She then gave me a dagger stare. "Well, gusto ko lang sabihin na wala akong paki."

I cocked my head and let out a laugh.

Wala raw siyang pakialam pero bakit simula noong araw na iyon ay naging magkaibigan kami? I have this kind of feeling na alam kong mapagkakatiwalaan ko siya at kahit magkaiba kami ng ugaling dalawa ay nagkakaintindihan pa rin kami. Na kahit anong panlalait at pang-aasar ko, dinededma lamang niya. Hindi rin siya napipikon sa akin, hindi kagaya nina Joana na kapag na-realtalk, nagagalit na. Si Bluie, kahit na parang palagi siyang walang gana, kulang sa energy at mahirap basahin, nakikita ko sa mga mata niya na kahit papaano ay natutuwa siya sa 'kin. Hindi lang siguro talaga siya showy.

"Kumusta naman ang first week ng future Engineer ko?"

I hugged Luke from behind. He was now in his first year in college at sa LSPU pa rin niya napiling mag-aral. Pangarap niyang maging Teacher pero dahil sa kagustuhan ng Mommy niyang maging Engineer siya ay iyon ang kinuha niyang kurso.

"So far, okay pa naman, Love." He heaved a deep sigh.

Nandito kami ngayon kina Damian. Nag-iinuman sila roon sa living room sa baba but since hindi naman umiinom si Luke at mahiyain din siya ay nagpasya na muna siyang umakyat dito sa taas. Alas-otso na at kanina pa rin tumutunog ang kaniyang cellphone dahil sa tawag ng kaniyang Mommy, ngunit binabalewala lamang niya ito.

Hinawakan niya ang mga braso kong nakapulupot sa kaniyang baywang at dahan-dahang humarap sa akin. Sumandal siya sa balkonahe, marahang dumapo sa aking magkabilang baywang ang malambot niyang palad bago ako patakan ng isang mabilis na halik sa aking noo.

"I don't like Engineering but I have no other choice,"

I licked my lips. "Bakit hindi mo ipaliwanag sa Mommy mo?"

"She wouldn't let me, Love. Iniiwasan ko ang magalit siya sa akin dahil siguradong ipapatapon ako no'n sa Manila." He let out a tired sigh again and stared at me. "At ayaw ko no'n. Kahit maging robot niya 'ko, ayos lang sa akin. Basta ang mahalaga nandito lang ako. . . malapit sa iyo." He then brushed my hair and kissed my forehead.

Palihim na sumupil ang isang mapait na ngiti sa aking labi. Alam kong hindi madali ang relasyong pinasok ko. Masiyadong malaki ang harang ang nasa pagitan naming dalawa at hindi kami malaya sa mga nais naming gawin. Ngunit kahit gano'n, ayos lamang iyon sa akin. Handa akong magtiis kung sa dulo man nito ay may nag-aabang na matinding kasiyahan para sa akin.

Sa kabilang banda, kuntento na 'ko sa mga bagay na ginagawa namin ni Luke kahit na maikling oras lang ang mayroon kami sa araw-araw. Limitado ang oras niya dahil bantay-sarado siya ng kaniyang ina habang ako naman ay may abala sa trabaho at pag-aaral.

Kung mayroon man kaming hindi napapagkakasunduan ay iyon ang pagiging independent ko sa lahat ng bagay. Na sa sobrang kaya ko raw na mag-isa, nararamdaman at naiisip niyang parang hindi ko siya kailangan just because I never seek help from everyone. . . even him.

Sa aming dalawa, ako ang binabansagang lalaki sa relasyon dahil ultimo maging sa maliit na bagay kagaya ng pagsisintas ng kaniyang sapatos o pagbubukas ng bote ng tubig ay ako pa ang gumagawa. Na sa aming dalawa ay siya pa ang mas madalas na tinotoyo at ako pa ang madalas manuyo.

I have no problem with that, though. Kagaya nga nang sinabi ko, masaya ako sa mga bagay na ginagawa ko para sa kaniya.

"Love, nakauwi ka na po?" tanong ni Luke mula sa kabilang linya.

Sumakay muna ako sa pinara kong jeep bago sagutin ang kaniyang tanong. Ikiniling ko ang aking ulo at inipit sa pagitan ng aking tainga at balikat ang cellphone dahil kailangan kong kumuha ng pamasahe sa aking wallet.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon