Nakakapagod din pala
Ang humiling sa mga tala
Sapagkat hindi naman nagkakatotoo
Hindi ko na kinakaya 'to.
Kelangan ko ng pahinga
Sapagakat ako'y pagod na
Ilang bituin pa ang kaylangan titigan
Upang matupad ang aking kahilingan.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon
Dumating ka na naging sanhi ng aking pag-ahon
Ikaw ang nagsilbing liwanag sa aking madilim na pagkatao
Ikaw ang naging sandalan ng pagod kong puso.
Ikaw ang nagsilbing pahinga ko sa nakakapagod na mundo
Naging masaya ako dahil laging nandito ka sa tabi ko
Sa bawat butil ng luha na umaagos sa aking mukha
Ikaw ang nagsisilbing panyo at taong nagsasabing "Hindi ikaw ang may sala."
Nagkaroon tayo ng samahan na hindi perpekto
Ngunit may pangangatwiran at totoo
Sa bawat araw na lumilipas
Ang aking puso ay paunti unting umiiba ng landas.
Ngunit kung gaano pala kabilis magsimula
Ganoon din kabilis mawala
Kung kelan nahulog na sa mga salitang meron ka
Doon ka nagsimulang maging isang estranghero sa aking mga mata.
Hindi ka man nagsabi ng paalam
Masakit man ang iyong pinaramdam
Ngunit, mahal kaya ko naman
Sapagkat sanay na pala ako sa ganitong mga pagtatanghalan.
YOU ARE READING
Memory | Memorya
PoetryKung saan bawat salita ay may paksa. Where every word has a meaning.
