PROLOGUE

32 5 3
                                    

Prologue

Tatlong araw nang hinahanap ni Mikael ang alaga niyang si Sky, saan pa ba kaya niya hahanapin ang galang alaga niya. Malayo layo na rin ang napuntahan niya makita lang ito, naka-ilang ikot na siya sa buong townhomes, pero sa tatlong araw ay wala ni isang trace ng alaga niya.

Malaking tulong din sa kaniya ang presence ng alagang si Sky, to cope up his trauma. Ito na ang naging kasa-kasama niya sa buhay magmula ng mawala sa kanya ang lahat. Success, wealth and fame. He gave up everything kapalit ng peace of mind niya.

Just because of that mistake, one mistake ruined everything. Now, he can't afford to lose him. Not now, kung kelan unti-unti na siyang nakaka-recover. He is now living his peaceful life, kung hindi lamang sana sa isang bagay na kailangan niyang gawin at tapusin sa ngalan ng utang na loob. Na-iistress na naman siya, not only for that case but for his now missing dog in this neighborhood.

Nagsimula lang naman na mag gala ang alaga niyang si Sky magmula ng may lumipat sa katabing bahay niya.

That Gypsy goth. Noong una niya itong makita ay animo isa itong espiritista. Maganda nga sana ito, kung hindi lang masyadong 'Colorful' ang Gothic life nito. Kulang na lang mag lipstick ito ng itim, and Viola, ready na itong pumuwesto sa Quiapo. Ang weird lang talaga.

Malapit na siya sa bahay niya, nang mapansin niya ang alaga niya sa loob ng bahay ng luka-luka niyang kapitbahay. Nag-init agad ang ulo niya. Isa sa mga ugaling hindi pa rin maalis sa kanya kahit na anong klaseng therapy ang gawin niya.

Mabilis siyang lumapit sa pinto nito at malakas na kinatok ito. Halos kalabugin na niya ito sa tagal ng pagbubukas niyon.

"Sino ba 'yan?" Inis na tinig ang narinig niya. Mas lalong nilakasan n'ya pa ang pagkatok.

Kakalabugin pa sana niya muli ang pinto ng bumukas na iyon at iniluwa ang mangkukulam, este ang kapitbahay niya pala.

"Ano'ng kailangan mo?" nakapameywang pa itong naka-irap sa kaniya.

Honestly, napatameme siya nang makita ito. Spaghetti strapped sando lamang ang suot nito at maikling shorts. Bakat sa suot nito ang naka-umbok niyang dibdib. For Pete's sake, she's not wearing any underwear! Wala sa sariling napalunok siya. Tila naman hindi nito alintana ang paninitig niya at bago pa siya mapahiya ay nagkunwaring galit s'ya dito.

Yeah, just to save your pride. Fucking pervert!

"Alam mo bang three days ko na siyang hinahanap miss, dito mo lang pala siya tinatago sa loob ng bahay mo?" kunyari ay galit na bungad niya dito.

"Excuse me? What are you talking about?" maang na tanong nito.

Bakas sa magandang mukha nito ang kalituhan. Clueless ito. Ang sarap lang nitong titigan. ngayon na normal ang ayos nito. walang make-up at simpleng damit lang ang suot. malayo sa pangkaraniwan na yatang get up nito.

"Sky!" tawag niya na nakapagpalingon sa alaga. "Sky, come here. Uuwi na tayo!" ulit niya. Nakatitig lamang ito sa kaniya bago mabagal na lumakad. Huminto pa ito sa pagitan nila ng babae na tila may nililingon.

"Hoy mister! Sigurado ka bang alaga mo nga siya?" she smirk. "Bakit ayaw kang lapitan" pinagkrus pa nito ang mga braso sa dibdib niya.

Napapahiya na siya sa babaeng ito. At ang magaling niyang alaga ay ikinuskos pa ang ulo sa binti ng babaeng mangkukulam.

"Isa!" bantang bilang niya. Alam ni Sky na pag ganoon na ang tono niya ay kailangan na itong sumunod sa kaniya.

Agad naman tumalima ito at lumapit sa kaniya. Akmang hihilahin na niya ang alaga nang may isang Aso rin ang patakbong lumapit sa knila.

Puppy Love, Pappi's LoveWhere stories live. Discover now