Mahal ko ang lahat tungkol sayo,
Mula sa kurba ng mga letra ng iyong pagsulat hanggang sa dalawang oras mong pag pili ng isusuot,
Sa iyong mga nayayamot ng tingin tuwing gagawa ako ng mga bagay na nakakahiya hanggang
sa titig mong sinisisid ang aking kaluluwa tuwing tayo ay magkayakap,
Ang iyong ngiti at kung paano ka ngumuya,
Kung paano ang pag pitik ng iyong buhok habang naglalakad at kung paano ka lumakad palapit sa akin,
Iniig ko ang bawat oras na kasama ka,
Na kumapit pa rin ang amoy ng iyong palad sa akin,
At iniibig ko na ikaw ang una at huling kausap bago ako matulog,
Hindi lang dahil dala ng pag-iisa,
Sinulat ko ito dahil napagtanto ko na ikaw ang gustong kasama sa habang buhay,
At nais ko itong magsimula sa madaling panahon,
Mahal ko ang lahat tungkol sayo.
YOU ARE READING
TAYO LANG MUNA
PoetryMga tula ng pag-ibig. Iba't-ibang klase ng pag-ibig. Halina't tunghayan kung paano makapagbibigay ng pakiramdam ang bawat salita. Nawa'y mahumaling kayo sa bawat tugma. Fan of poetry? Please check out HIRAYA. Link below! https://www.wattpad.com/sto...
