Pagkatapos ko maligo ay nahiga na ako sa kama at hindi na napigilang maiyak sa sobrang inis. Noong nakaraan pa ako minamalas, ah? Sino bang nangkulam sa'kin? Kukulamin ko rin pabalik. Pumikit akong nakakunot ang noo, malalim ang iniisip hanggang sa makatulog na lang din ako.
☕
Hindi ko maiwasang mapamura na lang habang binibilang ang perang naiwan sa'kin. Hindi iyon sapat para buhayin ako ngayong araw. Nakarating na rin ako sa classroom namin at hindi pa nagsisimula ang klase ay gutom na gutom na 'ko.
Tatlo ang kuya ko pero ni isa sa kanila ay hindi ako nilutuan ng almusal. They even told Mrs. Risma not to cook for me either.
Fuck, para akong tinotorture!
I spent two hours on my major class and that was my only class for today. Ang haba ng vacant at ang dami kong gustong gawin. Wala lang talaga akong pera. The coffee shop was also closed for the meantime dahil nirerenovate.
"Hay buhay..." Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
Nakatambay lang din ako sa loob ng girl's restroom. Halos wala na rin akong kausapin sa mga kaklase ko dahil sa nangyari sa'kin no'ng birthday ko. Hindi ko alam kung may idea sila sa nangyari pero sana ay wala. Mas okay na sa'king tatlo na lang kaming nakakaalam...
Nakita ko rin ang damit ni Joaquin sa bag ko habang hinahanap ang phone ko. Saka 'ko naisipan na puntahan siya para maisoli 'yon. Hindi na 'ko nahirapang kontakin siya dahil may number na niya ako. Uminit din agad ang ulo ko nang makita ko ang huling message niya sa'kin ulit.
"Patay ka sa'kin." Saka ako nagsimulang mag-type.
🗨️ To: 09*********
Saang parte ka ng impyerno
ngayon?
I'm not expecting him to reply right away after I sent it. He's a celebrity and I bet he's always busy. But then my phone vibrated, showing his reply.
Kung anong oras ko sinend ang akin ay gano'ng oras ko rin nabasa ang kanya. Wala siyang ginagawa? Good for us, then. I'll take that as an opportunity to choke him to death when I see him.
💌 09*********:
Dash racing circuit
🗨️ To: 09**********
Omw
💌 09*********
Miss me already?
🗨️ To: 09*********
Kapal naman ng mukha mo
sino ka ba para mamiss
💌 09*********:
The hell you need?
Kapag ba sinabi kong pera ay bibigyan niya 'ko? Hindi naman kaya hindi ko na rin siya nireplayan pa. Dumiretso na ako kung nasaan siya at saktong naabutan ko siyang paalis mula sa grupo nila. Sinundan ko siya at natigil lang ako nang makita ko siyang sa restroom dumiretso.
I waited there for five minutes and when he finally stepped out, hinawakan ko agad ang leeg niya at isinandal sa pader. I wasn't really choking him, though. "Kasalanan mo 'to!" Halos bugahan ko na siya ng apoy sa mukha.
"What the heck is your problem, you dragon?" Wala man lang bakas sa mukha at tono niya ang gulat kahit ganitong sinugod ko na siya. Paano pala kung totoo nang sinasakal ko siya ngayon? Hindi ba siya natatakot sa'kin? Hindi pwede! Dapat siyang matakot!
"Sinumbong mo 'ko kanila kuya! Taksil! Sabi mo hindi mo gagawin 'yon!"
Tumawa lang siya at kinuha na ang kamay kong hindi ko namalayan na sa mga dibdib na niya pala nakahawak. "I didn't, you silly. Ikaw mismo ang nagpahuli. Naunahan ka pa nila umuwi."
And I realized that. Mas lalo lang kumunot ang noo ko dahil wala na akong maisip na pambato sa kanya. Nakakainis! "Pinagtutulungan niyo 'ko." Umirap ako at tumalikod sa kanya at saktong nakita ko si Kuya Kenzo sa isang bench na may kausap na babae.
She seems familiar to me pero dahil nakatalikod ay ipinasawalang-bahala ko na lang. Baka maling tao ang nasa isip ko ngayon at magkaparehas lang talaga sila ng likod.
Maglalakad sana ako papunta kay Kuya nang biglang may dumunog sa kanyang mga fans. Ito ang ayaw ko, ang pagkaguluhan. Minsan kapag tinatanong ng ibang tao kung kapatid ko ba siya ay tinatanggi ko. I don't like being in someone else's spotlight. It feels like living in someone else's shadow.
Pumasok na lang ako sa pangbabaeng restroom na katapat lang ng male's at naupo sa may lababo. Naisipan ko na lang din mag-charge at doon na lang muna tatambay dahil ayaw ko pang umuwi. Wala si Mrs. Risma ngayon, isinama ni Kuya Kean lumabas para mamasyal. Mabo-bored lang ako sa bahay.
"Kumain ka na ba?" tanong sa'kin ni Joaquin na nakasandal pa rin sa pader. Katapat lang ng lababo ang pinto kaya hindi maiiwasan ang presensya niya maliban na lang kung aalis siya ro'n.
"Gasgas na 'yan. 'Wag mo na 'ko balaking landiin. I told you, you're not my type," sagot ko habang nananatili pa rin ang atensyon sa phone, bored na bored kaka-scroll.
"I'm not hitting on you. I'm just asking."
"And why the hell you care if I did or not? Para namang sagot mo ang pangkain ko. Hindi naman kita magulang."
"I'll be at Diner's. Sunod ka na lang."
"Sunod? Bakit? Libre mo ba 'ko?" Saka ko siya nilingon pero wala na siya ro'n sa pwesto niya. Sinilip ko sa labas pero wala na rin.
Ganoon din sina Kuya Kenzo at ang mga fans niya. Pinag-isipan ko munang mabuti kung susunod ba 'ko dahil baka isang patibong na naman 'to sa'kin. At the same time, my tummy's grumbling so bad. Wala akong kinaing almusal at magtatanghalian na rin. Kanina pa kumukulo ang mga intestines ko.
I badly wanted to eat but I need to make sure that this isn't some kind of a trick. I texted him once again. He's already at Diner's.
🗨️ To: 09*********
Libre mo ba ko?
💌 09*********
Ayaw mo ba?
Bakit niya ba binabalik sa'kin 'yong tanong? Sino rin bang tatanggi sa ganyan?
🗨️ To: 09*********
Gusto ko lang siguraduhing di mo ko niloloko
Wow, parang double meaning tuloy sa'kin...
💌 09*********:
Just come over here and
eat with me baby
YOU ARE READING
At The End Of The String (Insomniacs Series 2)
Romance☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wanted to prove that she can stand on her own feet and be responsible as she was always expected. With the help of her friend, she finally got...
