Hindi naninigarilyo si Tatay at lalo na si Ouie na laging kadikit ko kaya ayaw na ayaw ko ng amoy nito. Ano bang nagugustuhan nila sa lecheng sigarilyong yan? Nakakabaho lang naman yan at nakakatanda!




Pero dahil wala naman na akong magagawa, pasimple ko nalang tinakpan ang ilong ko ng panyo. Naaamoy ko pa rin naman ang pabango ni Hanson kaya medyo nawala ang amoy ng sigarilyo ni Jethro.



"Guys guys! Ako na ang bahalang gumawa sa script natin pero kailangan muna nating umisip ng genre at plot. May mga masusuggest ba kayo? " Wika ni Gracie na para bang ganadong-ganado siya sa project namin.



Ay oo nga pala! Nabalitaan kong siya ang gumawa ng storyline sa nanalong film last year ng section nila. Ipinadala ng langit si Gracie! Siya ang alas sa grupo namin!




"Can I give my suggestion for our story?" Sabay kaming napatingin kay Hanson nang magtaas siya ng kamay. "What if we'll go for Romance? A not so common love story between a gay and a lesbian."



Napakafresh ng plot na naisip ni Hanson. Halos lahat kami ay papayag na sana sa suggestion niya pero nagkaproblema lang kami sa dalawang kagrupo namin na gaganap sana sa role na yun.



"Eeew! Pwede pa siguro kung ikaw ka loveteam ko Prince! Pero si Happy? Yuck! No way!" Tinignan ng masama ni Happy si Greggy dahil sa reaksiyon nito.



Napapikit ako dahil nagsisimula nanaman akong makaamoy ng delubyo in 3...2...1...



"Wow ha. Tingin mo ba gusto kong makalove team ang baklang pangarap na magkaroon ng mani?"



Napatabon ako ng mukha ko ng magsimula na talaga silang mag-away. Maganda sana yung suggestion ni Hanson pero ang O.A. ng dalawang to. Pwede naman silang diretso na umayaw, magbabangayan pa ang mga loko.



"Of course hindi! Hindi ko din pinangarap na makaloveteam ang feeling boy na walang hotdog!" Tinignan ko ang reaction nila at nakita kong umirap ang bakla



Aba! Nananahimik ang lahi ng mga hotdog at mani eh! Bakit dinadamay pa nila?!



"At sinong nagsabing gusto ko magkahotdog?"



"Ako! Bakit? Mali ba ako? Hindi ba yun totoo?"



Napatayo naman ngayon si Happy na itinataas ang kwelyo ng damit niya. Pilit siyang hinila ni Gracie paupo pero hindi ito nagpapigil. Tumayo din tuloy ang bakla at nameywang na parang nanghahamon.




Mas lumakas pa ang talakan nilang dalawa at dahil sa gulo, mas naramdaman ko ang pananakit ng puson ko. Tuluyan lang akong nakahinga ng maluwag nang mapaupo sila dahil sa pag-neck slice ni Gracie.



Sinundan ko ng tingin si Hanson nang bigla siyang tumayo at lumabas ng classroom. Bakit hindi man lang nagpaalam ang isang yun? Wala lang manners dude?



Pero baka naaalibadbaran din siya sa bunganga ng bakla at ni Happy? Sabagay, kung ayos ang pakiramdam ko, baka sumabay din ako sa kanya sa pag-alis.



Nagsalumbaba lang ako habang patuloy na nakinig sa mga suggestion ng grupo. Muli nanaman akong napadiin ng bag ko sa tiyan ko dahil bumalik nanaman ang sakit na nararamdaman ko.



Pucha. Bakit ba kasi ngayon pa? Dapat tumulo na to nung weekends eh para malaya akong nakakatumbling sa higaan eh!



"Hoy."



Susubsob na sana ako sa desk kung hindi ko lang nakita ang pasimpleng paglapag ng gamot ni Hanson sa desk ko. Kinuha ko ito at nagulat ng makita na gamot ito sa sakit ng puson.



A Little Bit of Sunshineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن