Chapter 2

1.5K 5 0
                                    

Tatapusin ko talaga to ngayong araw... aheheh walang

magawa eh

keep reading huh..

 Labag sa kalooban ni Andrea ang sumama sa boyfriend

niyang si Efraim. Pero dahil mahal niya ito ay napilitan na

din siyang pumayag sa gusto nito. Kasi naman birthday

nito ngayon at ayaw niya din itong bigyan ng sama ng loob.

Ang siste, sa sandaling ito ay magkasama na sila sa

kuwartong walang bintana.. i mean sa isang motel.

Kanina, pagpasok pa lang nila sa lugar na iyon ay

pinanlalamigan na siya ng pakiramdam. Ang totoo'y

nanginginig ang kanyang mga tuhod at halos hindi na siya

bumitiw sa pagkakahawak sa braso ni Efraim mula pa

kanina. Pakiramdam kasi niya ay babagsak siya sa sandaling

mawalan siya ng makakapitan.

Ewan! hindi niya alam kung paano sila nakarating sa

kinaroroonan nila ngayon.

" Efraim, " anas niya habang lumalapit ito matapos na

maikandado ang pintuan. Namalayan na lang niya na

nakaupo na pala siya sa gilid ng kama at titig na titig dito.

" Kinakabahan ako.

Natatakot..."

Isang matamis na ngiti ang itinugon nito sa kanya.

Pagkatapos nun lumuhod ito sa kanyang harapan at

hinawakan ang dalawa niyang kamay. Nilabanan nito

ang kanyang pagtitig habang nakatingala ito sa kanya.

" Natutuwa ako, Andrea," sabi nito sa malamyos na tinig.

" Tuwang-tuwa ako dahil hindi mo ako binigo. Pinatunayan mo

My Girlfriend's Birthday GiftWhere stories live. Discover now