Nalaglag ang panga ko. S-Seriously Eleven?

Tumawa lang siya. Walang hiya!

"Ang besides, this is a date Athalia. Sa ayaw at sa gusto mo.. I can hold your hand."

Tumalikod na siya at patuloy niya parin akong hinihila. B-Bwisit! Bakit wala akong maisip na masabi!? Damn it!

Hindi na lang ako nagsalita ulit at lumipat na lang ang atensyon ko sa paligid. At sa sandaling pinagmasdan ko ang loob ng buong skwelahan ng Saint Vincent Ferrer's Elementary School ay hindi ko maiwasang mapangiti at makakaramdam ng labis na saya.

Marami akong iniwang mga alaala dito sa skwelahan na ito. Dito ako lumaki, dito ako naglaro, nag-aral, dito ko nakilala ang mga childhood friends ko na hindi ko na alam kung nasaan na kaya sila ngayon. Highschool was the best four years of my life but elementary years will always have a special place in my heart too.

"Let's sit." huminto kami sa tapat ng isang bench na nasa harap ng playground. Wala pa ang mga bata ngayon dahil nagkaklase pa sila. Tumingin ako saglit sa relo ko at nakita kong bandang alas kwatro na pala. Ilang minuto na lang at uwian na ng mga bata.

Tumingin ako kay Eleven na tahimik na nakaupo sa tabi ko. Hindi na niya hawak ang kamay ko ngayon at seryoso siyang nakatingin sa playground. Ano kayang iniisip niya?

"Ang lugar na ito..." bigla siyang nagsalita. "Malaking testigo ang lugar na ito kung gaano ko kagustong gusto na mapansin mo ako mula pa noon Athalia."

Napalunok ako at inayos ko ang pagkakaupo ko. Ang weird ng pakiramdam ko habang nagsasalita siya. Hindi ako sanay na makita ang side niyang ito.

"Naalala mo nung una kang pinakilala ng kuya mo sakin? Mag-gegrade 4 ka na nun at malapit narin akong tumungtong sa grade 6. Tinulak kita at napikon ka sakin. Transferee ako noon." Tumingin siya sa baba at tumawa.

"Syempre hindi ko makakalimutan 'yon no! Mula pa nung una kitang nakilala, naging gago ka na talaga." Sabi ko at humalukipkip. Natawa na naman siya. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Tss

"Pero alam mo ang totoo? That was not the real first time I met you." Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi.

Huh? Kung hindi yon edi kelan pa pala?

Tumingin siya sakin sa mga mata at kinabahan ako bigla. Aish! Bakit ba ako kinakabahan!

"Ang dahilan kung bakit kita tinulak nun? That was just payback time. Nainis kasi ako nun sayo. Nung first day of school ng pagiging transferee ko, naglalakad ako sa playground at bigla mo akong binangga. Naglalaro ka nun kaya hindi mo siguro ako napansin nung natumba ako."

Natawa na naman siya ng bahagya habang inaalala ata ang mga panahong yon.

"Hindi ko naman pinansin yun dahil tutal ang bata bata mo pa nun. Pero nainis lang talaga ako dahil hindi lang yun ang huling beses na nabangga mo ako at hindi ka man lang humihinto para magsosorry. Yung pangalawang beses ay nung recess, binangga mo na naman ako kaya natapon yung kinakain kong ice cream, pero ayun ka na naman patuloy na nakikipaghabulan sa mga kalaro mo, ni hindi moko nilingon. Pangatlong beses eh nung naglalaro ako ng basketball kasama ang mga kaklase ko, mashoshoot ko na sana ang bola pero bigla ka na namang sumulpot at binangga ako sa gitna ng court habang kasunod yung iba mo pang mga kalaro. At ayun pinagtawanan ako and... as usual, hindi mo na naman ako napansin."

Napakamot ako sa ulo. Talagang naaalala niya pa ang lahat ng yon? Wala naman akong naaalala eh!

"Nung naging close na kami ng kuya mo, saka ko pa nalaman na kapatid ka pala niya. Mas lalo akong nainis dahil.. ikaw na naman? Yung nakakainis na batang laging bumabangga sa akin at hindi man lang niya ako napapansin? Kaya nung pinakilala ako ng kuya mo sayo, pinikon kita. I just wanted revenge that's all. Atsaka... Gusto kong pansinin mo ako... for no apparent reason. I don't really now. Gusto ko lang." Tumawa na naman siya.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Where stories live. Discover now