37

7.9K 273 81
                                    

10-17

Winston Faldas

2:35 AM

Zayllahria:

You love me?

Seen, 2:36 AM

Winston:

Yes.

I love you, Zay.

Zayllahria:

Parang hindi kapani-paniwala, Winston.

Winston:

I'm sorry, Zay.

Please believe me.

Zayllahria:

Ganyan ka lagi, e.

Magso-sorry ka lang kapag naaalala mo nang mahal mo pala ako.

Magso-sorry ka na para bang kayang takpan ng sorry mo lahat ng mga masasakit na salitang binato mo sa 'kin.

Magso-sorry ka na para bang hindi ako nasasaktan.

Winston:

I'm sorry.

I'm sorry for hurting you.

Sobrang dami lang nangyari, Zay.

Sobrang bigat lang, na sa 'yo ko nabunton lahat.

Zayllahria:

Nagtiis ako kahit hindi dapat.

Sobrang toxic pero pinilit kong intindihin ka kasi alam ko marami kang pinagdadaanan.

I took care of your mental health but what about mine?

Parang kasi, palagi kitang inuuna, palagi kitang minamahal, pero ako, ni minsan, parang hindi mo nagawang unahin. Ni minsan, hindi mo ako nagawang mahalin.

Winston:

Mahal kita. Mahal na mahal kita, Zay.

Zayllahria:

Pero hindi lagi?

Pero hindi sapat?

Mahal mo lang ako kapag naaalala mong mahal mo ako?

Mahal mo lang ako kapag kailangan mo na ako?

Mahal mo lang ako kapag convenient na sa 'yong mahalin ako?

Ganoon naman, di ba?

Pero mayamaya, bigla mong nakakalimutang mahal mo ako.

Mayamaya, bigla mo na lang pinaparamdam sa 'kin na hindi ako kamahal-mahal.

Napapagod rin ako, Winston.

Mahal kita pero siguro panahon na para mahalin ko ang sarili ko.

I love you but I'm sorry.

I'm sorry but this time, let me choose myself first.

Please.

Winston:

I'm sorry. I'm sorry, Zay.

Zayllahria:

Yeah.

I'm sorry as well.

Sorry kasi hindi ko na kayang mahalin ka.

Winston:

Zay, please.

Seen, 2:47 AM

Relentless (Bump, Set, Spike #2) (To be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon