Napapikit ako dahil sa paghalik niya sa noo ko. Napakabait niya saakin. Kahit hindi pa ganoon kahaba ang pinagsamahan namin ay sobrang bait na niya.

"S-Salamat, Reseire." Ani ko. Pakiramdam ko hawak ako ng isang taong kayang protektahan ako. Pakiramdam ko ay laging ligtas na ako.

"Hmm." Inilayo niya ang labi niya sa noo ko at muling ngumiti sa akin. Napatitig ako sa ngiti niya. Napatulala ako dahil 'yung ngiti niya...nakakamangha.

"Huwag mong pagsasawaan ang pagtitig sa akin ha?" Aniya at ginulo ang buhok ko saka lumayo na sa akin. "'Yung kumatok kanina ay nagkamali lang. Tapos 'yung ulan hindi pa tumitila. Paano ako uuwi niyan? Tsk." Napaupo siya sa sofa at dumapa doon.

"P-Pwede ka naman mag-stay dito." Ani ko at tumingin sa kanya. Nakadapa parin siya at hindi lumilingon sa akin. "Papahiramin na d-din kita ng damit para makapag-palit ka." Hindi parin nawawala ang tingin ko sa kanya.

"Maski likod ko nagugustuhan mo na din titigan? Hmm?" Sambit niya na hindi lumilingon sa akin. Napalunok naman ako sa sinabi niya. Bakit ba ang lakas ng pakiramdam ng babaeng 'to? Pati kahit hindi niya nakikita ay mararamdaman niya.

"A-Ano..." Nainguso ko ang labi ko dahil ko alam kung anong ipapalusot ko. Kinakabahan parin kasi ako,nakainis din dahil nagkakaganito ako.

Tumihaya siya at tumaas ng tingin sa akin,nanatiling nakanguso ang labi ko. "Parang bata." Anito habang nagpipigil ng tawa.

"Anong b-bata ka diyan." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bata? Hmm child." Aniya na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Ha?"

"Baby." Nakangising aniya. Naibuka ko naman ang bibig ko dahil sa pagkakagulat sa sinabi niya.

"Baby?" Nagtatakang ani ko.

"Yes Baby?" Aniya at lalong ngumisi ang labi niya. Naiiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil lalong dumodoble ang kaba sa dibdib ko dahil sa mga ngisi niya. "Baby hmm." Hindi ko alam pero kusang nag-init ang pisngi ko dahil sa sambit niyang iyon.

"Ano..." Nilingon ko siya. Nakangisi parin siya habang nakatitig sa akin. "I-Ikukuha na kita ng damit para makapag-palit k-kana." Ani ko at tumalikod sa kanya. Naipikit ko saglit ang mga mata ko dahil sa kaba na nasa dibdib ko.

"Hmm. Hihintayin ko...Baby." Nandoon ang lambing sa boses niya nang sabihin niya ang huling salita na sinambit niya. Napailing ako at dali-daling naglakad papuntang kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay napasandal ako sa pintuan habang hawak ang dibdib ko. "A-Ano ba 'yung kaba na 'yon?" Naipalobo ko ang bibig ko dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

"N-Nakakakaba." Nailakad ko ang mga paa ko papunta sa lagayan ng mga damit ko. Nagbihis muna ako ng damit na aabot hanggang tuhod na kulay pula at tinernuhan ng short. Saka ko kinuhanan ng damit si Reseire na kulay itim na gaya ng akin ay aabot hanggang sa tuhod. Kumuha ako ng isang short at panjama. Hindi ko kasi alam ang gusto niyang isuot pambaba,kumuha narin ako ng undies at bra.

Agad ako lumabas ng kwarto ko at pumunta sa sala na kung saan nandoon si Reseire. Naabutan ko siyang nakapikit habang nakahiga. Hindi ko alam kung tulog na ba siya o pinapahinga lang ang sarili niya.

Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya o huwag na muna at hayaan siyang magpahinga. Napalunok ako ng dumapo ang tingin ko sa natural na pula ng labi niya.

Pakiramdam ko ay nagiging manyak ako sa pagtitig sa labi niya...

Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa labi niya. Pero kusa na naman akong napatingin sa mukha niya hanggang sa labi niya. Sa puntong ito hindi ko na magawang ilalis ang paningin ko sa labi niya.

When She's The One (G×G) Where stories live. Discover now