He even sent me pictures of him from his photoshoots earlier. Agad akong nag-off cam at ngumiti nang makita kung gaano siya ka-gwapo sa mga 'yon. Para siyang ibang nilalang na sobrang pinagpala. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko kaya binuksan ko na ulit ang camera ko. "Nag-lag, sorry," alibi ko. Kahit siguro guardian angel ko ay kokotongan ako ngayon.



[Joaquin: 'Di ka pa ba matutulog? Ayaw mo pa ba 'kong mapanaginipan?]



"Ayoko, baka bangungutin ako."




[Joaquin: Babangungutin ka ng kapogian ko.] Malakas niyang tawa ulit. Nagpipigil ako ng akin dahil mahalata niya na masyado na akong natutuwa sa kanya samantalang siya ang pangalawa sa listahan ng mga taong kinaiinisan ko.




"Ulol mo." Napailing-iling ako at umirap na lamang. Mayamaya'y tinawag na siya ng manager niya kaya pinatay ko na ang tawag. That made me explore his room more. Pinayagan niya naman akong galawin ang mga gamit niya pero hindi ko pa rin ginawa. Sa takot ko na lang na baka masira ko pa. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama niya at gumulong-gulong.



"Shuta, ang bango niya talaga..." Singhot ko sa kanyang kumot. Ibinalot ko iyon sa'kin habang yakap at ginawa ko namang dantayan ang ilang unan niya. All of it smells literally just like him! I can smell his whole bed all night!


Nang makatigil ako sa aking ginagawa ay saka ko binalik ulit ang atensyon ko sa phone upang mag-scroll lang sa Tiktok. Hindi rin ako makapaniwala na halos parang lahat ng videos doon ay para sa'kin. Maliban sa mga fuck buddy related vids. Upon watching, a little thought came to me... What if we spice it up a little?



Lumipat ako agad sa text messages para sabihin ang bagong larong naisip ko. Hindi ko naman inaasahan ang reply niya agad dahil alam kong abala siya pero mayamaya lang din ay nakasagot na siya agad sa tanong ko.



🗨️ To: 09*********
What are your thoughts about
fuck buddies

💌 09*********:
Fuck what?


Akala ko ay rereplayan niya ako ng essay pero napairap na lang ako nang replayan niya rin ako ng tanong.


🗨️ To: 09*********:
Sex lang walang label


💌 09*********:
Hm idk

Why? You want to try? :)



The side of my lips rose when I read his reply. Hindi lang pala siya magaling sa paggulo ng mga nararamdaman ko. Magaling din siya sa pagbabasa ng utak.



🗨️ To: 09*********
You bet ;)


💌 09*********:
Let me think



🗨️ To: 09*********
No pressure :*



Saka ko na pinatay ang phone ko. That was too risky but I want to try it this time. I want to know what it feels like. And maybe after trying, I wouldn't be that boring, emotional, pathetic girl. Curious and more curious... Maybe.... Just maybe....


At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now