Tumulo na ang mga luha ko. Hearing those was the same as hearing all my insecurities and shame combined. The thing was, I wasn't dumb. I understood people. I understood them when they thought lowly of me and when they thought I couldn't amount to anything... because after all, they were right. Their words were true. It's me who wasn't.

Akala ko wala nang mas itatalim pa ang mga salita ni Tita Sora pero ngayon, mukhang natalo na siya ni Minerva. My sister's a lot of things but a liar's not one of them. She was always true to her words. With her, there were no gray areas. She's one thing or another. No in-betweens.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi. "Ano naman kung 'di pa ako lubusang katulad ni Aria? Nagbabago naman ang tao, ah?"

"Nagbabago nga," makahulugan niyang sambit habang mataman akong tinitignan.

"Ano bang problema mo sa ginagawa ko?" tumaas ang boses ko. When her face distorted, I knew then that I crossed a line. 'Yon nga lang, 'di ko na mapigilan ang sarili kong magsalita. "Bakit ayaw mo akong magpanggap gayong gawain mo rin 'yan? You fuck disgusting old men, Minerva! Kapag ginagawa niyo 'yon, hindi ba't nagpapanggap ka lang ding nasasarapan ka kahit hin—"

Nanuot ang sakit ng sampal niya sa pisngi ko kaya agad 'yong nasapo ng kamay ko. Parehong namilog ang mga mata namin nang matanto ang nangyari. Did she just slap me?

Luminga-linga ako upang tignan kung may nakakita ba noon, lalo na si Sab, pero nanatiling tahimik ang hardin na nasa gilid ng orphanage. Napahinga ako ng maluwag at ibinalik ang tingin sa kaniya. As I stared at her deadpanned face, a new set of tears formed at the sides of my eyes.

"'Wag mong ibalik sa 'kin ang problemang 'to kasi magkaiba tayo!" singhal niya. "Oo, ginagawa ko 'yon kasama ang mga matatandang lalaki pero sa trabaho kong 'to, wala akong naaapakang tao! These rich men want pleasure and I give them that! Alam nila kung anong patakaran ko. E ikaw?" She smirked without humor. "Baka nga kahit ang totoong rason mo, ikaw mismo, 'di alam kung ano?"

"Ginagawa ko nga 'to para kay Sab!" I hopelessly clarified. "Ano bang gusto mong palabasin, ha? Na ginagawa ko 'to dahil gahaman ak—"

"Oo!"

Natigilan ako. "Oo?"

"Aminin mo na, Sunny! Ginagawa mo 'to kasi gusto mo ng atensyon! Gusto mong patunayan sa mga taong nang-iinsulto sa atin na kaya rin nating umangat. Na hindi tayo tulad ng iniisip nila! Tama ako 'di ba?" Umirap siya sa hangin. "And don't even get me started with Icarus Benavidos..."

My jaw clenched. "I hate you!"

"Because I'm right and you know it. Hindi mo mababago ang sarili mo dahil lang sa pagtahak ng landas na 'to. Your roots will give you away."

"Wala akong pakealam! Itutuloy ko pa rin ang plano!"

"Then go." She scoffed. "Huwag kang tatakbo't iiyak sa 'kin kapag nahulog ka sa sarili mong bitag."

Tinalikuran niya ako at iniwan doon. Ilang minuto ang iginugol ko sa pagpapatuyo ng mga luha kong tila gripong umagos sa pisngi ko. Ito ba ang kapalit ng lahat ng mga sakripisyo ko? Kapag nalaman ni Sab na nag-away kami, siguradong malulungkot siya. How could this happen when all I wanted was for her to be happy? For everyone to be happy?

Umugong sa tenga ko ang mga sinabi ni Mine kanina. Tama ba siya? Ginagawa ko lang ba ang lahat ng 'to para sa sarili ko? Yes, I wanted this life but my priority's still Sab's welfare. Besides, what's wrong with utilizing the opportunities I had, especially now that I was Aria? Kasalanan na ba ngayong abutin ko ang mga pangarap ko?

Alas dos ng hapon nang matagpuan ko si Sab na masayang naglalaro sa mini-park ng orphanage kasama ang ilang mga bata roon. Patungo pa lang ako sa kaniya'y tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa swing 'tsaka tumakbo tungo sa 'kin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now