Sa gilid nang hagdan kong saan sila nakaupo ay madaming mga magbabakada na nag kwekwentuhan ang iba naman ay simpleng nang aaral lang. Nang mapadaan ako sa ib ay rinig ko ang pagkadismaya at yamot nila sa barkadahan nina Terran dahil abot na yata sa admin ang kanilang ingay.

Nakatalikod sa pwesto ko si Terran kaya naman hindi niya agada ko napansin imbes ay napansin ako ni Reuben, isa sa kanilang barkada mukhang sinabi naman niya yon kay Terran kaya agaran itong lumingon, agaran itong ngumiti sa akin tatayo pa sana siya kaya lang ay nakalapit na ako agad sa kanya.

Nang nasa harapan na ako nang kanilang inuupuang lamesa ay napansin ko din si Levy na busy na busy sa kanyang cellphone, pero nginitian din naman ako kaya gumanti ako nang ngiti.

"Kukunin ko sana ang bag ko, kakahiya sayo ikaw pa nagbitbit" Itinaas niya pa ang kamay niya na hudyat na okay lang naman sa kanya na siya ang nag bit bit nang bag ko bago niiya tuluyang iniabot ang aking bag, akala ko ay yon lang pero mabilisan niya din akong inabotan nang isang biscuit at isang bote nang tubig.

Hindi ko tuloy maiwasan na mapatiggin sa kanya, wala kase akong matandaan na may dala akong ganon.

"Huh? Hindi to akin, nailahok mo lang ata sa gamit ko" Inabot ko pabalik sa kanya yung tinapay at tubig pero inatras niya lang yon pabalik sakin kaya lalo nangunot ang aking noo sa pagtataka.

"Ano kaba sayo yan! Ano kasi, a-ano... ahhhh... Tama! Namigay yong mga officer ng tubig at tinapay! Tama! Tama! Officers hehe" Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi ni Terran ay agaran ko nang narinig ang tawanan nang kanyang mga kaibigan kasama na don si Levy.

Lumingon si Terran sa mga ito at sa hindi ko malamang dahilan ay tumigil ang mga kaibigan niya sa pagtawa. Ilang Segundo pa ang kanilang pagtitigan bago ibinalik ni Terran ang kanyang tinggin sa akin, halata sa kanya na hindi siya mapakali at para din siyang nahihiya na hindi ko alam kong bakit kaya hinyaan ko na lang.

"Hay nako Reuben sana pala sumali tayo ng CAT may libreng PAGKAIN pala diba!?" Nawala kay Terran ang tinggin ko nang magsalita ang isa sa kaibigan nila, naka emphasize sa sinabi nito ang pagkain, dahil sa sinabi din nito ay nagtawanan na namna ang magkakaibigan, ang weird nila.

"Ahhh ano... Terran una na ako sa taas, may klase pa kase ako eh salamat ulit ha! Alis na ako Levy! Reuben!" Kumaway ako sa kanila at naglakad na paalis doon, nabatuka ko pa ang sarili ko kase hindi ako nakapag paalam don sa isa kase hindi ko alam ang pangalan.

Habang naglalakad na ako pabalik sa room namin ay narinig ko pa ang usapan nilang magkakaibigan, hindi gaanoong malakas pero hindi rin ganong kahina.

"Bakit Terran si D—" Hanggang doon lang ang narinig ko dahil malayo na ako sa kanila, nang makaakyat nan ang tuluyan ay naisipan ko munang pumunta ng banyo para mag freshen up, naiistress ako sa lintek na training na yan, ay! No! Scratch that doon lang pala sa hinayupak na commander na yon ako naistress.

Nang matapos na ako ay lumabas na ako at dumiretso na sa may room, pag pasok ko pa lang ay rinig ko na ang inggay dumiretso ako sa kanang bahagi kong nasaan ang mga kaibigan ko tumabi ako kay Carol at Eli, busy si Eli sa cellphone niya tapos si Carol ay busy sa pakikipagchikahan kay Aaron, ng umupo ako pareho naman silang tumingin sakin.

Pinaguusapan nila yung mga nangyari sa training at kung ano ano pang iba, madami naman sila laging baon na kwento kahit pa mag hapon kaming magusap ay hindi kami nauubusan lalo na si Carol, isa't kalhating chismosa yan palagi yang may dalang chicka.

Hindi muna ako nakisali sa kanilang paguusap at sinimulan ng kainin yung tinapay na bigay daw ng officers, gutom na ako hindi pa ako nakain ng umagahan sana pala ay kumain ako kanina sa canteen, nagtaka lang ako kong bakit kami binigyan ng mga officer hindi naman sila namimigay eh.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now