CHAPTER 1: CHEAP

84.2K 1.6K 158
                                    

VOTE if deserver

COMMENT kung may violent reaction or feedbacks :)

At para sa hanggang ngayon na naguguluhan.. Sundan niyo nalang yung pangalawang ending. Like what I've said before, ayokong maging tragic yung story. At para sa mga nakaka appreciate ng effort ko, thank you. At para dun sa mga nan lalait sa story ko, thank you din.

TOURISM yung kinuha kong course hindi WRITER. Kaya makakakita kayo ng mga mali or minsan ang gulo ng story, kase hindi naman ako isang professional writer. Isa lang akong amateur writer.

Yun lang...

XOXO

SARAH♥

CHAPTER 1: CHEAP

NOW PLAYING: I PROMISE YOU BY FRANKIE J

TAO

Sana magustuhan niya yung ibibigay ko sakanya.. Gusto ko sana yung white gold na couple ring.. Pero naisip ko kase na very common nalang yung mga ganun..

Kaya para maiba naman, pumunta ako sa ***** Shop para bumili ng ganun klaseng  sing-sing, 20 pesos lang.. Pero okay na din toh, kesa sa wala. Kulay itim na rubber ring ito.. Para pwede'ng pam babae at panlalake.

''Pikit mo sabi yung mata mo!'' 20minutes na kase kaming nag tatalo. Ayaw niyang pumikit, kase daw ano pang sense nung pag pikit niya kung pag mulat niya makikita niya din daw yung ibibigay ko.

''Bakit pa? Makikita ko rin naman e! Dalian mo! Ayoko ng may thrill.''

''Twaylem, kaya nga tinawag na surpresa. Dali na! Pumikit kana! Wala namang mawawala e!'' inikot niya muna yung mata niya bago siya tuluyang pumikit. ''yan nakapikit na ako! Dalian mo na!''

''Kahit kailan talaga napaka reklamadora mo!'' habang tinatanggal ko sa plastic yung mga rubber ring tuloy pa rin ito sa pag rereklamo.

''Kahit naman reklamadora ako mahal mo naman ako diba?'' minulat niya yung mata niya, at ngumiti sa akin.

 ''Oo naman.. Kaya kung pwede po pumikit kana..'' this time, naka ngiti na itong pumikit. Kinuha ko yung kamay niya.. At isinuot doon yung black na rubber ring.

''Yan pwede mo ng tignan'' pagka mulat niya ng mata niya, ano pa nga bang ineexpect ko sa babaeng walang reaction sa mukha.

''Eehh???'' pinag masdan niya yung kamay niya.

''Ano toh??'' sabay turo niya nung singsing gamit nung isang (hintuturo)kamay niya.

''Ring.. Couple ring.'' pinakita ko din yung akin.. Tahimik lang ito at pinag masdan yung daliri niya na may sing-sing.

''Cheap Couple ring to be exact''

''Tss, akin na! Ayaw mo yata e.'' babawiin ko sana iyong sing-sing kaya lang inilayo niya iyong kamay niya sa akin.

''Bakit mo babawiin? Ibinigay mo na sa akin to e!''

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon