''Your audacity, huh,'' he chuckled at umupo. ''I still have a paper to finish. Isang page na lang. Wait for atleast five minutes, please. Pwede ka munang magbasa ng libro,'' tinuro niya ang hanging cabinet sa kaliwa nya.

My brows furrowed. ''Huh?! You know what, Lionel, sana tinapos mo na 'yan kanina pa!''

''It's still early, Lucy. Walang club na nagbubukas ng ala sais ng hapon,'' he looked at me with a mocking expression.

Natahimik ako roon. Well, that's true. Mamayang alas nwebe pa ang usapan namin nina Cy kaya hindi naman talaga big deal na may papel pang tinatapos si Lionel. I'm just OA.

Syempre, nando'n si Jarrell! I still have to shoot my shot. Wala kanina si Nicka kaya baka kasama niya iyon. I don't like that girl. Lalo na't umaaligid siya kay Jarrell!

Nagmumukmok akong umupo sa sofa habang naghihintay sa kanya. Ilang beses ko siyang nahuling sumusulyap sa akin ngunit sinuklian ko lang ng irap. Ha! Napakabagal mo, Lionel!

True enough, natapos nga siya sa ginagawa niya pagkatapos ng limang minuto. He stood up immediately after he closed his laptop.

''Let's go?'' siya iyon.

Tumango ako. Pinasok niya muna ang laptop niya sa bag at nilagay sa cabinet ng mesa. Pagkatapos ay kinuha ang wallet at binuksan ang pinto at pinagbuksan ako ng pinto at pinauna lumabas. May bitbit din siyang susi.

''By the way, magco-commute lang tayo. Don't worry, I'm going to pay,'' I said as we started to walk. 

Patagilid ko siyang tinignan at agaw pansin ang pagiging makisig niya. I don't want to admit it but his height and moreno skin catches attention specially from the girls. Parang ngayon lang. Ang iba naming schoolmate ay napapatingin sa kanya. Well, hindi ko naman sila masisisi. Ang gwapo kasi. May girlfriend kaya ang isang 'to?

''Hindi ka susunduin ng Kuya mo?''

Umiling ako. ''May tinatapos atang building design, e. We will take a cab na lang.''

He didn't respond after that. Sumisipol-sipol na lang siya habang naglalakad, parang may kinakanta.

Nakatawid kami at nakarating sa church. Liliko na sana ako papunta sa walkway nang nakita kong tinahak ni Lionel ang papunta sa parking.

''Why the heck are you going there?'' napatigil ako at tinuro ang kanan kung saan siya papunta. ''Ang tagal mo na rito pero hindi mo alam ang directions? Are you dumb?'' halos matawa ako.

Because it's true! Ang way kung saan siya papunta ay ang parking lot! And it is behind the church. Kaya bakit siya pupunta ro'n?

Oh damn. Don't tell me he has a car?!

I raised my head only to see him showing me a shameful look. He's biting his lips na parang pinipigilan niyang tumawa! Such a dumb bitch, Lucy!

''You really need to shut your mouth sometimes, little girl,'' he laughed. Hinigit niya ang kamay ko at ginulo ang buhok ko.

''Tigilan mo ako at tara na nga! Nakakainis ka na, ha!'' nauna akong maglakad.

My cheeks heated and I'm sure I'm as red as a potato! Narinig ko ang halakhak niya sa likuran ko at wala akong balak na lingunin siya. I didn't expect that he has a car! Malay ko ba? Ang karamihan naman kasi sa university na ito ay nagcocommute. I first handedly saw it when I commuted. Kaya hindi ko inakala na may sasakyan si Lionel!

I can't believe I've shamed myself too much infront of him! Kung kay Jarrell siguro, matagal na akong namatay sa kahihiyan!

I saw his silver BMW. Pinatunog niya iyon at hinintay akong pumasok. When I did, sumunod na siya at nag drive. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya. Although I can sense how he wanted to open a conversation. Ha! Bahala ka! I don't want to talk now that I ashamed myself!

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon