Chapter 6 pala

15 0 0
                                    

Chungchai's POV

Naibigay ko na kay Mama yung shampoo na binili ko at di na ko nagulat nang tuktukan nya ko ng tabo. Di nya na rin daw magagamit yon kasi pinangshampoo nya na yung bareta.

Naupo na ko sa sofa para magselpon. Pagka open ko agad na bumugad ang 12 missed calls galing kay Putat. Ano nanaman bang kelangan ng lalakeng to?

Naka 34 na messages din sya.

'Musta?'
'Chai hoy'
'Mag-usap tayo'
'kwxozoowm'
'Sagutin mo naman'
'Uyy'
'Babe'
'Miss na kita e'

Hindi ko na magawang basahin pa ang iba dahil sa sobrang kakornihan. Ano bang kaululan ang pinagsasabe netong kabayong to? Pagkatapos nyang magloko ganon ganon nalang? Btw sya nga pala yung ex kong putangina na pinagpalit ako sa sugpong mukhang tao.

-KINABUKASAN-

May pasok ngayon kaya maaga akong nagising. Tapos na din akong kumain, maligo, at magbihis. Ready na talaga akong pumasok kaso ang bagal kumilos ng mga kapatid ko. Oo may isa pa kong kapatid, di ko lang nasali kase wala naman akong pake sakanya dejoke sige na nga medyo.

"Tara na! Puta ang babagal kumilos eh." Inis kong sabi nang makitang naglalagay pa ng gatsby si Kuya. Tangina bahala kayo dyan

Iniwan ko na silang dalawa don dahil malelate na talaga ako. Makikita ko nanaman pala yung putanginang si Putat parang ayoko na tuloy pumasok.

"Uy nag-aaral ka pala?"

Hindi ko sya pinasin dahil ang ganda ko.

Oo sya yung lalakeng bagong lipat dyan kaya di ko sya pinapansin. Wala ako sa mood wag nya kong umpisahan.

"Sa St. Gregory ka din pala nag aaral?"

Ano bang pakealam nya?

Binilisan ko nalang ang paglalakad ko dahil baka malasin nanaman ako. Putangina nyan e laging may nangyayaring di maganda pag nasa paligid sya.

"Hoy! Wait lang sabay na us!" Rinig kong sigaw nya. Hindi ko pa din sya pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad.

Pumara nalang ako ng tricycle at halos pasalamatan ko lahat ng santo sa langit nang may huminto agad.

Sumakay na ko agad para di na ko maabutan nung lalakeng yon.

"Saan ka iha?"

"Sa St. gregory po" Sagot ko.

Napatingin ako sa relo ko at putangina late na late na ko. Kung di ba naman kasi maarte mga kapatid ko edi sana kanina pa ko nakapasok. Dapat pala di ko na sila hinintay.

"Ay puke mo may tatoo! Ano ba?!" Gulat akong napasigaw nang bigla nalang sumabit tong putanginang baliw na lalakeng to sa may gilid ng tricycle. Sabi na nga ba at may lahing unggoy to e.

"Hahaha usod." Utos nya.

Inirapan ko lang sya at di pinansin. Hininto ni Kuya ang tricycle dahilan para tumingin silang dalawa sakin.

"Usod na."

"Ayaw kitang katabi. Dun ka sa likod kung gusto mo o kaya sa ibang tricycle ka nalang sumakay. Tara na Kuya malelate na ko! Kung ihahatid mo pa sa zoo yan, mas matatagalan." Iritang sabi ko nang hindi tumitingin sa unggoy.

"Zoo amp. Kuya sa St. Gregory din ako." Kitang-kita ko ang pangisi-ngisi nya sa gilid ng mata ko. Putangina ampanget mo.

Pumasok na sya sa loob at pilit na siniksik ang sarili nya. "Ano ba!"

"Aray!" Daing ko nang maipit nya ang balat ko.

"ArAy!" Pang-aasar nya at tumawa ng malakas. Tangina mo makaapak ka sana ng tae mamaya pag baba.

Pagkatapos ng limang minuto ay andito na agad kami sa tapat ng grade school at traffic pa.

Nakuha ng batang lalake na naglalakad ang atensyon ko. Nakatingin kasi sya sakin ng masama. Hala bakit?

Dahil mabait akong ate tinignan ko din sya ng masama at pinakyu ng dalawang kamay. Pinandilatan ko pa sya ng mata dahil akala ko matatakot ko sya pero putangina lang abot langit ang kaba ko nang makitang papalapit sya sa gawi namin.

"Hoy-- Gago ka ah! A-anong gagawin m---PUTANG" Napapikit nalang ako nang may maramdamang malamig sa mukha ko.

"INAAAA!"

"HAHAHHAHAHAHHA"

Amiel's POV

Kanina pa ko patawa-tawa dito habang naglalakad papasok ng gate. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga chix kahit yung guard nakatingin din sakin tsk pogi ko talaga.

"HHAHAHAHAHA"

"Hoy psst! Id mo boi?"

"HAHA HA HA HA" pekeng tawa ko nang maalalang naiwan ko pala ang id ko sa bahay.

Napakamot nalang ako sa ulo dahil may quiz pa pala kami ngayon.

"Pukingina naiwan ko"

"Di ka pwede pumasok." mahinahon nyang sabi at akmang isasara na yung gate nang iharang ko ang kamay ko.

"Oa mo kuya sige na naman oh. Gusto mo bang magwala ako dito?"

"Edi magwala ka gago ka ba!" Bulyaw nya sakin at pilit na isinasara ang gate na buong pwersa ko namang pinipigilan. Tangina yaan na nga magreremedial nalang ako.

"Edi wag!" Sigaw ko at sinipa ng malakas ang gate.

Naglakad na ko paalis at kinuha ang selpon ko para ichat sila Jay.

Paniguradong nasa com shop mga yon.

"San... ka..yo.." basa ko habang nagtatype.

Agad namang nagreply si Jhobart sa gc namin.

Jhobart na pantay ang betlog: School bugok.

Nagsend din sya ng picture na akmang hahawakan ang pwet ng kaklase nyang babae. Gago talaga to

Me: Napapanood ka ng nanay mo sa langit tanga. Tigil mo yan.

Jhobart: Haha di ka pinapasok no?

Me: Oo.

Jhobart: Ayan bobo mo wala ka talagang kwenta

Me: Si @Jay-Jay na may puke sa noo pumasok ba?

Jhobart: Oo sabay-sabay nga kami e. Bye na andito na si Ms. Fernandez

Binulsa ko na ang selpon ko at napatingin sa pader na nasa likuran ko ngayon. Tignan naten kung sinong walang kwenta ngayon Jhobart.

Maingat kong inakyat ang pader sa pamamagitan ng puno sa tabi ko. Nang makarating ako sa tuktok ay nalula ako dahil ang taas pala ng pader.

"Unggoy talaga ampota" rinig kong may nagsalitang babae sa baba dahilan para mapayuko ako. Duduraan ko sana ang mukha nya nang makitang si Chungchai pala hahahahhaa. Nilunok ko nalang ang dura ko.

"Are you stalking me?" Kunwaring suplado kong tanong

"Ulol! Tabe nga!" Bulyaw nya sakin. Halatang badtrip pa rin sya, ikaw ba naman duraan sa mukha.

Laking gulat ko nang walang kahirap-hirap nyang inakyat ang pader. Tangina sya ata unggoy samin e. Mabilis at walang kagalos-galos din syang tumalon. Habang ako andito pa din nakakapit sa malaking sanga ng puno at tyume-tyempo.

"Wait! Wag kang gagalaw"

Sinunod ko naman ang sinabi nya hindi dahil uto-uto ako kundi dahil cute sya! Napakunot ang noo ko nang ilabas nya ang selpon nya at itutok sakin. Pinipicturan nya ba ko? Sabi na nga ba crush ako ng babaeng to e. Kunwari pa syang ayaw nya ko katabi kanina tsk.

"Anong ginagawa mo?" Takhang tanong ko.

"Ayan! Unggoy na unggoy dating mo dyan HA HA HA!"

Ngi







UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon