𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 2

Start from the beginning
                                    

“Okay. Sinabi mo, e. Sa amin ni Shiro mo ipapahawak ang book of accounts mo.”

“Ganun naman ang buhay, sabi nga ng mama ko. Kani-kanyang suwerte ang tao. Pero fan ako ng mama mo. Sikat na writer. Both sa English at Tagalog.”

“Sayang nga, e. Hindi ako nagmana sa kanya. Mas gusto kong magnegosyo. Kaya nga pareho ng kurso ni Shiro ang kinuha ko. Computer Accountancy.”

“Ewan ko sa inyo. Ako nga e, naduduling sa maraming numbers na nakikita ko. Kaya nga HRM ang kinuha ko. Pag yumaman ako, mag tatayo ng first class restaurant. Iyong dadayuhin ng mga foreigners. Magpapadalubhasa ako sa iba't ibang cuisine ng buong mundo.”

>>>𝗙𝗔𝗦𝗧 𝗙𝗢𝗥𝗪𝗔𝗥𝗗<<<

𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗠𝗨𝗧𝗔𝗡 na ng mag kaibigan Hady at Chingchong ang pangyayari sa mall pagkaraan ng marami naring araw. Kung mapag-usapan man ay napapatawa nalang sila. Hindi narin kinukonsensiya si Hady na nasuntok niya ang wala naman palang kasalanang tao.

Linggo ng umaga, magkasamang nagsimba sina Chingchong at Hady. Maaga pa iyon dahil ikalawang misa pa lang ang nadaluhan nila. Palabas sila, maraming tao na ang pumapasok para sa ikatlong misa.

“Andy, tara du'n sa bakery. Pinapabili ako nh mama ko ng tinapay.”

“Sige”

Nasa kabilang side ng malaking kalye ang sikat na bakery. Kailangan nilang tumawid. Hatak ni Chingchong ang kaibigan. Walang patid ang mga sasakyan. Wala namang pedestrian lane sa lugar. Kaya lakas loob na silang tumakbo para maka tawid. Nang mag alinlangan si Chingchong kung tutuloy o hihinto muna. Isang paparating na kotse ang mabilis na nagpreno. Umingit ang gulong sa dagliang pagtigil. Kasunod ang pagsigaw ng driver nito kina Chingchong at Hady. Hindi pa bumaba ang driver para singhalan ang dalawa.

"E sorry na sir. Nag mamadali lang po!" napauna na si Chingchong sa paghingi ng sorry.

"Ang tatanga n'yo. Parang hindi kayo sibilisado!" tungayaw nito sa dalawa. "I dadamay n'yo pako sa kagagahan n'yo. Pano kung nabundol ko kayo? D sa presinto pa ako dadamputin, kulong pa. At kayo kung hindi sa morge e, sa ospital!"

Biglang umakyat ang dugo sa ulo ni Hades. Wala pang nakakapagsabi sa kanya na gaga siya sa buong buhay niya kahit mukhang babae pa silang dalawa ng kaibigan niya. Hinarap niya ang lalaki saka tinuro-turo.

“Hoy, para kang kung sino magsalita. Hindi namin ginusto 'yon. 'what the hell! Kayong mga driver na akala mo'y mga hari ng daan kung magpatakbo!" saka pinandilatan nito ang lalaki na sa mga oras na'yon ay galit na galit narin.

Pero napadilat siya. Kilala niya ito. Isang mukhang hindi niya makakalimutan. Nilingon niya si Chingchong. Ito'y nakatunganga rin sa harap. Bahagyang nakabuka ang bibig.

"Chingchong?"

Tumango si Chingchong. Saka lang niya binalingan ang kaharap. Nakakunot ang noo nito. Wari'y nakikilala narin sila.

"Kayo?.... Kayo na naman? Naku po! Ano kaya ang malaking pagkakasala ko sa langit at lagi ko kayong nakaka-krus ng daan? Tampal nito sa noo.

"E... double sorry na po." Si Chingchong na ang nag salita dahil tila napipi si Hades. "Hindi talaga namin sinasadya. Aksidente lang."

Talagang parang nalunok ni Hades ang kaniyang dila. Nakatitig siya sa kaharap. Kung maaari lang lamunin na siya ng lupa nang mga  sandaling iyon ay gugustuhin pa niya. O kaya'y tamaan na siya ng kidlat kaysa siya ang harapin nito

Salamat na lamang at naiinip na ang mga nasa likuran ng lalaki at sunod-sunod na pagbusina ang ginawa. Nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse ang lalaki. Pinaandar ito ng pahina pagtapat sa kanila. "Hoy, kayong dalawa! Magkikita pa tayo!" Kapwa nanlambot ang magkaibigan nang umuwi.

Naratnan nila si Shiro. Sila talaga ang hinhintay.

"O, bakit para kayong naholdap sa itsura n'yo, ha? Bakit ba? Saka, bakit hindi niyo ako dinaanan para makasama na ako sa pag simba." sumbat nito.

"Sus! E, naghihilik ka pa raw, sabi ng Ate Lucy mo. Kaya nauna na kami." si Chingchong ang nag paliwanag. " Kasalanan mo kaya kami inabot na naman kami ng malas."

"Ako na naman? Bakit ba, anong malas na naman ba 'yon, magkano ang naholdap sa inyo?" concernd concerned si Shiro.

"Hindi kami naholdap, 'no. Muntik na kaming masagasaan. And of all people, alam mo kung sino ang driver nu'ng sasakyan?" gigil na naman si Hady.

"Hindi!" painosenteng sagot ni Shiro.
"Believe it or not, Shiro. "Yung lalaking sinapak ni Hady du'n sa mall at pinagbintagan niyang manyakis." pakumpas pang kuwento ni Chingchong."

"Ano? nagkita uli kayo?"
"Oo, Galit na galit. Malas daw kami sa kaniyang buhay. At hindi paraw siya tapos sa min." dugtong ni Hady sa kuwento ni Chingchong. "Pero pag nag kita kami uli, ako na ang tatapos sa kanya. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong pagalitan niya na parang batang  musmos. Humanda siya!"

"Tingnan mo nga 'yan, ano. Such a small world. Kung ako sa inyong dalawa, mag paparetoke na ako ng mukha para next time around na magkasalubong kayong tatlo, e, hindi kayo makilala pa!"

┄┄┄

𝙋𝙇𝙀𝘼𝙎𝙀 𝙑𝙊𝙏𝙀 𝘼𝙉𝘿 𝘾𝙊𝙈𝙈𝙀𝙉𝙏!

Matched Better || (ON-GOING)Where stories live. Discover now