Always

19 5 1
                                    

OLIVIA

Nag-eempake ako ng gamit para sa date namin ni Liam. Niyaya niya akong pumunta ng Baguio para sa 2nd Anniversary namin and I'm so excited eto ang second time namin na mag out of town. Nakangiti akong nagsalamin nagpagupit ako ng buhok hanggang balikat na lang ito at balak kong isurprise si Liam kasi hindi niya alam 'to.

Chineck ko ang backpack ko kung naroon na ang lahat ng gamit na kakailanganin ko para sa dalawang araw. After I checked my things ay nilock ko na ang apartment. My phone beeped and I instantly smiled when I received a text from Liam.

From: Love Baba ka na andito nako sa parking

Pumasok na ako sa elevator at priness ang floor para sa parking. I immediately saw his car when I got out so I ran to him and hugged him tight. "I missed you love!" niyakap niya ako pabalik. I really missed him isang linggo kami hindi nagkita dahil sa work niya.

Kumalas siya sa yakap at tinignan ang mukha ko and kumunot ang noo niya ng makita ang buhok ko. "Ba't ka nagpagupit?" he said while touching my hair "Wala lang nagsasawa na kasi ako sa mahaba kong buhok" tumango lamang siya at pinapasok na ako sa kotse niya.

"Did you eat na?" tanong sakin ni love at umiling ako masyado nga pala akong naexcite nakalimutan kong kumain. "Daan nalang tayong drive thru namimiss ko na kumain ng mcdo"

"Hindi ka ba nagsasawa sa mcdo? Yon nalang lagi ang kinakain mo" tinaasan ko siya ng kilay "Anong kasawa sawa sa mcdo aber?" nang makita ang itsura ko ay natawa siya. "Maldita" irap pa nito sakin.

Nakakita na kami ng mcdo at umoder siya ng chicken ala king with bff fries at mcfloat para sa akin at 1 piece chicken at coke lang sakanya. Ang takaw ko naman tignan sa inorder niya pero okay lang kaya ko naman ubusin. Tumigil muna siya sa tabi ng kalsada na may magandang scenery at doon na kami kumain.

"Ilang oras byahe love?" tanong ko dito, this is my first time in Baguio so I really don't know how long our byahe is gonna be. "4 hours lang" tipid na sagot nito at tumango tango nalang ako dahil baka magalit pa ito pag kinulit ko pa siya.

Pagtapos namin kumain ay nagpatuloy na kami sa byahe. Kinonnect ko ang phone ko sa bluetooth ng sasakyan niya at naghanap ng magandang kanta. Sumasabay lang akong kumanta dahil wala akong magawa I don't want to sleep naman at baka maboring siya ng bongga. Then Statue by Lil' Eddie started playing.

Oh yeah, oh yeah Yeah, ooh, yeah
When a day is said and done
In the middle of the night, and you're fast asleep, my love
Stay awake looking at your beauty
Telling myself I'm the luckiest girl alive

Pagsabay ko sa kanta habang nakatingin sa seryoso niyang mukha hanag nagdadrive.

'Cause so many times I was certain
You was gonna walk out of my life, life
Why you take such a hold of me, boy,
When I'm still trying to get my act right?What is the reason when you really could have any girl you want?
I don't see what I have to offer
I should've been a season
Guess you could see I had potential
Do you know you're my miracle? (Oh yeah)

Nawala ang ngiti ko nang makita ang malungkot na mukha nito pero pinagpatuloy ko parin ang kanta

I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed

Nang umabot sa chorus ay pinatay niya ang bluetooth at seryoso ko na siyang tinignan "May problema ka ba?" seryoso kong tanong dito I don't want to think negative pero alam ko kung ano ang iniisip niya kung sino. By a simple look in his eyes you can see sadness at hindi dapat yon ang nararamdaman niya pag kinakantahan ko siya.

AlwaysOn viuen les histories. Descobreix ara