1 | Flora at Fauna

41 8 4
                                    

"Flora Laura, nasaan ka na? Mag-uumpisa na ang buwanang piging!"

Napabalikwas sa kinauupuan ang binibini at initsa sa ilalim ng katre ang librong patagong binabasa.

May pagmamadali na inayos niya ang gusot sa kaniyang bestida at nang matapos ay itinali niya naman gamit ang pulang laso ang kaniyang mahaba at tuwid na nag-aagaw ang araw at gabi na kulay na buhok. Ito ang isa sa katangian niyang pisikal na maaaring ikumpara sa mga Maharlika, bagay na kinaiinggitan ng ibang mga Flora.

"Papariyan na ho, Flora Triya," kaniyang iwinika at saglit na pinasadahan ang kabuuhan sa isang malapad na antigong salamin.

Hindi makuntento siya'y umikot pa ng isang beses para mabistahang mabuti ang buong pigura na balot sa simpleng puting bestida na lagpas sa tuhod. Ang tela ay magaan at sumusunod sa kaniyang galaw.

Sunod siya'y kumuha ng palamuti na inilalagay sa labi para mas tumingkad pa ang kaakit-akit niyang mala-rosas na mga labi upang magbigay kulay sa kaniyang kasimplehan.

"Iyo nang paspasan. Nariyan na ang karwahe. Iiwan ka namin!" huling paalala nito.

Tunog ng paglagabog ang tumugon dito galing sa kaniyang silid bago siya tuluyang lumabas sapagkat maliksi niyang inabot sa ilalim ng katre ang itinapong libro. Sinigurado niya munang naitago ito nang mabuti sa kaniyang lihim na espasyo kasama ng iba pang ipinagbabawal na libro.

Hinihingal ng bahagya, siya'y nagtungo na sa pintuan habang inaayos ang gusot sa kaniyang suot saka pinihit ang seradura.

"Santisima! Ano iyang suot mo, Flora Laura? Hindi tayo maglalakad sa merkado para gumayak ka ng ganiyan? Magsuot ka ng magarbo!" salubong na sermon ng nakakatandang Flora sa kaniya.

May pagtataka na inihilig niya ang ulo sa gawing kanan na may kasamang pagpapaliit ng titig. Ito'y upang maiparating na wala namang mali sa kaniyang suot.

"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan, binibini. Bumalik ka sa harapan ng tokador at pumili ng pinakamagarbo mong damit," madiin nitong wika.

Napapabuntong-hiningang mabagal siyang tumalima. Saglit na ipinagkumpara ang suot niya sa suot ng nakatataas na Flora.

Abot sa sahig ang suot nitong bestida na may ilang patong-patong pa na kulay asul na tela. Ito ay may tampok na magagandang disenyo ng bulaklak at simbolo na ayon sa kaniyang antas. Bagay na tumerno sa kaniyang elegante at magandang postura.

"Disente naman ang aking kasuotan, Flora Triya," apela niya at iminodelo ang simpleng kasuotan habang may nakapaskil na matamis na ngiti sa labi.

"Flora Triya! Flora Laura! Kaunti na lamang ang nalalabing oras. Pumarito na kayo at aalis na ang karwahe. Mahuhuli na tayo sa pagtitipon!" agaw atensiyon ng isang tinig. Sabay silang lumingon dito ngunit mabilis niya ring hinarap ang pinto ng kaniyang silid nang ibalik ng nakakatandang Flora sa kaniya ang tingin.

"Tiyempo ka talaga sa oras, binibini. Mananakit na naman ang sentido ko nito mamaya. Halika na't sayang ang oras," namayabas nitong ani.

Dahan-dahang pumihit paharap si Flora Laura pagwika ni Flora Triya no'n. Suot niya'y isang pilyang ngiti terno ay kumikislap na itim na mata. Sa kabilang banda, iiling-iling ulit habang malumanay na malalaki ang hakbang na bumaba na ng hagdanan si Flora Triya na agad namang natutuwang sinundan ng nakababatang Flora.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hues of GardeniaWhere stories live. Discover now