Ep. 64 - Rainbow

322 9 7
                                    

Ms. Marilla's P.O.V:

------ Ang gaganda talaga ng flowers na ito perfect for my LPHR..... O kayo pala! Buti naman at nakadalo kayo! Pasok kayo kaso parang napaaga yata kayo?........ Anyway ....... Ang daming nangyari noh? Ilang buwan din ang lumipas........7 months..... Sa kabila ng lungkot.... Sa bawat luha na pumatak ......... Dumating din ang araw na napalitan ng saya ang nadadama ng lahat .

Patuloy na nakikilala ang Love Potion Hotel and Restaurant , in fact nafeature na rin sa mga iba't ibang international magazine ang lugar na ito and I'm so happy.

Ang ZC naman ay patuloy pa rin namamayagpag. Number 2 best corporation sa buong Asia. At from number 27 sa world's business ranking umakyat ito sa rank number 20. Oh di ba taray! Well actually dahil na rin sa mas pinalakas na management group at sa hardwork plus masayang teamwork ng mga employees.

Oo mas lumakas ang management group ng Zero Corporation ng naging ganap na maging miyembro ng ZC si Vince. Kinuha sya ni Youngmaster Vhong as part of the marketing and strategic group ng ZC. For sure mas proud na proud ang tatay nya sa kanya. Kung dati di mo mapagdikit ang dalawa ngayon naman ay parang di mo na sila mapaghiwalay. Well si Vince naman ay napakabait na bata talaga at matalino. Proven ko na yan. Si Vince at Ren din ang naglelead sa collaboration project ng ZC at ng Kaiser ang Estrella at next year na ang launching nito. I'm so excited! Ano un ? Kumusta lovelife nya? Well he is dating someone and not just someone ha! She is a supermodel na nameet nya lang naman during the photoshoot for the new commercial ng isang product ng ZC. Oh di ba! Bagay naman sila ! Sana nga from dating maging sila na di ba?

Si Ren naman ay kukuha ng masteral degree nya next year sa isang kilalang university sa Europe. Well scholar ang lolo mo and sana ung girl of his dream ay doon na nya matagpuan.

Ang Kaiser naman ay nagawang makabangon dahil na rin sa tulong ng ZC. Maraming investors ang bumalik at naging interesado. Si Tough ay opisyal nang naging CEO ng kompanya . At kasabay ng pagproclaim sa kanya ng pagiging official na CEO ay ang pagpapakilala rin ni Tough sa kanyang mag ina. Si Ms. Monica at ang kanilang anak na babae . Oo may asawa na pala at anak si Tough ........ I mean CEO Tough.

Nagretire na as Chairman si Mr. Gonzales at pinaubaya ang Kaiser kay Tough. Nag eenjoy sya ngayon sa paggagardening at pagbisita sa charity with Cham. Pero ang mas naeenjoy nya ngayon ay ang bonding nya with his sons lalo na ang bonding nya with Youngmaster Vhong. Well super close na sila ulit. Mas napalapit na si Vhong sa kanyang family sa katunayan nyan natatawag na ni Vhong na kuya ang mga kapatid nya lalo na si Tough at higit sa lahat ay natatawag na nya na Daddy ang dating Chairman.

Super sweet pa rin sina Mr. and Mrs. Scheringer , in fact nainvite pa ako sa 35th anniversary nila at dito lang naman sa LPHR ang kanilang naging venue. O di ba? Si baby Alexa naman ay nahihilig din sa arts and design katulad ng kanyang Ate Anne. And take note honor student din ang baby girl mo. Oh di ba?

Teka nga pala muntik ko na makalimutan. Dreamland Theme Park naman ay lalong nagiging family destination . Pero ang Maze flower garden na way papuntang Astrophel ang mas pinupuntahan lalo na ng love birds pag gabi. Dahil sa ganda and romantic atmosphere sa lugar na iyon. Pero ang isa sa pinakahighlight na spot ay ang artwork ni Baby Anne...... Sino ba naman ang di kikiligin sa reason behind the artwork at ang message nito.

Naparusahan na rin si Artyom at pinagbabayaran ang life sentence nya sa kulungan dahil sa patong patong na kasalanan nya. Sana lang magkaroon na ng pagpapatawad sa puso nya para katulad ng iba makalaya na rin sya sa kanyang kasalanan.

So medyo mahaba na ata ang kwentuhan natin kailangan ko na magprepare for the main event . I have to go na ha!

Ano un? Kumusta lovelife ko? Ahmmm...... well......ok naman kayo talaga! Hahahahahaha!
Ito malapit na ako maging Mrs. Bolton...... Oo sinagot ko na si Mr. Bolton at ilang months lang eh nagpropose na sya . Siyempre nag yes na ako di na naman kami bumabata at saka matagal na naman namin kilala ang isa't isa. By next year kasal namin. Invited kayo ha!

Ok na sige ha! I have to go na ! Mag aayos pa ako for the main event. As you can see ok na ang venue for today's super special event.


-------------------------------------

Vhong: Hi ! Pasensya na nagyon lang po ako nakadalaw. Medyo busy eh. Magagalit ka po ba? Gusto ko po sana magpaalam sayo. Pasensya na at di ko nabanggit o di man lang ako nagpaalam sayo regarding sa naging desisyon ko. Sana maunawaan mo. Nung nawala po kayo akala ko di na ko na magagawang buksan ang puso ko. Di ko na ulit magagawang magtiwala. Maging masaya. Hanggang sa dumating sya ......... sa di inaasahang pagkakataon........tamang tama lang pagdating nya. Mahal na mahal kita! Sana lagi mo pa rin ako gagabayan. Sana lang andito ka........... Namimiss pa rin kita.............. I will always be your baby boy........ I love you ..............

...............
...............
...............

Mommy........

Tough: Let's go..... Teka patingin muna ng suot mo.

Vhong: Pogi na ba kuya?

Tough: May nakita ka bang pangit sa lahi natin ? Siyempre pogi !Ayusin mo ito! Tara na at baka mahuli pa tayo. Ikaw dapat mauna doon.

Vhong: Kinakabahan ako eh! Paano kung di sya dumating?

Tough: Paano kung malate tayo sa ginagawa mo? Isipin mo gagawin nya sayo?

Vhong: Kuya naman eh!

Tough: We are proud of you and I know Anne is also proud of you......... Ngayon na papunta ka na sa bagong chapter ng buhay mo.

Vhong: Thank you Kuya! Marami ako natutunan sa inyo........ Kay Anne.........

Tough: You should thank her not me.

Vhong: Tara na baka malate pa tayo . Special day ko ito kaya dapat walang iiyak . Dapat happy tayong lahat.

Tough: Tama masaya itong araw na ito. Let's go Youngmaster..........

Meet my girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon