Noong Bata Ako 6

1.5K 31 17
                                    

"Maganda ba ako?" ang tanong na gumugulo sa isip at panaginip ko. Mas malala pa ito kaysa mapanaginipan ang algebraic expressions, problema sa pera at lovelife ko. Wala nanaman ako sa sariling nagbyahe sa umagang iyon. Pinoproblema ko rin ngayon kung paano ko ikukwento sa iba ang pangyayari sa amin ni Ed. Maniniwala ba sila sa akin na pinagbibintangang salarin ng pagpaslang at ng pagkawala ni Ed. Alam ko rin na naibalita na ni Tina ang nangyari kay Ed sa mga kaibigan at barkada nito. Hindi na rin siguro ako bibisita kay Ed gawa ng sinabi sa akin ni Aling Rina.

"Ang galing mo ah." sabi ni Gelo.

"Ha?" takang tanong ko nang guluhin niya ako pagkaupo ko sa classroom.

"Nagmamaang-maangan ka pa!" galit na sabi ni Reden.

Hindi ako makasakay sa trip nila. May pamasahe naman ako pero parang hindi talaga ako kasya sa sasakyan nila kay hindi ako makasakay. Parang ako 'yong kinakaladkad na palanggana o kaserola ng jeep kapag bagong taon.

"Alam namin na hinayaan mong makatakas si Ed para ilayo sa'yo ang kaso ng patayan sa Kalye 19!" sabat ni Gelo.

"Oo nga. Tapos hiniwa mo ang pisngi ni Ed para hindi siya makapagsalita at sa kalaunan papatayin mo rin siya!" dugtong ni Reden.

Mga magbarkada talaga, hindi ko maikakaila na malakas din ang imahinasyon ng dalawang 'to. "Kung ikukwento ko ba ang nangyari sa'min, makikinig ba kayo?" sabi ko ng mahinahon.

"Sira ka pala eh! Bakit namin pakikinggan ang suspek?" sabi ni Gelo. 

Hinanap ko si Tina pero wala pa siya. Siya sana ang gagawin kong testigo sa pag-uusap namin ni Ed kahapon.

"Hinahanap mo si Tina? Wala pa siya. Kasi binantaan mo na siya na ang isusunod mo kapag hindi ka niya pinagtanggol! Takot na siya tuloy pumasok ngayon." at ngayon sabit na rin si Tina.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating si Tina. Natatawa na lang ako dahil napahiya ang mga loko. Mayabang kasi na nagmamarunong. Sabi nga ni Gloc 9 sa kanta niyang The Bobo Song, "Mas malala pa sa bobo ang bobong nagmarunong." Akala nila alam nila ang lahat pero wala silang alam. Ang sama pala ng ugali ko, kasi hinuhusgahan ko sila. Sorry.

"Gelo, Reden, 'wag niyo namang husgahan si Naida. Hintayin nating gumaling si Ed para siya ang magkwento ng mga nangyari." ani Tina. "Ang importante ay buhay siya 'di ba?

"Pinagtatanggol mo na siya ngayon? Hindi ka ba niya tinatakot?" pambubuska ni Gelo.

Naiintindihan ko naman na pinagtatanggol lang nila Gelo ang barkada nilang si Ed. Parang si Ed lang ito noong namatay si Anet pero parang sobra naman ang dalawang 'to kung gumawa ng kwento. Si Ed ay may kamag-anak na pulis na kasama sa imbestigasyon ng Kalye 19 kaya marami siyang nalalaman tungkol sa kaso. Pero itong dalawa, ewan ko na lang.

"Hinde! Ano ba kayo? Ganyan na ba kayo kasama mag-isip?" pagalit na sabi ni Tina. "Heto pala, para sa inyo. Sulat ni Ed 'yan dahil hindi siya makapagsalita. Kung gusto niyo siyang bisitahin, nakasulat din dyan ang ospital sabi ni Ed." habol ni Tina.

Noong Bata Ako (Complete Book 1 - On Going Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon