Gab's POV
*Boog* * boog* * boog* * boog*
'Ano ba Gab,tigilan mo nga yang ginagawa mo ' pang-aawat sa akin ni Cynthia.
Alam niyo ba anong ginagawa ko? Inuuntog ko lang naman ang ulo ko sa mesa.
Katangahan kasi Gab eh.
'Ang tanga tanga ko Cynthia , ang tanga tanga ko' sabay untog ulit sa ulo ko. Aaaargh! Kakainis naman kasi eh. Di ko alam kung kanino ako maiinis sa sarili ko o sa alarm clock kasi di niya ako ginising.
'Sino ba kasi ang nagsabi sayong magpuyat ka ha?'
'Hindi naman ako nagpuyat eh' OA talaga ng babaeng ito.
'Hindi nagpuyat. Sige nga anong oras ka natulog?' Oo nga no. Anong oras na nga ba ako natulog?
'9 pm kaya ako natulog nuh' sabay subo ng fries
'Anong 9? Kung batukan kita'
Brutal talaga ng babaeng ito. Hmp
'Oo na. 12:30 na ako natulog'
'Oh see! Tapos sinisisi mo ang alarm clock kasi di ka ginising' totoo naman eh. Di umingay ang alarm clock ko.
Alam niyo ba kung bakit ako badtrip? Ganto kasi yun.
Kagabi pagkatapos ko mag review, nanuod ako ng Kdrama. Dahil sa medyo adik ako dito, di ko na namalayan na lagpas 12 na pala. Kinabukasan nagising ako 8:00 sa umaga! Nanggigil ako ! di umingay ang alarm clock ko. The worst thing is FIRST DAY OF EXAM NAMIN TAS LATE AKO SABAYAN PA NG TRAFFIC. Di na nga ako naka almusal eh. Umay. Pagdating ko sa room,10 mins. Nalang bago matapos ang first subject. Madaming sorry ang lumabas sa bibig ko. Gosh. Binigyan naman agad ako ni Ms. Olivia, adviser ko, ng test paper. Sinagutan ko naman agad. hanep. Di ko na nga binasa ang questions. Tapos maling formula pa nagamit ko. AAAARGH! Katangahan lvl.999999999999999.
Kasalanan mo nga Gab.
'Ano na ngayon ang gagawin ko Cynthia' naiiyak na talaga ako. Di ko na alam anong gagawin ko huhuhu.
'Tanungin mo yang Oppa mo baka sakaling makatulong' tong babaeng ito, sarap kaltukan. Wala talagang ambag kahit kailan.
Wow rhyming hikhik
'Ganda ng suggestion mo bhie, nakaka touch' sarkastiko kung sagot sa kanya. Pero itong babaeng ito , pinanganak na yatang manhid.
'Thanks Bhie.' see. Aaaargh!
'Kung magpa Special Exam a--- ' di ko na natapos ang sasabihin ko kasi binugahan niya ako.
'Ano ba Cynthia!' Sabay punas ng panyo sa mukha. Ang baboy talaga ng babaeng ito kahit kailan.
'Sorry sorry. Pero anong sabi mo? Special Exam? HAHAHAHAHAHAHAHAHA' ang lakas ng tawa niya ha. Hindi naman lahatang nangiinsulto.
'Baka nakalimutan mo kung saan ka nag-aaral? Gurl, walang special exam na nangyayari dito. Obob ka ba?' ay oo nga pala. Hayst. Sa lahat ng school ito lang ang alam kong hindi nagpapa special exam. Pero parang Depende naman ata iyon. Tibay!
' Depende kung may valid reason ka. Kaya, kung bagsak, bagsak na talaga. ' ayokong mabagsak. naman oh.
'Ano ng gagawin ko Cynth?' gusto ko na talagang umiyak
'Sabi ko naman sayo diba na subukan mong kausapin si Ms. Olivia baka may maganda siyang suggestion sa'yo. Siguro naman bibigyan ka nang chance kasi honor student ka'
'natatakot ako cynthia' di ko alam basta natatakot ako, siguro natatakot ako sa magiging resulta ng score ko kasi may malaking epekto iyon sa grades ko.
'subukan mo lang, wala namang masama kung susubukan mo diba' oo nga naman.
'hay'
'sige ganito na lang sasamahan kita pero sa labas lang ako maghihintay ok?' tumango nalang ako.
Dahil sa takot na naramdaman ko di ko na naubos ang pagkain ko kaya nag desisyon na lang kami na pumunta sa faculty.
'hihintayin na lang kita dito sa labas ha'
'pag sinabing hintay hintay talaga ah. Iniiwan mo lang ako minsan eh' naalala ko pa dati nung sabay kami pumunta ng CR paglabas ko wala na siya, yun pala kumakain na kase nagutom siya. Pambihira.
'oo na hihi'
*Tok tok tok
'Good afternoon teachers' bati ko sa mga guro na nasa loob.
Hinanap ko kaagad kung saan ang cubicle ni Ms. Olivia. Then bang! Nakita ko kaagad kasi sa lahat ng cubicle, sa kanya Lang talaga ang may maraming design. Nagmumukha siyang elementary hehe.
'Good afternoon Ms. Olivia'
'Hulaan ko kung ano ang ipinunta mo dito' with matching pataas taas ng kilay. parang tanga
'Maam' pigil luha kong banggit sa kanya.
Naiiyak na talaga ako.
'But seriously, I know the reason why you are here in front of me Ms. Salvador' seryosong saad niya. Hooooo! Heto naaaaaa.
'It's regarding about your exam earlier right?' tanong niya sa akin. Nanginginig ako gurl. Di ko alam kung bakit. Dahil ba sa kaba?
'Yes ma'am' mabuti nalang di ako nautal. Gosh
'So what do you want? gusto mong mag special exam? Well, hindi ko yan maibibigay sa'yo. I know that you are aware that you're not allowed to take the special exam except if you failed to join the exam and you had a valid reason. Am I right?' oo nga naman. Wala akong valid reason para mag take ng special exam. Huhu what to do!
'Yes ma'am, I'm aware' nakayukong saad ko. Wala na finish na.
'I know that you don't want to fail the exam. That's why I'm going to give you an option' ano raw option? Di naman siguro ako gagawing fishball na naisawsaw sa babaran ng sandok diba?
'ahm. anong option po?' kinabahan ako ng very slight
'ang option is papayag ka sa request ko or hayaan nalang natin kung ano ang magiging score mo sa exam mo?' Hindi ko alam kung saan patungo ito.
'If you'll say yes to my request then I'm going to give you a chance to take the exam again.' heto na itatanong ko na. Baka madali lang ang request ni ma'am.
'No. this is not a request this is a task' ano ba talaga ma'am.
'Ano po ba iyon ma'am?'. Grrr. Nakakapanindig balahibo ang ngiti ni ma'am.
'You're going to tutor Mr. Alonzo from section D class' ay tutor lang pala eh.
Ay wait!
TUTOR? KAY MR. ALONZO?
Pero , sino yang Alonzo na yan?
KAMU SEDANG MEMBACA
Salamat Mathematics (Subject Series 1)
Fiksi RemajaMay mga bagay talaga na hindi natin inakala na mangyayari pala.Hi I'm Gabriella Salvador, you can call me Gab. Simple lang naman sana ang gusto ko, iyon ay ang maipasa ko ang subject nato para hindi ako mawala sa listahan ng Honor. Hindi ko rin ina...
