Ep. 11- Project Estrella

Start from the beginning
                                    

Ang sabi lang nung pinuntahan ko sya sa sinabing ospital nung nasagaan sya ay.......

Chairman Gonzales: Walang nakaconfine na ganung pangalan may nakita silang ganung name 

pero may second name na kasunod at di ganun ang surname right? I knew it ................Lahat ng 

makilala mo na kasing edad ng kapatid mo na lalaki ganyan reaksyon mo..............

Tough: Dad this is different .......... Iba ang pakiramdam ko nung nakita ko sya...........the way he look

at us most especially to you it seems that ............... he wants to say something and I'm sure

you noticed that , Dad,

------------Tumayo si Daddy mula sa inuupuan nya tumingin sa bintana. Sandali syang di nagsalita

at tila inaalala nya ang mga nangyari. Ang bangungot ng aming pamilya, pumikit si Daddy at saka 

huminga ng malalim . Sa pagdilat ng kanyang mata, sya ay muling nagsalita.

Chairman Gonzales: Napansin ko rin un pero malayo sya sa batang iniwan at pinabayaan ko.

Iba ang naramdaman ko nung nakita ko sya at nagsalita. May pagkakahawig sila ng Mommy

mo at ganun rin magsalita ang Mommy mo.Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyong

magkakapatid lalo na sa kanya pero naisip ko kung sila ay iisa at kung si Vhong  ang nasa

harapan natin nung mga oras na iyon, siguradong sumbat at sama ng loob ang magiging 

bati nya sa atin. At siguradong hindi nya hahayaan na makapasok tayo sa ZC . Patuloy

pa rin naman ang paghahanap sa kapatid mo , ang sabi ng investigator natin , may

bago silang information at dadalhin nya raw bukas o sa susunod na araw ito sa atin.

Alam ko malapit na natin makita si Vhong, inihahanda ko na rin ang sarili ko sa araw na iyon

pinagdadasal ko na sana sa kaarawan ko o bago ang araw na iyon ay kasama na natin sya.

Tough: Dad............. Alam ko naman na..............

Chairman Gonzales: Alam mo ba sinabi ko sa sarili ko? Kapag nakita ko sya ,ang una 

kong gagawin ay yayakapin ko sya para mabawasan ang galit nya sa akin at pakinggan nya ako.

Tough: I'm sorry Dad, I missed him.. I will also do the same thing Dad once na makita ko sya ulit

Chairman Gonzales: Tama na nga. Come on let's go sumabay ka na sa akin . Kanina pa

tumatawag sina Joe at Cham. And bukas samahan mo ako sa party ni Mr. Scheringer it's his 

birthday and we are invited. Lahat ng malalaking investor ay pupunta and it will be a great

opportunity. Busy ang mga kuya mo at ikaw lang ang medyo free since may mga 

business trip sila.

----------- Lumabas na si Daddy ng office inayos ko lang ang gamit ko at sumunod na rin sa kanya.

Layunin ng project Estrella na ihatid ng ligtas ang mga pasahero nito sa mga mahal  nila sa buhay.

Ang mga sakay nito ay siguradong may baong maganda, masaya o di makakalimutang karanasan

mula sa pinanggalingan nilang lugar at pati sa pagsakay nito sa Estrella. At ang iba ay 

may halong lungkot ngunit umaasa ako na kahit papaano ay mapapangiti sila sa kanilang

pagsakay.

Umaasa ako na sa pagbuo ko ng Project Estrella at pagsasakatuparan nito, mapaparating 

ko sa kanya ang mensahe ko. ......................Hindi ko sya iniwan.............  Dahil katulad ng mga bituin

na tinitignan namin ...................Ako ang unang talang gumagabay at kakampi nya saglit man sya 

nawala sa aking paningin nararamdaman ko na malapit lang sya sa akin at abot tanaw ko lang

siya.

Vhong's P.O.V:

----------- Nagriring lang ang phone nya. Badtrip bakit ba ayaw nya sagutin. (Phone Ringing)

(Phone Ringing)

(Phone ringing)

Nakakaasar na ito ilang panglimang beses na ako nagdidial sa number nya pero di sya sumasagot.

Andito ako sa office ko sa bahay, di ako makatulog dahil gusto ko ipakita kay Kulit ...........

I mean si Anne ung regalo ko sa Daddy nya . Bukas ng gabi na ang party at di ko alam if

bakit gusto ko matuwa ang Daddy nya sa gift ko. Mali ang iniisip nyo ha!!!!!!!!!!!!!!!!! Hindi ako 

nagpapalakas sa kanya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Sa wakas ................. Sinagot nya na rin ang phone..............

Anne: Hello?

Vhong: Hello! Kanina pa ako tumatawag bakit di mo ako sinasagot? Akala ko ba mag oonline ka?

Tapos pag aantayin mo ako ?

Anne: (Smiling Voice) Sorry Honey .... Medyo busy lang wait ..... Mag Log in ka na , just give me 5

minutes ok? Bye ..... See yah........ (Drop call)

Vhong: Sinabi nang...............Hello? .............Hello? ......

-----Tumingin ako kay Coco Bear na nakaupo sa table ko sa tabi ng laptop ko. Hinawakan ko

siya at kinausap.

Vhong: Tignan mo yang Mommy mo noh!!!!! 

-------Naglog in na ako at mayamaya nagvivideo call na si Kulit kaya inaaccept ko na kaagad.

Anne: Hi Honey.... Musta ? Hi Coco Bear!!! Musta baby ko? talagang kasama mo sya ha!!! Ang cute 

nyo tignan.

Vhong: Busy?

Anne: Medyo........ Bukas na event eh............ Pumunta ka ha!!!!!!!! Hahanapin ka ni Daddy if hindi

Vhong: May papakita ako sayo (Nakayuko)

Anne: Ano un? Nacurious ako at ikaw pa talaga tumawag. Mukhang importante ha?

Vhong: (Pinakita ang isang jigsaw puzzle set) Sabi ni Mr. Bolton mahilig raw si Mr. Scheringer

sa jigsaw puzzle kaya ito binili ko. Sa tinigin mo?

Anne: Dad will surely like it. Thank you (Nakangiting sabi nya)

------------ Ang sweet ng smile nya, di ko maintindihan pero napangiti  din ako . Parang ang sarap

sa pakiramdam ng may nakaappreciate ng effort mo. Naggoodnight na ako kay Anne baka kasi

mapuyat pa sya at magmukhang zombie sya sa party bukas . Masaya akong lumabas sa office 

at umakyat sa kwarto. Sa pagdaan ko sa bridge sa gitna ng pool napatingin ako sa langit at

nakita ko ang mga bituin. 

Meet my girlWhere stories live. Discover now