Prologue

954 62 7
                                    

"Daruma!Sabihin mo sa akin,paano mabubuksan ang lagusan!"sigaw ko sa malaking estatwang nakaupo sa aming harap.

"Ibigay mo sa akin ang kristal ng Dalgora."tinitigan ko ang pulang kristal na hawak ni Veadly .Kumikinang ito sa pulang liwanag at nagpapalabas ng malakas na enerhiya.

"Ipangako mo muna na susundin mo ang ating kasunduan!"sigaw ko pabalik.

"Huwag mo akong gawing manloloko itinakda.Tumutupad ako sa mga usapan kaya ibigay mo na sa akin ang aking ninanais."ramdam ko ang galit nito.Atat na atat siyang makuha sa amin ang mahiwagang kristal.

Dahil wala ng ibang paraan upang makabalik sa Mundo ng Celestial ay sinenyasan ko si Veadly na ibigay niya sa akin ang kristal.

"Siguraduhin mo lamang na bubuksan mo ang lagusan kung ayaw mong magkalagutan tayo dito Daruma."pagbabanta ko sa kaniya subalit isang malakas na tawa lamang ang aming natanggap.

"Hahahahaha nakakalimutan mo yatang isang bathala ang kinakausap mo itinakda.Hindi mo ako makakaya,baka ang gusto mong sabihin ay malalagot ka sa akin kapag hindi mo ibigay  ang kristal."mayabang na turan nito na labis kong ikinainis.

Napakahambog ng bathala na ito,sigurado akong ang masamang ugali niya ang dahilan kung bakit siya ginawang estatwa.

"Nagpapatawa ka ba Daruma?Nakakalimutan mo rin yatang nasa akin ang isang bagay na labis mong kailangan.Ano kaya kung muli kong basagin ang kristal na ito?"hinagis-hagis ko sa ere ang pulang kristal at pinagbantaan itong ihagis sa sahig.

"Huwag!Susundin ko na ang iyong gusto.Bubuksan ko ang lagusan subalit hindi ko iyon magagawa nang wala ang kristal na iyan sa aking pangangalaga."marunong naman palang umintindi eh.Nagmamatigasan pa,tsk!

"Kung ganon ay ibibigay ko sa iyo ang kristal na ito kapalit ng pagtupad ng aming kahilingan."ani ko at may pulang ilaw na tumama sa lupa sa aking harap mula sa kaniyang dibdib.

"Ilagay mo sa pulang liwanag ang kristal."utos nito sa akin na agad ko namang sinunod.

Nang sumayad ang bato sa pulang liwanag ay lumutang ito sa ere,sinunod nito ang pinagmumulan ng ilaw.

"Hahahaha!Sa wakas!Nasa akin na ang kristal!"sigaw ng tinig ni Daruma at biglang yumanig ang buong kweba.

"Anong nangyayari?"magkasabay na tanong sa akin ni Veadly at Blaine.

"Hindi ko rin alam!"sagot ko at biglang gumuho ang lupang kintatayuan namin.

"Magmadali kayo,lumabas na tayo rito!"sigaw ko sa dalawa at nagsitakbo kami palabas ng kweba.

"Anong nangyayari Damon?Pakiramdam ko ay pinagtaksilan tayo ng bathala."turan ni Blaine nang makalabas kami sa lungga ni Daruma.

"Sang-ayon ako sa pinagsasabi mo Blaine.Tila ay pinagloloko lamang tayo ng bathala."pagsang-ayon ko sa kaniya habang nakatatitig sa gumuguhong kweba.

"Pakshit na bathalang yan!"sigaw ni Veadly at pumulot ng bato na ipanghahagis sa kweba.

Maging ako rin ay nakaramdam ng inis sa bathalang si Daruma.Napakagago ko na nagpaloko ako sa kaniya.

"Ano ang inyong ikinainis mga mababang tao?"sabay sabay kaming napalingon sa aming likuran ng marinig namin ang tinig ni Daruma.

"Nasaan ka!"sigaw ko at muli kaming nakarinig ng halakhak.

"Tumingala ka itinakda."katulad ng kaniyang sabi ay tumingala ako at nakita ko siyang bumababa mula sa pagkalutang sa ere.Nakacross-sitting pa ito na animo'y nagninilay-nilay katulad ni Budha.

"Base sa inyong mga ekspresyon ay masasabi kong inakala niyong pinagloloko ko lamang kayo."napakuyom ako ng aking kamao at pinipigilan ng husto ang aking sarili.Gusto ko na talagang saktan ang bathalang ito!Nakakaasar na talaga siya.

"Nasaan na ang lagusan?"sigaw ni Veadly na nakapagbalik sa akin sa huwisyo.

Tama ang lagusan!Kailangan namin ang lagusan.

"Ngayon na nasa iyo na ang kristal,buksan mo na ang lagusan."utos ko sa kaniya at nakita ko ang pagkurba ng isang sulok ng kaniyang labi.

"Ano ang iyong nginingiti Daruma?Nakakalimutan mo atang may kasunduan tayong dalawa?"pinalabas ko ang aking sandata at mabilis na nagtungo sa kaniyang kinatatayuan.Tinutukan ko siya ng aking espada sa leeg ngunit hinawakan niya lamang ang talim nito gamit ang dalawa niyang daliri.

"Huwag mo akong takutin nang ganiyan itinakda sapagkat hindi ako natatakot."pinadilatan niya ako ng kaniyang mata at nagpakawala ng malakas na enerhiya.Agad akong lumundag pabalik sa gitna nina Veadly para maiwasan ang pinakawalan niyang enerhiya.

"Hahahaha nakakatawa ang iyong paglundag itinakda.Bakit parang natatakot kang matamaan ng aking enerhiya?"napahigpit ang hawak ko sa aking espada dahil sa sinabi niya.

"Hahaha huwag ka munang magalit itinakda..."pumitik siya sa ere at nabuo ang isang lagusan sa kaniyang likuran."...hindi ba't ito ang iyong gusto?"nakangiti niyang wika sa amin.

Napalaki ang aking mata dahil sa lagusan.Nakaramdam ako ng labis na pananabik na bumalik sa mundo ng Celestial.

"Hali na kayo at pumasok sa lagusan."aniya na tinanguan na lamang naming tatlo.

Tumabi si Daruma at isa-isa kaming pumasok sa lagusan.Lumabas kami sa isang sirang bulwagan.Sa dulo nito may nakikita kaming isa pang lagusan.

"Iyan ang totoong lagusan na magdadala sa inyo sa mundo niyo."sambit ng bathala mula sa aming likuran.

"Kung ganon ay maiwan ka na namin dito Daruma."saad ko at mabilis na tumakbo.

Hintayin mo ang aking pagbabalik sa ating mundo mahal ko...

"Humayo kayo at tumagos sa lagusan na iyan!"sigaw ni Daruma sa amin.

Tik tak*tik tak*tik tak*

Parang naririnig ko ang bawat paggalaw ng kamay ng orasan.

Tok*tok*tok

Pati ang ingay na ginagawa ng aming sapatos sa pagtatakbo ay dinig ko rin.Tila naka slow mo ang lahat.

Nang makarating kami sa tapat ng lagusan ay nabigla kami nang nawala ang pag-ilaw nito.

"Nasaan na ang lagusan?"tanong ni Veadly sa akin.

"Hahahaha!"sabay-sabay kaming napalingon kay Daruma.

Ano ang nangyayari?

"Ano ang ibig sabihin nito Daruma?"sigaw ko sa kaniya.Nginitian niya lamang kami at bigla siyang lumitaw sa aking harap.

Sinakal niya ako at bigla na lamang ako nakaramdam ng ibayong sakit sa aking tiyan.

"Pasensiya na at hindi kayo makakabalik sa inyong mundo.Paalam itinakda."sambit niya bago ako ihinagis sa malamig na sahig.



Celestial Quest (Magia Academy Book 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن