CHAPTER 10: A Day With the Charismatic member of SB19

Start from the beginning
                                    

sinunod nalang ng dalaga ito bago pa sya tuluyang mapikon

pansamantalang tinigil ni josh ang paglalaro niya sa cp nang ginagamot na sya ng dalaga mayroon siyang sugat sa may bandang noo, pasa sa gilid ng labi at ilang sugat sa katawan nito

"ayan tapos na" sabi ni dianne tatayo na sana ang dalaga ngunit hinila ulit sya paupo ng binata habang pisil pisil pa niya ang bulak na may betadine sa daliri

"h-hindi pa tapos saglit" ani josh

"anong hindi p--" hindi natapos ang sasabihin ni dianne nang akmang maghuhubad ang binata sa harap niya ay agad na siyang tumalikod, napapikit sya sa isiping meron panga palang mga sugat at pasa sa katawan nakakainis!

"b-bakit bigla bigla kang naghuhubad?! pwede bang magsabi ka muna!" singhal ni dianne habang nakatalikod sa binata

"oh ayan! gamutin mo na!" ani josh

humarap si dianne at nakita ang! nakita ang! six packs abs lang naman ng isang Josh Cullen Santos kahit sanay naman siyang makakita ng ganito dahil meron din sya nito ay iba paden itong nasa harap nya ngayon

"ano? gagamutin mo ba o ano?" iritadong ani ng binata

binato ng dalaga sa dibdib ng binata ang bulak na kapit niya saka siya tumayo

"may kamay kanaman ikaw na maglinis nyan" seryosong sabi ni dianne saka naglakad papunta sa pinto ngunit hindi pa nakakalapit ng husto sa pinto ay tumigil na sya saka bumalik

para sumilip at nagpalinga-linga sa binatana nitong nasa may kabilang gilid ng kama

"w-what are you doing? anong tinitignan mo jan?" kunot noong tanong ng binata sa dalaga

"wala kana don!" ani dianne saka tuluyang lumabas sa pinto

inis na nilinisan ni josh ang kanyang sugat sa katawan habang ang ibang sugat ay hindi nya abot sa likod!

"bwisit!"

------------------

Josh's POV.

maaga akong nagising at bumaba time check 6:47am, titignan ko ang babaeng yun kung talagang nagluto siya ng uumagahin namin

😲

t-teka luto nya itong mga ito? naabutan kong nasa kusina si marianne at niluluto ang iba pang ihahanda sa hapag, nakasuot ito ng apron at nakataas ang kaniyang buhok, habang nangingintab ang palibot ng mukha nito sa kaunting pawis, ang hot!
i-ibig kong sabihin ang hot nung niluluto niya

"phew!" napa-paypay ako sa isiping yon saka natauhang umupo sa dining table

nasa harap ko ngayon ang perfect malasadong sunny side up, tamang luto ng hotdogs, ham at beef steak

"oh nagising kana pala master! buti nagising kapa!" pabulong na sabi niya pero nakinig ko tss

inilapag niya ang paborito kong sinangag at kakaibang style ang ginawa niya alam nyo yung sa chowking chaofan na sinangag parang ganun, lalong kumulo ang sikmura ko

pumunta sya sa isang gilid at doon nagtanggal ng apron a-a-at ng puyod saka parang slow-motion na bumagsak ang mga buhok nyang soft wavy at hinawi hawi ito para ayusin grr.

"oh ano tinitingin tingin mo jan?" attitude hmp

"abutan moko ng tubig! wala pang tubig dito" sabi ko

ngumiwi lang sya pero sinunod din naman ako at saka kami nagsimulang kumain

"Josh" panimula niya

"hmm" sagot ko

"uhm tanong ko lang, may mga kakompetensya ba ang mommy mo sa business?" tanong niya

"anong klaseng tanong yan? e lahat naman ng business may katunggali" sagot ko tss

"i mean yung mahigpit na katunggali talaga" maamong tanong niya saken

ang galing magbago ng mood ng babaeng to bipolar ata to tss

"i dont know" seryosong sabi ko dahil wala naman akong alam sa business ng mama ko

--------------

Third Person's POV.

boring na boring na nagkakalikot ng phone niya si dianne habang naka indian seat sa sofa sa sala habang naglalaro si josh sa pc niyang nasa sala den.

hindi mapakali si dianne habang paulit ulit dumadapa, humihiga at umuupo sa mahabang sofa

"halika dito marianne!" tawag sakanya ni josh

agad siyang nabuhayan ng dugo dahil bagot na bagot na siya

"oh baket?" lumapit ang dalaga habang nakacrossarm

"maglaro tayo dito sa TV ng PS4" sabi josh habang may kung anong ikinakabit sa likod ng malaking flatscreen nila sa sala

"talaga?! sige!" hindi makapaniwala ang dalaga matagal-tagal din siyang hindi nakapag laro ng ganoon simula ng mag aral siya sa PNPA

sumalampak sa sahig si dianne at hinihintay matapos mag set-up si josh

"oh" saka inihagis sakanya ang isang joystick

"ano lalaruin naten?" tanong ni dianne habang nakatingin kay josh na seryoso ang itsura

"car racing? boxing? ano gusto mo?" tanong sakanya ni josh

napangiwi sya sa ipinapakita sakanya ng binata

"kahit ano basta something na related sa baril and shooting?" may excite na sabi ng dalaga

"seryoso kajan?" kunot noong tanong ni josh

nagsimula na silang maglaro

"bwiset!" napapaindang sabi ni josh

"ano bayan? kala ko ba gamer ka? tss napakabasic mo naman kalaban!" mahanging sabi ni dianne

"tss ang yabang, ulet!" naghahamong sabi ulit ni josh pero sa totoo lamang ay pang limang ulit na syang natalo kay dianne

"daya mo!" nadala sa paglalaro si josh at kasabay non ay hindi nya matanggap na natatalo lang sya ng isang assistant kaya naman naitulak nya si dianne at muntikan ng masubsob sa kabilang banda

"aray!"

"s-sorry, mostly kase laging kalaro ko ay lalaki sorry!"

sumama ang tingin sakanya ni dianne

"s-sorry nanga" kinakabahang alo sakanya ni josh

biglang hinawakan ni dianne ang buhok ni josh saka dumamba sakanya at sinabunutan

"a'ouch marianne stop it! im sorry nanga!" hindi kaya ni josh ang lakas ng dalaga, pansamantalang nakalimutan ni dianne ang mga pasa nito sa katawan dahil sa pikon

"WHAT IS THE MEANING OF THIS?!"

sabay silang napalingon sa may bandang pinto kung saan nagmula ang maarte at may accent na sumigaw sakanila

"mommy??" gulat na gulat si josh sa nakita hindi niya inaasahan na ngayon dadating ang nanay niya galinh business trip

nagulat din si dianne sa sinabi ni josh at ngayon nakakahiya ang puwesto nila nakapaibabaw si dianne kay josh habang sinasabunutan ito with feelings

sabay silang napatayo saka inayos ang sarili lalo na si josh na hindi na maintindihan ang itsura dahil sa pananabunot ng babae

"m-magandang tanghali p-po" napapayukod na sabi ni dianne

"m-ma i thought--"

"stop!" ani mommy ni josh

-----------

HAPPY 300 READS KALA KO WALANG NAGBABASA!!!! THANKYOUUUU PREIGN SA 300

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cool and The Charismatic [ SB19 JOSH FANFICTION ]Where stories live. Discover now