Chapter 02

436 30 0
                                    




"Kaede Rukawa" pangalan nya lang ang nasabi ko dahil nakatitig ako sakanya ang lakas ng tibok ng puso ko ng makita ko sya





Sa wakas nakita ko rin ang taong nilalaman ng isipan ko parang gusto ko syang sugurin ng yakap dahil namiss ko sya kahit hindi nya ako kilala.





"Kilala mo sya?" tanong saakin ni Maria bumalik naman ako sa realidad at tumingin sakanya at tumango.





Hindi ako makapagsalita dahil ang lakas talaga ng tibok ng puso ko





"Ahh same school pala kayo dati no?ang galing nya no?" mangha sabi nya habang nakatingin kay Rukawa na naglalaro





"Oo napapanood ko na sya noon pa naman" ngumiti ako sakanya at tumingin kay Rukawa nanginginig ang kamay ko hindi sya nakatingin saakin pero nanginginig na ako





Nilihis ko ang tingin ko sa kanya at hinanap ang Lolo ko nakita ko naman ito nakaupo sya at nakatingin sa mga player's nya





"Anzai, ibig sabihin Apo ka ni Coach Anzai ng Shohoku team?" huminga ako ng malalim dahil ngayon nya lang narealize





"Oo" tanging sambit ko sakanya at nagpaalam na lalapit kay lolo, lumapit naman ako sa kinaroroanan nito.





"Lolo" nag angat naman ito ng tingin saakin





"Miki?" tawag nya saakin tumango naman ako at nagmano sakanya at yumakap





"Kelan kapa umuwi?" yumakap ito pabalik sa kanya





"Kahapon lang Lolo kamusta ka?lumipat ako dito" ngumiti ako sakanya





"Okay lang ako, Saan ka nakatira?" nakangiti ito saakin.





malapit ako sa aking lolo dahil paboritong anak nya ang mommy ko.





"Sa Apartment balak ko din lumipat sainyo ni Lola"





"Oo doon ka lamang ho ho ho" tawa nya sakanya lang ako nakarinig ng tawa mahinhin lamang






"Ikaw tatang ah hindi mo sinabi may Chikababes ka ah?" tumingin ako sa nagsalita kulay pula ang kanyang buhok at matangkad.





Tumawa naman si Lolo para matuon saamin ang atensyon na kinataranta ko.





"Eto pala ang aking apo si Miki" pakilala ni lolo sa Player's nya nakahelera sila sa harapan namin





"Hi Miki ako nga pala si Sakuragi ang henyo" nakipagkamay ako sa Sakuragi mukha nama syang mabait





"Hi Miss Miki ako nga pala si Akagi, ako nga pala ang Captain" ngumiti naman ako sakanya Matangkad sya sobra
mukha pala masungit na.





"Ako si Ayako ang manager" ngumitin ako sakanya at nakipagkamay





Tumingin ako sa lahat ng player's hanggang napunta sa lalakeng nasa likod ni sakuragi lalo akong kinabahan dahil nakatingin sya saakin nagbaba ako ng tingin at kinausap si Ayako tungkol sa Team bumalik naman sila sa Practice pero kung tibok ng puso ko lumalakas dahil sa unang pagkakataon tumingin saakin si Rukawa..





"May Gusto kaba kay Rukawa?" biglang tanong saakin ni Ayako nagbaba naman ako ng tingin at aminado ako na namumula ako





"Mukhang tama ako, dahil halata naman" ngumiti sya saakin at tumingin sa mga naglalaro





"Oo wag mo sanang sabihin sa iba Ayako ha?" I bit my lower lip.





"Walang Problema yun marami namang may gusto dyan kay Rukawa" tinuro nya ang mga maiingay sa taas ang mga babae sumisigaw ng pangalan ni Rukawa






"Yan mukhang marami kang kaagaw dyan kay Rukawa" tinuro nya ang mga babae tumitili kay Rukawa.





"Kita ko naman, magaling sya maglaro" maski junior high pa sya talagang magaling na sya. Walang duda don





"Napanood mo na ba sya noon?" tumingin sya saakin at tumango naman ako sa tinanong nya





"Junior High palang may gusto na ako sakanya"





"Talaga?Lalo syang gumaling no?balita ko noon pa naman magaling na sya kaya tinawag syang Super Rookie"






"Oo naman, Dahil sa kanya minahal ko ang Basketball" proud na sabi ko at tumingin kay Rukawa na binabantayan nung Mitsui





"Naglalaro ka?" gulat na sabi nga ngumiti naman ako





"Oo kasama ako ngayon sa Team ng Shohoku ng Women's"





"Hindi na ako magtataka apo ka ni Coach Anzai"





"Okay yun lang ngayong araw mag si uwian na kayo 6am bukas walang malalate!" Sigaw ni Akagi sa members nya mukhang tapos na ang Practice





"OO" sigaw ng lahat at naglinis ng Gym





Nag angat ako ng tingin sakanila at hindi ko inaasahan magsasalubong ang tingin namin ni Rukawa





Tumibok naman ang puso ng mabilis hindi nya inaalis ang paningin nya saakin nag iwas ako ng tingin dahil baka makita nya ang pamumula ko





Huminga ako ng malalim at nag paalam kay lolo na sasabay sa kanya uuwi kukunin lang ang gamit ko






Naglakad ako palabas ng Gym ng may nasanggi ako nag angat ako ng tingin sa katabi ko





At ayun nanaman ang Puso ko na ang bilis ng tibok tila nabibingi ako





Dumikit ang braso nya saakin dun pala naghuhurumintado ang puso ko nakatingin din sya saakin tila pinagmamasdan ang Mukha ko nag iwas ako ng tingin sya at nagmadali maglakad palayo sa kanya ng makalayo ako humawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko na hanggang ngayon ang lakas ng tibok huminga na ako ng malalim pero ganon padin






Tila naiwan sa isipan ko ang mga mata ni Rukawa diretso nakatingin saakin.

ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon