Bored ako kaya naisipan kong mag NG (Neargroup), nakahanap ako ng ka match. Malungkot ako nung araw na 'yon kaya sabi ko sa kan'ya kantahan n'ya ako. Sabi n'ya Hindi naman daw makakapag send ng VM sa NG kaya iaadd nalang n'ya daw ako para makantahan n'ya ako. Binigay ko yung pangalan ko sa RPW, s'ya din RPA din gamit n'ya. Matapos no'n narinig n'ya yung my day ko na kumakanta ako. Ang ganda daw ng Boses ko sabi n'ya. Sinabi ko sa kan'ya na sige na kantahan mo na ako. Dami n'yang palusot no'n para hindi ako makantahan HAHA, 'di nalang sinabi na ayaw. Hanggang sa naubusan ako ng load hindi n'ya pa din ako kinakantahan. Nag share s'ya ng 100mb sa'kin, pero hanggang sa inantok at nalowbatt nalang ako wala parin yung VM. Kinabukasan no'n nagtampo ako sa kan'ya, hindi pa kami mas'yado close dito. Sabi n'ya add n'ya daw RPA ko gamit yung RA n'ya para 'yon nalang daw gagamitin n'ya pang chat sa'kin. Hanggang sa dumating yung gusto ko maging writer nagpaedit ako sa kan'ya ng pang profile ko, s'ya yung number 1 fan ko sa lahat, yung una kong story na sinulat s'ya nagcheck kung maganda ba, kung tama ba mga pinagsasasabi ko. Pinost ko yung story na ginawa ko. Sinabi ko sa kan'ya mag collab kami gawa kami ng story. Dami naming Plano, gusto sana namin na gawan ng story yung 'I want to eat your pancreas'. Kaya nag set kami ng date kung kailan namin uumpisahan yung plot, kaso nagkasakit ako sa araw na dapat pag usapan namin yung plot ng story namin. Hindi na natuloy pag susulat namin. Dumating yung araw na nagshashare na s'ya sa'kin ng secrets n'ya, naishare n'ya sa'kin yung tungkol sa babaeng gusto n'ya. Nasasaktan ako habang nagkukwento s'ya kasi may gusto na ako sa kan'ya no'n. Hindi n'ya pa alam Hindi pa kase ako nagpapahalata. Wala s'yang friends dito sa RPW, pinakita n'ya sa'kin yung messenger n'ya, ako lang yung nandoon. Kaya naisipan ko na isali s'ya sa SBH. Nagkaroon s'ya ng mga kaibigan do'n, dumating sa point na nagseselos na ako kaya sumali rin ako sa SBH na 'yon. Pero nag away kami dumating sa point na parehas kaming nag deact, apat na araw wala kaming usap. Iyak ako ng iyak no'n kase miss na miss ko na s'ya. Yung sinend n'ya sa'kin na picture n'ya ginawa kong wallpaper, para hindi ako mas'yado nalulungkot. Ayaw n'ya ng umiiyak ako, ayaw n'yang maging mahina ako. Pero anong magagawa ko s'ya yung kahinaan ko. Hindi ko alam kung nahuhulog na ba ako sa kan'ya, ayoko kasing tanggapin sa sarili dahil ayaw n'ya. Ayaw n'ya ng magkakagusto o mahulog ako sa kan'ya. Dahil hanggang magkaibigan lang kaming dalawa. Nung pang apat na araw na magkaaway kami binuksan ko ulit yung RPA ko (yung ginagamit kong acc pang chat sa kan'ya), yung isa ko kasing RPA binubuksan ko, kasali rin yon sa SBH na kasali kaming dalawa. Nagchat s'ya sa'kin nagsosorry s'ya.Naging okay ulit kami, mas sweet na kami sa isat isa. Nagcocouple dp kami couple rin name namin sa RPW. Mas lali kaming naging malapit, mas lalo pa akong nagkakagusto sa kan'ya, dumating sa point na bored ako kaya kinuwentuhan ko s'ya ng tungkol sa lalaking gusto ko, dinidescribe ko sa kan'ya yung taong gusto ko. Dahil matalino s'ya nalaman n'ya na s'ya 'yon. Pero kaibigan lang daw talaga, sabi ko okay lang 'yon. Masaya kami araw araw, always kaming updated sa mga nangyayari sa isat isa. Mahilig s'ya maglaro ng online games kaya minsan nagagalit ako. Mahilig kami maglaro ng truth or dare , isang beses nung nag truth s'ya tinanong ko s'ya kung may pag asa na magustuhan n'ya ako sabi n'ya pwede daw. Dumating yung bigayan ng modules kaya medyo naging busy kami. Wala na ako sa SBH nila, pero yung isa kong acc nando'n pa kasali parin. May lumalandi sa kan'ya do'n tapos ini SS ko gamit yung acc ko na 'yon. Nag galit galitan ako pinakita ko sa kan'ya 'yon. Sabi ko may spy ako do'n kaibigan ko. Wala lang daw 'yon, trip lang daw s'ya. Lagi s'ya nand'yan sa tuwing malungkot ako, s'ya yung nagchecheer up sa'kin s'ya yung liwanag ko. Sa tuwing magkausap kami nakakalimutan ko lahat ng problema ko, sa tuwing napapagod ako makausap ko lang s'ya nakakapag pahinga ako, s'ya yung pahinga ko. 'Pag pagod na pagod ako sa modules makausap ko lang s'ya napapahinga ako. Mahal ko s'ya at Mahal n'ya rin ako. Mahal namin yung isat isa. Pero yung sa kan'ya bilang pagkakaibigan lang. Mahal n'ya ako kasi kaibigan n'ya ako. Pinangako namin sa isat isa na walang iwanan ay hindi pala pinangako, susubukan namin. Dumating sa point na nasasaktan na ako kaya sabi ko magdedelete acc na ako, pinigilan n'ya ako. Sabi ko kailangan ko 'to, nakiusap s'ya pero hindi nagbago yung isip ko. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko sa RPW, syempre pinigilan nila ako. Iyak ako ng iyak kase kahit pala papaano, may malukungkot parin kung sakaling mawala ako dito . Umamin ako sa SBH nila na ako din yung isang kasali do'n, naintindihan nila 'yon. Bumalik ako sa conversation namin , pag katapos ko magpaalam sa lahat. Buong magdamag na pagpapaalam ko sa kan'ya wala akong ginawa kundi umiyak. Sabi n'ya okay lang daw lahat, para sa'kin 'to. 'Wag daw ako maging mahina at iyakin. Kapag namimiss ko daw s'ya patugtugin ko lang yung 'Sol at Luna'. Wala pa man naiisip ko na yung araw araw na Hindi ko s'ya makakausap. Sinabi ko sa kan'ya hindi ko s'ya iiwan pwede parin kami magusap sa RW. Marami kaming bilin sa isat isa, mayat maya yung pagiiloveyou n'ya sa'kin, at mayat maya din yung pagiiloveyou ko sa kan'ya. Sobrang saya n'ya daw ng makilala ako. Kakayanin n'ya daw kahit wala ako. Sabi ko kapag namimiss n'ya ako, tumingin lang s'ya sa buwan. Ang sakit sakit magpaalam sa taong mahal mo, sa taong naging malaking parte ng buhay mo lalo't mahina na. Nagdeact na ako pero kinabukasan hindi ko kinaya, hindi ako makapagsagot ng modules ko nagsisisi ako sa desisyon ko, pinapatugtog ko yung 'Sol at Luna' iyak ako ng iyak. Ginamit ko yung CRP acc ko para iChat s'ya. Umiyak ako ng umiyak sa kan'ya, sabi ko Hindi ko pala kaya. Pero sabi n'ya kayanin ko mahal n'ya daw ako. Nagpaalam s'ya na may gagawin saglit kaya ang ginawa ko sinulat ko kung paano kami nagkakilala habang pinapakinggan ko ng paulit ulit yung 'Sol at Luna, ayoko kaseng makalimutan. Ayokong makalimutan lahat ng tungkol sa kan'ya, babalik ako bubuksan ko ulit yung Acc ko. Ayokong magsisi, kaya babalikan ko s'ya. Kahit masaktan ako, pipilitin ko paring makasama s'ya. Kase mahal ko s'ya. Ako si Luna at s'ya ang Kalix ko.
Don't forget to follow me. Don't forget to vote and Comment!
Lovelots💗
YOU ARE READING
One Shot Compilation
RandomTry to read this! Naglalaman ito ng iba't ibang 'storya. Ang bawat 'storyang nakapaloob dito ay ONE SHOT po lamang.
