Chapter 16: Short Memory Loss

Start from the beginning
                                    

"Ihahatid na nga kita." Hindi na ako nakapagsalita pa ng higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko, malamig ang kamay niya na tila humawak ng isang bloke ng yelo. Dahil malalaki ang hakbang niya ay patakbo ko siyang sinasabayan upang hindi ako maout balance.

"Iniiwasan mo ba ako? Kanina ka pa tahimik, may ginawa ba akong mali?" Kanina pa siya nagtatanong magmula ng makasakay ako dito sa kotse matapos niya akong hilahin.

"Shine, may mali ba akong ginawa para iwasan mo? May problema ba?" Wala pa rin akong sinagot kahit isa sa mga tanong niya, maya maya pa ay binagalan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan.

"Kung ayaw mong sagutin ayos lang, pagkahatid ko sayo aalis na din agad ako."
Nanatili lang akong tahimik at walang kibo.

Hindi ko alam ang isasagot sa lahat ng tanong niya, at nahihiya ako na itanong sa kanya kung bakit araw araw niyang ginagawa ito. He is just a stranger I met in hospital two weeks ago. I don't know him, his background, his full name, even his number. Lumitaw na lang siya sa hospital matapos ibigay ang documents ko at upang bantayan si Nanay, tapos after no'n araw araw na siyang bumibisita sa akina at kay Nanay, hinahatid ako sa bahay maging sa hospital, sinasabayan ako sa lunch break ko at ang araw araw niyang regalo. Pero ang malaking tanong, bakit ako pumayag na gawin niya ang lahat ng iyon?

"Susunduin kita mamaya pauwi. Alas otso ng gabi nandito na ako." Napansin ko na nasa tapat na kami ng hospital, tinanggal niya ang seatbelt niya.

"Ahm KD." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang buckle ng seatbelt ko.

"Yes?"

"Ano kasi? May itatanong lang sana ako."

"Sure ano ba 'yun?" Tanong niya matapos matanggal ang seatbelt ko.

"Bakit mo ito ginagawa? What I mean is we're just strangers, hindi kita kilala at hindi mo din ako kilala. Pero bakit ginagawa mo lahat ng ito?"

"Tanda mo ba 'yung nakasulat sa green paper noong pinadalhan kita ng regalo?" Imbes na sagot ang marinig ko ay tinanong niya lang din ako.

"Ha?"

"Sabi ko ako ang magbabantay kay Tita Haide habang abala ka sa trabaho."

"E bakit mo nga ginawa?"

"Kasi gusto kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang nakangiti lang sa akin.

"Diba sabi ng mga matatanda kung gusto mong makuha ang atensyon ng taong gusto mo, unahin mong kilalanin ang magulang niya." Hindi ko alam kung saan galing ang mga pinagsasabi niya, kaya nakakunot lang ang noo ko.

"Don't tell me hindi mo ako natatandaan?" Mas napakunot ang noo ko sa sunod niyang tanong.

"Remember the fashion show in Europe two years ago? Doon kita unang nakilala, stylist ka pa nga that time with bangs.

"Swisly Corporation?"

"Yes, doon ako nagtatrabaho. At dahil sa fashion show na 'yun nakilala ko ang tulad mo. Alam kong chessy pakinggan pero naghintay ako ng dalawang taon para makita ka ulit, then dito ka lang pala sa Pilipinas naka assigned." Tama ba ang mga narinig ko?

"Shine corny ba pakinggan kapag sinabi kong dalawang linggo na akong nangliligaw sayo?" Napalunok ako ng laway sa sunod niya tanong.

Isa sa kalaban namin ang Swisly Corporation pagdating sa fashion show, maging ang Mondragon Company at ang Lei Faisean na pasok sa top 50 most outstanding company dito sa Pilipinas. Tapos itong KD na kasama ko sa loob ng kotse niya ay isa sa katunggali namin. Bumibisita ba siya sa akin sa office upang mag-ispiya sa mga ginagawa namin? O sadyang ako lang ang pakay niya?

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now