Prologo

1K 18 0
                                        

Prologo





Luck.

Iyon ang kaisa-isahang bagay na wala ako. Palagi kong tinatanong ang Panginoon kung bakit sa lahat nang puwedeng maghirap ay isa ako roon. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong kasalanan noon at bakit pinaparusahan ako nang ganito.

My mother died after giving birth to me; while my father abandoned me. Mayroon pa bang mas i-ma-malas rito?

I couldn't hide my bitterness as I am trying my best to focus on my work. I am currently working as one of the waitresses here in the resort. Malaki ang Malapascua at halos lahat nang lupain rito at mga isla ay pagmamay-ari ng mga Fernandez. They are quite famous here in Cebu, especially here in Malapascua. Bata pa lamang ako ay laman na sila ng bayan dahil sa pagiging mabuting tao nila. They provide businesses, jobs, for the needy. Isa na ako roon sa nabiyayaan ng disenting trabaho.

My auntie never treated me as the part of her family. She only sees me as someone who will give money to her and pay for the rent of my staying. Hindi ako kailanman nagreklamo tungkol roon, pero, ang kunin lahat nang sahod ko ay hindi na iyon tama. Wala rin naman akong ibang matitirahan kung sakaling mapag-desisyonan ko ang lumipat. Hindi pa rin sapat ang kinikita ko sa trabaho, nag-iipon pa lang ako para sa sarili dahil gustong-gusto ko na bumalik sa pag-aaral. I was supposed to be a fourth-year college student but she stopped me from going to school.

Napabuntong hininga ako habang patuloy lamang ako sa paglilinis ng mga lamesa. Dinudumog ng mga tao ang restaurant ngayon dahil linggo at walang trabaho. Ito ang palagi kong ginagawa, walang pinagbago. Kung hindi lang sana ako iniwan at inabandona ng sarili kong ama, hindi sana nangyari ang lahat nang ito.

"Melanie, table number eight!" sigaw ng aming manager at kaagad akong nabalik sa aking ulirat at kinuha ang pagkain.

Nagpatuloy lamang ako sa aking pagtatrabaho at kahit na nararamdaman ko na ang lamig nang dahil sa sariling pawis ay hindi pa rin ako tumigil. I have to earn money for myself. Hindi ako puwedeng huminto dahil wala akong ibang maaasahan ngayon kung hindi ang aking sarili. Kung titigil ako sa pagtatrabaho, mamamatay naman ako nang dahil sa gutom.

My aunt never shows affection towards me, nor, showed me love as how mothers loved their children. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit hindi man lang niya ako maturing na pamangkin. This is also the reason why my heart is craving for a mother's love, because all my life, I haven't experienced those.

Nang matapos ako sa paghatid ng mga orders ay dumiretso ako sa aming locker para mag-ayos ng sarili. Nagsimula na akong magpunas ng aking pawis nang biglang sumulpot si Dante. He is my suitor and he's still courting me even when I have already said no to him. Hindi dahil hindi siya guwapo, marami lang talaga akong responsibilidad sa buhay na kailangan kong unahin kaysa ang umibig.

"Oh, Dante? May kailangan ka?" Respeto kong pagtatanong sa kaniya nang makita ko ang malisyoso niyang mga titig.

He is looking at me with pure desire in his eyes. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil alam kong ganoon lang talaga siya.

"Wala lang, gusto lang kitang makita. Mapagmasdan ang kagandahan mo," mahinahon niyang sagot sa akin pabalik.

Umawang ang aking bibig at natigilan ako nang wala sa oras. My lips twitched as I have tried my best not to answer him with the words he deserves to hear. Hindi pa rin ito tumitigil sa panliligaw sa akin, at sinabi niya rin na kaya niya akong hintayin. I didn't ask him to wait for me, but he's too hard-headed. Hindi siya nakikinig!

Unti-unti itong lumapit sa akin at hindi ko siya nilingon kahit na sumandal na ito sa locker para lang mapagmasdan ako nang maayos.

"Wala namang mawawala kung susubukan natin, hindi ba? Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, Melanie, hindi ko 'yon sasayangin. Atsaka, puwede na rin tayong magpakasal na dalawa."

Against the Waves (Malapascua Series #1)Stories to obsess over. Discover now