Chapter 17: Stress Reliever

Začať od začiatku
                                    

"Sasama ka sa amin!" Muli niyang sambit.

"No!" Tiningnan ko siya sa mata habang paulit ulit na binabawi ang mga gamit ko na hawak niya pa rin.

Nakataas pa rin ang kamay niya habang pilit kong kinukuha ang mga gamit kong iyon. Sa sobrang inis ko ay sinubukan kong hawakan ang batok niya na isa sa kahinaan niya, hindi pa lumalapat ang kamay ko ng bigla niyang ibaba ang kanyang kamay, pagkakataon ko na iyon para makuha ang gamit ko. Sa isang iglap ay agad kong hinablot sa kanya ang mga gamit ko, sa halip na bumalik sa table ay mas pinili kong sa office ipagpatuloy ang ginagawa ko.

Pagkapasok ay agad kong isinara ang pinto, nilock ko din iyon. Narinig ko pang sumigaw si Shaine pero hindi ko na lang pinansin sa halip ay muling binalikan ang huling number na sinasagutan ko kanina.





Hays nakakainis lang, kasi noong wala pa si Kirssen palagi kaming magkasundo ni Shaine kahit kadalasan grabe siya mang-asar. Palagi kong kasabay si Shaine sa lunch at dinner meeting, may extra time pa kami para makapag snacks na kaming dalawa lang.

Ibang iba na ang time ni Shaine tapos palagi pa siyang occupied sa mga schedules sa tuwing may lesson kami. Noon magmula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi si Shaine lang palagi ang kasama ko, kahit saan ako pumunta kasama siya,  lahat ng ginagawa ko alam niya at never siyang umalis ng hindi ako kasama. Lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating si June, sa umaga mag-isa lang akong napasok, sa lunch kasama namin si June, sa snacks naman umaalis siya para makipagtagpo kay June, then sa hapon mas una pa siyang umaalis kaysa sa akin, then kapag naman nandito siya every lesson hindi nakafocus sa pagtuturo sa akin kundi kausap naman niya sa telepono si June na akala mo naman hindi nagkikita sa hapon. Hays nakakainis na talaga.

.

.

.

Pagkauwi galing sa trabaho ay agad na din akong nagpahinga. Napahawak pa ako sa sintido ko habang binabalikan ang mga sinabi ko kay Shaine kanina habang inaayos ni Ma'am Vel ang mga sagot ko sa accounting.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko kung bakit sinabi ko ang mga salitang iyon, at sa harap pa talaga nina Ma'am Vel at Mr. Yong.

"Hays ano ba Dia? Ang tanga tanga mo talaga kahit kailan." Niyakap ko na lang ang isang unan pagkahiga ko sa kama.

Flashback

"Sure ka na ba diyan Dia?"

"Yes po Ma'am Vel."

"Dia tungkol pa rin ba ito sa ginawa ko kanina?" Siniringan ko lang si Shaine at itinuon ang atensyon sa mga libro na binabasa ko.

"Kung ganun bukas na bukas magpapa-interview tayo para sa bago mong secretary."

"Wait Tita Vel, hindi niyo po ba papakinggan ang explanation ko?"

"Shaine don't worry hindi pa naman tayo sigurado kung may matatanggap agad bukas."

"Pero Tita kahit na, diba ang sabi niyo ako ang perfect secretary para kay Dia?"

"Don't forget that you are just a temporary secretary, sooner or later hahanapan pa rin namin siya ng secretary."

"Ayaw mo pa? Samantalang pabor pa nga sayo 'yan Carson, para naman hindi ka na mag-alala kakaisip kung kumain na ba si June sa tamang oras." Sambit ko habang patuloy sa aking binabasa.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now