Naghahanda na akong matulog nang tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. Nang makita kung sino ang sender ay bigla kong nilakasan ang air-con dahil ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. The text was from Ico! In fairness, marunong pala siyang mag-text!

Unknown Number:
This is Ico.

Nakangisi akong nagtitipa ng tugon. Butterflies were causing havoc in my stomach!

Sunny:
This is Sunny. Ba't ka napa-text?
Papasend ka ba ng nudes?
Joke.

Ico:
Monty's here in the summer house.
Sabi niya pwede raw akong maging pornstar.

Sunny:
Luh. Share mo lang?

Ico:
Ask me why.

Sunny:
Why?

Ico:
Because your panty's on my kitchen floor and he's convinced that I was having a wild, steamy, and hot kitchen sex.

Umawang ang labi ko. Bumalikwas ako ng bangon 'tsaka tinungo ang paper bag na pinaglagyan ko ng mga damit ko galing doon. I was horrified when my black lingerie panty wasn't inside! Tanga! Siyempre, wala rito kasi nandoon sa kusina ni Ico! It must've fallen off after I took a bath in the house's common CR. Bitbit ko 'yon palabas at baka nahulog ko dahil sa pagmamadali!

Ico:
Retrieve this thing tomorrow.

Sunny:
Ok... Sorry. Hehe.

Ico:
Get it at around 7 PM and wait for me to come home.

Sunny:
Bakit? Gusto mo nang i-set into reality ang wet, steamy, and hot kitchen sex na sinasabi ni Monty?
Joke ulit.

Nai-imagine ko siyang nakakunot-noo at puno ng disgusto ang mukha habang binabasa ang tugon ko. It made me chuckle to myself. Ang sarap niyang asarin!

Ico:
Seriously, woman.
We'll need to talk about your responsibilities as an adult. That's why you need to wait for me.

Sunny:
Ba't parang mapagagalitan ata ako bukas? Haha

Ico:
Because you will be. You can't always leave your underwear in someone's kitchen floor, Sunny.

Kinaumagahan ay dumating sina Minerva at Sabby sa mansiyon. Dahil may pinuntahan si Lola na meeting, si Tita Sora ang natira sa mansiyon upang i-welcome sila. We were now on the hallway leading to the guest rooms when Mine walked beside me and whispered something. Kanina pa masama ang timpla niya.

"Sino 'tong babaeng 'to? Mukhang hinuhusgahan ata tayo, e," aniya, tinutukoy si Tita Sora.

"Si Tita Sora," bulong ko pabalik habang hawak-hawak ang kamay ni Sab sa kabilang gilid ko. "Huwag kang mag-alala. Mabait siya."

She scoffed. "'Di halata."

"This will be your room," Tita Sora said when we reached our destination. Binuksan niya ang pinto ng silid na 'yon at tumambad sa 'min ang napakagandang interior nito. "This room has a queen-sized bed for sleeping, a lounge area for entertainment, and a bathroom for maintained cleanliness." Tinaasan niya ng kilay si Minerva. "Alam niyo na, bawal ang marumi rito."

Nagsalubong ang kilay ni Mine dahil sa irita. Akmang magsasalita siya nang talikuran kami ni Tita Sora upang maunang pumasok sa loob ng silid. I jumped in my place when Mine turned to me, her face distorted. Bahaw akong ngumisi at nanatiling tahimik. She didn't say anything, and she didn't have to, because I knew how annoyed she already was.

When Tita Sora was beside the queen-sized bed, she turned to us. "Malaki na para sa inyong dalawa ni Isabel ang kuwartong ito, Minerva, pero dahil gusto kong kumportable kayo, naghanda kami ng isa pang kuwarto para kay Sab."

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now