40

8K 308 137
                                    

10-17

Drexler Ponce

3:20 AM

Drexler:

Hello, Zay.

Ano, gusto ko lang malaman mo, na hindi man tayo ganon ka-close saka hindi pa matagal magkakilala, pero ano

Kung gusto mo ng kausap, nandito lang ako hehe

🥺👉🏻👈🏻

Seen, 3:23 AM

Zayllahria:

Nagkuwento sa 'yo sina Jos, no?

Drexler:

Hindi 🤨

Ano lang, may something siyang tweet tapos nag-match pa sa shared post mo so I assume na may connect sa 'yo at sa gago mong ex

Hehe

Sorry kung masyado akong fc at pakielamero pero gusto ko lang malaman mo na hindi mo kailangang itago lahat.

Puwede mo akong kausapin kung gusto mo lang ng mapaglalabasan ng saloobin mo.

🙈

Zayllahria:

Parang nakakahiya kasi ang bait-bait mo tapos idadamay pa kita sa nararamdaman ko baka sumama lang araw mo 😅

Drexler:

Luh hindi!!!

Saka nagkusang loob ako.

Ikaw pa ba? Malakas ka sa 'kin eh 🤨

Zayllahria:

Haha.

Sira.

Pero okay lang ba talaga?

Baka pinilit ka lang nila Jos!

Drexler:

Okay lang talaga.

Saka anong pinilit?

Kutusan ko pa kambal kurimaw na 'yon eh hahahaha

Zayllahria:

Hahaha.

If you are sure...

Drexler:

Sure na sure!

Zayllahria:

Nag-chat kasi si Winston.

Drexler:

Ah.

'Yong ex mo?

Zayllahria:

Oo.

Nagso-sorry.

Mahal pa raw ako.

Drexler:

Ah.

Anong sabi mo?

Zayllahria:

Marami akong nasabi eh haha

Drexler:

Naman, Zay 😭

Bakit ka ganyan 😭

Edi in shorter version puwede naman 🤨

Zayllahria:

Haha nakakatamad mag-type 😅

Drexler:

Ah sige wait.

Zayllahria:

Huh?

Seen, 3:29 AM

3:30 AM

Drexler:

Audio Call
↙️ Ongoing

Relentless (Bump, Set, Spike #2) (To be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon