Simula

4 0 0
                                        


Bata pa lamang namulat na siya sa reyalidad ng buhay, na hindi lamang ito puro saya at sarap bagkus ito ay pinaghalong saya at lungkot, sarap at hirap, tagumpay at kabiguan.

Ang buhay para sa kaniya ay isang giyera na kadalasan ang karamihan lamang ang nakikipagbaka. Ilan lamang ang nakikipaglaban upang makausad at magpatuloy sa buhay dahil ang iba ay hindi na ito kailangang maranasan pa.

Lumaki sa hindi marangyang pamilya, siya ay anak ng isang magsasaka at isang simpleng may bahay. Mahirap ang buhay, hindi ito lingid sa kaniyang kaalaman ngunit gayunpaman hindi ito naging hadlang upang sumuko siya at magpatangay sa bagsik ng kahirapan.

Sa loob ng tahanan, isa siyang diyamanteng lubos na iniingatan at inaalagaan ng kaniyang mga magulang ngunit pagtapak niya sa labas ng kanilang bahay, siya ay nagmimistulang basura na kung itrato ay nararapat lamang apak- apakan at balewalain.

Hindi siya balingkinitan, taliwas sa hugis ng katawan na dinidikta ng lipunan, hindi kagandahan na isa sa basehan ng karamihan upang maging karapat dapat na kaibiganin at pakisamahan. Kung tutuusin siya ay nakahanay sa mga taong kadalasang nakakaranas ng kalupitan at hindi makatarungang sistema ng lipunang kaniyang ginagalawan.

Malupit man sa kaniya ang buhay, kailanman hindi niya hinangad na baguhin ang kaniyang sarili dahil lamang sa mga masasakit na salitang sa kaniya'y ibinabato. Hindi niya nais na diktahan ang kaniyang pagkatao ng dahil lamang siya ay hindi maganda at payat tulad ng iba.

Hindi lamang isa, dalawa o tatlong beses sa isang araw siya nakakatanggap ng iba't ibang pangungutya, pambubuyo at pambubuska sa kaniyang kapwa kung hindi napakaraming beses na hindi na niya halos mabilang sa kaniyang mga daliri.

Dahil sa kaniyang sariling karanasan, hindi niya na kailanman pang naisip na may isang taong tatanggap at magmamahal sa isang tulad niya. Alam niyang hanggat humihinga siya ay walang impossible ngunit hindi na siya umaasang darating ang araw na mararanasan niyang magmahal at mahain ng lubos.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil may nakilala siyang isang lalaki. Isang lalaking hindi niya inaakalang magkakaroon ng puwang at espasyo sa kaniyang puso at maging sa isip. Mula sa hindi inaasahang pangyayari, mabubuo ang isang pag-ibig na sa kaniya'y maghahari. Isang pakiramdan na sa tanan ng kaniyang buhay kailanma'y hindi niya naramdaman.

Ngunit paano kung ang lalaking ito ay may mahal na iba? Paano kung ito ay nananatili pa ring nakakulong sa alaala ng nakaraan? Paano kung ito'y tulad din ng iba na darating ngunit hindi kalaunan ay aalis rin?

Makakayanan niya kaya ito at mapagtatagumpayan?

May patutunguhan kaya ang kaniyang nararamdaman?

O

Ito'y mananatili na lamang lihim at pagdating ng panahon ay makakalimutan?

Sa pagitan ng kasiguraduhan at pag-aalinlangan, ano kaya ang sa kaniya ay naghihintay?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the midst of DarknessStories to obsess over. Discover now