Chapter 14: Bitter Ice Cream

Start from the beginning
                                    

At ngayong araw na ito about dress code ang lesson. Ang daming kaartehan ng isang royal, no'ng Monday about posture, from head to toe kasama na ang proper greetings, proper hand shakes, proper curtsy, gracefully descend stairs, sitting position, holding the teacup properly maging sa paghawak sa kutsara, tinidor at kutsilyo. Nakakaloka lang dahil nakatiis akong gawin ang mga bagay na iyon sa loob ng tatlong araw, akala ko sobrang dali lamang gawin kasi karamihan sa mga napapanood ko sa T.V. simple lamang, magkaibang magkaiba talaga ang realidad kaysa sa inaasahan mo na mangyayari o gagawin.

"Bright colors including fuchsia, lime green, canary yellow and more are all example for royal dresses code. Especially in a crowded place or in an special event, why? It simply for the public to seen the king or queen and other royals waited for their arrival, and public can easily spot where the royal is, also for the body guard."

"In short every dresses you we're going to wear need to be smart, casual, sophisticated and diplomatic."

"Here's the sample." Bumukas ang pinto sa kabilang opisina at pumasok mula doon ang dalawang lalaki na tinutulak ang dalawang hanger stand na may iba't-ibang damit na nakasabit.

"Choose three dress for different events." Napatingin ako sa screen ng magflash doon ang tatlong event na tinutukoy ni Kirssen. Lumakad na ako papalapit sa hanger stand na iyon at sinimulan ang pagpili na babagay at related sa events.

"I know you can do it." Nagulat ako ng biglang hawakan ni Kirssen ang kamay ko habang pumipili ng susuotin sa tatlong event na nakaflash sa screen.

"What are you doing?" Mas nagulat ako ng biglang may humila sa akin, paglingon ko si Shaine lang pala.

"Just helping her."

"Pwede ba June huwag mong nilalandi si Dia."

"Correction I'm Kirssen."

"Pakialam ko, pangalan mo pa rin ang June kaya huwag kang maarte diyan!"

"Wait, why are you interfering with this lesson? Your teaching about academics was over, right?" Napakunot na lang ang noo ko sa pagbabangayan ng dalawa.

"Shaine and Kirssen."

"Hindi ako makikisingit kung hindi mo nilalandi si Dia."

"What the hell Carson Shaine Garett? Hindi ka pa rin ba nakakamoved on?" Napabuntong hininga na lang ako at lumayo sa dalawa.

Kanina pa sila ganyan, magmula umaga hanggang ngayong hapon. Wala ng ginawa kundi magbangayan sa isa't-isa, samantalang walang kinalaman ang pinagtatalunan sa mga nangyayari dito sa loob ng opisina.

.

.

.

"Mabuti naman pumayag ka na sumama dito sa rooftop." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Nico sa halip ay ipinagpatuloy ang pagpili sa mga damit. At dahil mabigat ang hanger stand sa tablet na lang ako pinapili ni Nico ng mga damit, halos katulad lang din naman ito ng mga damit kanina kaya mabilis akong nakapili agad.

Ipinakita ko sa kanya ang tatlong damit na napili ko, napailing na lang siya at inilagay sa tatlong event na nasa screen ng tablet.

"Ano kayang pinagtatalunan ng dalawa? Parang may something sa pagtatalo nila na wala namang kinalaman sa mga lesson at sa mga nangyari sa loob ng opisina."

"Sila na lang ang tanungin mo." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sagot ni Nico.

Nasambit ko pala ang dapat tanong ko sa isip ko, nakakahiya tuloy sa jerk na kasama ko hays. Ano ba kasi ang pinagtatalunan ng dalawa? Noong Monday ko pa napapansin na may something sa pagtatalo nila.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now