Kabanata-ll(EL AMOR ETERNO)

23 6 0
                                    

"hapon na at nakatulog si lola sakanyang paboritong upuan, pagkatapos kong kumutan ay umakyat naako, sa kwarto palagi akong napapa tingin sa kwartong pinasok ko,

"sa totoo lang ayaw ni lola't ni lolo na pumasok ako jan sa kwartong Iyan, kapag naman tinatanong ko sila wala naman silang maisagot kundi sundin ko nalang daw ang sinasabi nila, lalo tuloy akong na cucurious, na pasukin ule iyan, dahil matigas nga ulo ko dahan dahan ule akong pumasok sa kwartong iyon,

"binuksan ko ito at pasimpleng tumingin muna sa paligid baka makita ako ni lolo, hmmm buti wala sila haha maliwanag ang kwartong ito dahil may ilaw naman pero kulay dilaw ang ilaw,

dahil sa pagka curious ko ay pinakawalan ko na ang mga gamit na narito sa kwartong to una kong tiningnan, ay ang mga sulat na nasa ibabaw ng tokador, maayos ang pagka salansan, nitong mga sobre lumang luma na ang mga ito, at mejo may mga punit punit na rin, hindi ko binasa ang kung ano mang mga naka sulat dun ay hindi ko na binasa, dahil bes tamad talaga akong mag basa,

Sa ilalim naman ng mga sobre ay may naka ipit na makapal na notebook, naka pailalim, ito kulay brown ito at may naka design na bulaklak, sa lahat ng bagay dito sa kwartong to ay ang notebook lang na ito, agad ko itong kinuha makapal ito at lumang luma na ito, halos mapunit na nga kapag bubuklatin, kumuha akong upuan, at unang buklat ko dito ay may naka sulat na pangalan.

(Remedios Cervantes)

(El amor eterno)

"Patuloy ko lang itong binuklat hanggang sa mabasa ko ang isang diary,

Desyembre, 19 1821.

Narito ako ngayon sa aking silid at aligagang nakaharap sa salamin hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama kakaibang saya ang namumutawi, ngayon sa puso ko ito ang araw na susunduin ko siya sa daungan, kung kaya't hindi naako mapakali,

Narito naako sa daungan at hinihintay ko na lang na dumating si heneral Nicolas, makikita ko na rin ang aking pinaka mamahal, ilang saglit lang ay natanaw ko na siya palapit na sana ako sakanya ngunit, biglang lumapit ang babaeng pinagka tiwalaan ko rin, siya pala ang babaeng napupusuan ni nicolas, hindi ko maatim na panuurin na lamang sila kung kaya nama'y nag desisyon na lamang akong umuwi, habang nadudurog ang puso ko hindi ko nais na makitang maligaya ang minamahal ko sa babaeng pinag katiwalaan ko rin,

Nasasaktan ako sa mga nasaksihan ko.
(Remedios Cervantes)

Ayy kakaibang love story ang meron si ate ahh,pero mejo nakaramdam ako ng kakaibang kaba parang na excite din ako, ng wala namang dahilan aysstt baka naisip ko lang si sir Brandon yiieeee kenekeleg ako, HAHAA oo bijjj krass ko si prof. Hmm .Mukhang nakaka keleg din love story na to ah interesting ..

Dahil sa naexcite ako, sa lovestory, nila ay binuklat ko ule ang susunod na pahina,

Desyembre 20, 1821.

Isang araw na ang nakalipas, ngunit hindi ko parin nakikita ang mahal kong si Nicolas, siguro'y marami lamang siyang pinag kakaabalahan ngayon, kung kaya't hindi niya pa ako mapuntahan, alam kong bibisitahin niya ako dahil kababata ko siya at paniguradong nagungulila na rin siya saakin ngunit bilang isang kaibigan lamang, hihintayin ko na lamang siya baka rin ay naroon pa siya sa babaeng kinasusuklaman ko ngayon,

Umaasa,
(Remedios Cervantes)

Waaahh mejo umasa siya sa part na yon ah, mejo nahihilo naako dahil sa kababasa, kung kaya naman ay bigla akong naka Idlip,

El Amor EternoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon