Chapter 3 - Confession

262 10 4
                                    

Father maniwala po kayo di ko po sya kilala.. Saka hindi hindi ko pa sya nakikita dati!

Talaga di mo pa sya nakikita dati? Eh bakit hinahalikan mo na sya? tanong ni Sister Bernadette.

Okay, ilihim nalang natin eto at ipapasa Dyos.

Hinalikan mo ang isang babae? tanong ni James sa kanya..Di ka na nahihiya sa Dyos?

James di ganun ang nangyari sa inisip mo ngayon! tanggol ni Alec

Ano? Paano at lumipad sya patungo dito at magdadala lang ng problema? Hindi pwede! hindi sya pwedeng tumira dito! Kunin mo agad sya dito!  binaba na ni Father Angelito ang telepono..

Lumabas ito sa cubicle..dali dali namang lumuhod si Alec..

Father patawarin nyo po ako! sa susunod na buwan na po ang ordinasyon ko please! mapapatalsik ako pag pinapauwi mo ako sa seminaryo ngayon.. parang awa mo na Father.. 

Ano? Hindi at di ko magagawa yun!! sagot ni Father sa kanya.

Mababaliw talaga ako pag di ako ma ordinahan at mapatalsik sa seminaryo..

Ano mababaliw ka dito?

Hindi po Father mali po ang pagkaintindi mo.. Di ko talaga sinasadyang mangyari ito! Maniwala po kayo father di ko sinasadyang mahalikan ang babae na yan!

Hinalikan mo sya???? sigaw ni Father Angelito sa kanya.

Ummmm , tiyo angelito..sumasakit po ang ulo ko. ~jyra

Jyra ikaw talaga! bakit ka tumakas sa America ha? NAgsasayang ka lang ng pamasahe mo tinapik nya ito sa balikat. 

Tiyo bumalik ako para magpakasal... 

Asa ka pa! Kina- usap ko na ang mama mo! halika nga dito.. takpan mo yang tiyan mo... makasout ka ng damit kulang kulang pa sa tela... 

Arayyy.. saglit lang dahan dahan!! 

Hoy Alec di pa tayo tapos ha.. mag- uusap pa tayo mamaya!  Sige na pasok kana sa kwarto Jyra dali!! ..tulak nya sa pamangkin.

Malungkot na nagwawalis si Alec sa likod ng simbahan habang si JAmes ay di mapakali sa inuupuan.

Alec tapatin mo nga ako..

Sinabi ko ng di ko sinasadya.. paulit ulit!!

Hindi, ano ba ang pakiramdam? 

NA ano? 

eh yung halik.. di ba first kiss mo yun?

Ano ka ba! pina paalala mo pa sakin!

Hoy Aleccc.. ginamit mo ba ang dila mo sabay labas ng dila nya.

Hoy James tumigil ka nga at mahampas na talaga kita ng walis.. Sho shooo alis na!!

Iniwan nya ang kaibigan pero sadyang makulit talaga ito.. sinundan pa sya..

Sagutin mo naman ako.. ikaw ba ang unang humalik sa kanya? Hindi pa rin umimik si Alec at patuloy na naglalakad.

Hoy magkwento ka naman! 

Namataan ni Alec ang apat na estudyanteng babae na naninigarilyo.

Hoy bakit naninigarilyo kayo dito?

BAkit kailangan pa ba namin ng ashtray para makapagsigarilyo dito?  

Ang babata nyo pa naninigarilyo na kayo! 

BAgo ka lang dito nuh? ano bang paki alam mo? sagot ng isa. 

Sino ka ba? tanong ng isa

Sino ako? isa akong semenaryo at malapit ng maging Pari! 

SACRED LOVE (JALEC FANFIC) COMPLETEDWhere stories live. Discover now