Pinatugtog nila yung DIRTY BASS. Halos sigawan kami kasi habang nagsasayaw, may nagpasabog ng mga party popper. Ewan ko sa kanila, basta nageenjoy kami dito. Haynako, hindi man lang nakikijoin si Xavier, nakaupo lang siya dun at tinatamad siya. Bahala na siya dun.

''Bat hindi mo niyayaya yun?'' 

''Bahala siya, ayaw niya daw eh.''

Nagsayaw lang kami doon ng biglang mag change ang song. Napunta sa Troublemaker.

Naramdaman ko na lang na may sumasayaw, at lumapit siya sakin. Ginaya tuloy namin si Hyunseung at Hyuna. Oo, si Xavier sumasayaw. Naghihiyawan yung mga tao kasi may nahawakan siya, kung alam niyo yung sayaw, alam niyo yung steps.

Bigla niya akong binigyan ng smack sa huli. 

''Akala ko uupo ka na lang dun eh.''

''No way..'' Hinawakan niya kamay ko tapos he just winked at me. Dinala niya ako sa labas ng bahay nila Yuri at pinasok ako sa kotse. ''Aalis na tayo?'' Tanong ko.

He just give me a kiss before he answered me. ''Hindi pa. May gusto lang akong gawin bago pa ang lahat.'' May kinuha siya sa loob ng bulsa niya at lumapit siya sakin. Hahalikan niya ba ako? Bigla tuloy akong napapikit. Naramdaman kong tinanggal niya yung hikaw ko tapos may nilagay siya. AKALA KO HAHALIKAN AKO! Esh.

''You're drop dead gorgeous.'' Tinignan ko sa side mirror yung earrings. Grabe, diamond kaya nagniningning siya. Ngumiti na lang ako at nagsabi ng thank you. Nakatingin pa din siya sakin ng seryoso, anong ginawa ko na naman?

''Huy, sabi ko Thank you.'' Sabi ko. Wala pa din siyang respond. Kumunot lang yung noo niya. ''Tss.'' Anyare?

''Ano na namang mukha yan Xavier?'' I just rolled my eyes tapos hinila ko yung batok niya at hinalikan siya for 1 minute. Ngumiti siya tapos ginulo buho ko! Grabe, sinamaan ko lang siya ng tingin pero nakangiti lang siya. Lumabas naman kami ulit at pumasok ulit sa loob.

Kumain na kami ng mga handa. Ordinary filipino foods lang naman ito eh. Spaghetti kinakain namin ngayong dalawa. ''Ang sarap.'' Sabi ko. Dire-diretso lang ang kain ko ng bigla niyang pinunasan yung gilid ng labi ko. ''Yan, wala na.'' Gulat naman ako dun.

Pinakuha ko siya ng pansit at kung ano ano pa. Pagod na daw siya.

''Chaperone lang?'' Reklamo niya. Wow ah, anong chaperone pinagsasasabi nito?

''Ha? Ewan ko sayo!'' 

Nag-usap kami ng mga kabarkada ko tungkol sa mga kasama namin. Actually si Andrea, dala boyfriend niya. Si Yuri, kasama si Zeke, ako, kasama ko siya. Si Hazel naman, ayun loner. As always. =_=

''Anong masasabi niyo sa kanila? Pano ba sila humalik?'' Panimula ni Yuri. BAKIT GANITO PANG DISCUSSION? Grabe lang, hotseat eh.

''Che! Anong klaseng tanong yan.'' Tumawa lang yung iba dahil sa tanong ni Hazel. Ako naman, nakapoker face lang. Kasi naman, ayokong isalaysay, baka maglaway sila. Selfish ako eh, walang aangal.

''Basta nga. Ikaw muna Andrea.'' 

Biglang ngumiti si Andrea. ''Sweetest lips i've ever tasted.'' Pinalo namin siya sa braso, habang siya naman eh namumula na sa kilig. Harrrrruuuu, iba na yan.

''Eh ikaw Rayven?'' 

Tinuro ko pa talaga sarili ko. ''Sino pa ba si Rayven? Diba ikaw lang naman ang rayven dito ngayon?'' Inismiran ko lang siya.

''Well, hindi ko siya masasalaysay kasi, kakaiba. Kasi wala kang masasabi. I dont even expected that he can kiss me that way. Alam mo yung feeling na, hindi mo talaga maeexplain dahil nakakahanga.''

''Ohhhhhh..'' Binelatan ko lang sila.

Wala namang special dun. Oo nga, nahahalikan niya ako ng ganun. Napapaligaya niya ako, nabibigay niya ang gusto ko. Pero may isang bagay na gusto kong maramdaman at manggaling sa kanya. That  will surely make my heart beat fast.



The word ''LOVE''




And ... ''I LOVE YOU''


-----

FULL OF LUST (Matured Content)Where stories live. Discover now