Part 5- The First Lunch

30 0 0
                                    

Papasok na uli si Claire at ito ang unang araw niya para sa Organization na sinalihan niya at ngayon din siya kailangang magreport sa Mathematics Club na ipinasok din ang pangalan niya. Gusto na nga sana niyang tanggihan iyon, Pero nangamba naman siya na baka bawas ganda points un para sa scholarship niya. kahit nangangamba napagdesisyunan na rin niyang magreport. Hiling niya lang na sana wag na siyang bigyan ng kahit anong position, sanay normal member lang siya para naman less pressure.

Kagabi, nagtext sa kanya si Ken na kung puwede sabay silang maglunch, since parehas sila ng vacant ngayon. 8-11am ang unang klase niya then vacant na siyang hanggang 1:30. Pero need niya nga pala magreport sa SSC during vacant time. At kailangan niya ding pumunta sa Math Club after class to meet the President.

Kaya habang naglalakad dali daling nagtext si Claire kay Ken.

KEN NEED KO PLA MAGREPORT SA SSC EVERY VACANT PERIOD.DONT KNOW IF MAKASABAY PA AKO SA IYO MAGLUNCH.

Wala pang dalawang minuto nakareceive na agad ng reply si Claire.

OK BUT STILL WAIT FOR YOU SAME PLACE JUST COME IF YOU CAN, SIGURO NAMAN PAYAGAN KA NG PRESIDENT NYO KUMAIN NG LUNCH.

Agad din namang nagreply si Claire. YAH OO NAMAN MAY VACANT PERO DONT KNOW KUNG KAYA KO PA MAKAPUNTA SOUTH WING MASYADO MALAYO BAKA MALATE AKO SA NEXT CLASS. SAKA BINAUNAN AKO NI MAMA KANINA IF I CANT MAKE IT BAKA DUN NA LANG AKO SA GAZEBO SA PARK KUMAIN.

 OK THEN, IF THAT IS THE CASE AKO NA LANG PUPUNTA SA IYO SA LEIGH' PARK GAZEBO, 

Di namalayan ni Claire na nakarating na siya sa building nila 7:45 so may 15 minutes pa siya para makapunta sa 5th floor. 

Maayos namang natapos ang unang Major Subject niya sa linggong ito. Nagbigay na ng author and book title ang prof nila kaya naisip na naman niya yung gastos na babanggitin niya sa parents nya mamaya, hindi kasi free ang libro nila. Kaya kailangan talaga niyang bumili meron naman mahihiram sa library pero bawal iphotocopy. Pwede mong hiramin at dalhin sa classroon pero hindi pwedeng iuwi so kailangan mo isoli before ng closing ng library on that day.Paekstra ekstra lang tatay niya ngayon at pilit na tinitipid ung natirang separation pay nito. Ginamit ng nanay niya ang kalahati nito parang magtayo ng maliit ng tindahan ng ulam sa harapan ng bahay nila.

Sa pagmumuni- muni niya kung paano makakabili ng libro habang patungo sa kabilang building para magreport sa Org nakabangga niya yung isa sa babaeng nakita niya sa SSC office na ngayon niya lang din nalaman na classmate niya sa Accounting. 

" Ay, sorry." si claire habang tinutulungan bitbitin ang mga gamit nito na nalaglag ng magkabanggaan sila papasok sa building. 

" Ok lang nagmamadali din kasi ako, ikaw si Claire di ba yung bagong staff ng school pub? Ako nga pala si Aireen" sabi ng babaeng ang kapal ng eyeglasses. Bakit kaya di na lang siya magcontact lens. Mukha naman siyang mayaman, natanong ni Claire sa sarili.

" Oo, ako nga magclassmates tayo kanina, andun kasi ako sa likuran kaya di mo ata ako napansin."

" Ah, ganun ba pupunta ka din sa SCC Office di ba, vacant mo din ba? 

" Oo, pero dadaan muna ako sa Math Club, kailangan ko kasi magreport din dun."

"Ah, member ka din ba dun, si Paulo Valdez ung President nun, bestfriend ni Lance." napatango na lang si Claire sa impormasyong nakalap. Si Paulo Valdez ung dalawang beses na nagbukas ng pinto sa kanya noong una kasama si sarah dun sa SSC. Eh bakit andun siya di naman pla siya staff dun, Eh bestfriend nga di ba, Claire. Sabi ko nga. Pakikipagtalo na naman ni Claire sa utak niya.

Sabay silang naglakad papuntang elevator at nagpatuloy mag-usap. Nalaman ni Claire na katabing room nag pla ng SSC ung Math Club Office. So hindi siya mahihirapan if ever na ipatawag siya from that two different orgs.

Heart over MindWhere stories live. Discover now