasa na natamo ko kahapon. Hindi na ako nagsayang ng oras para mag ayos pa ng sarili bukod sa pagsusuot ng uniporme ko.

Lumabas na ako ng kwarto at walang ingay na naglakad palabas ng bahay. Baka makita pa ako ni Nanay at bigla akong pabalikin sa bahay.

Nang masiguro ko na ako palang ang gising ay dali dali ngunit maingat akong tumakbo patungo sa gate at matagumpay na lumabas.

Nakangiti akong habang nagbabantay ng tricycle. Nang may nakita akong paparating ay pinara ko agad ito kahit na medyo puno na.

Mayroon namang nagmagandang loob na ibigay sa akin ang pwesto niya sa harap kaya naman di na ako nag atubili pa at umupo na agad.

Akala ko ako lang ang maaga ngayon.

Nang makarating na kami sa gate, mabilis akong nagbayad at tumakbo papasok ng mamataan ko ang best friend ko.

It's so unbelievable. Si Mandy?! Maagang pumasok?!

"Mands!" sigaw ko ng masyado na itong malayo para maabutan ko.

Napatigil naman ito at bahagyang lumingon. Nang makita ako ay nanlaki ang mga mata nito at unti unting napangiti.

"Beaaaaaa! OMG, girl! I have so many things to tell you. Fresh scoop, baby! Oh, shit! You're not gonna believe this!" tili niya habang patakbong pumunta sa kinaroroonan ko.

Napatingin sa amin ang ibang estudyante pero sa tinagal tagal na namin dito sa school na 'to, sadyang nawalan na kami ng hiya. Pero mas malala lang si Mandy.

Nang makalapit ay saka lang ako nagsalita.

"Oh? Would you mind if I ask kung ano 'yon?" kunwari ay interesado kongsabi at sarkastiko ko itong tinignan.

"Gaga ka talaga! Wala ka talagang silbi kausap! Pero wala kang choice! You'll listen to me whether you like it or not!" sigaw nito sa mukha ko at umangkla na sa kanang braso ko.

Napailing nalang ako at nagsimula na kaming maglakad.

"As if naman talaga na may choice ako. Ikaw pa? Eh, ayaw mo nga akong tantanan kahit pinapalayas na tayo ng room pag may lecture." sabi ko nalang at napatawa ng mahina ng maalala ko kung ilang beses na kaming napalabas ng classroom dahil sa kadaldalan ni Mandy.

Buti nalang at 'di umaabot kina Nanay.

Napahagikhik din ito at hinampas ako sa braso. Tumigil ako sa paglalakad at sinamaan ko agad ito ng tingin pero ang gaga, wala talagang pake at bigla akong hinila.

"So, ayon na nga. As I was saying, iiiih! Eto na nga! Shet talaga, girl! Naaalala mo pa ba si Alexander? Yung nakasama natin sa workshop nung elementary?" tanong nito sa akin at bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko ineexpect na tungkol pala kay Lex ang chismis ni Mandy.

Holy shit.

Baka boyfriend niya na? Please, no!

Or baka manliligaw palang?!

"What about him?" kalmado kong tanong kahit ang totoo ay sobrang curious na ako at medyo kinakabahan. Pano nalang 'pag tumama nga ako sa isa don sa hula ko?! Wala akong magiging laban kay Mandy. Maganda siya. Matalino. Mayaman. Sexy pa. Samantalang ako, ewan. Ang importante humihinga. Wala pang silbi. Pangit. Mahirap. Hindi din ako mahal ng pamilya ko. Habang si Mandy naman, para atang nilaklak lahat ng swerte dito sa mundo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

craveWhere stories live. Discover now