Prologue

38.1K 262 10
                                    

 

Nagkakape ako sa isang popular na coffee shop habang nagbabasa ng libro sa may bandang dulo ng marinig ko ang pagtatalo ng isa sa mga customer na nakaupo sa likuran ko.

“This ain’t gonna work for us. Hindi ko na kaya.” Sabat nung lalake

“Anong hindi mo na kaya?” parang naiiyak na tanong nung babae

“Ang lahat lahat. Hindi ko na kayang sakyan ang kawirduhan mo. Hindi ko matanggap na pumatol ako sa isang katulad mo. Hindi marunong humalik, hindi marunong yumakap, ni makipagholding hands ayaw mo. Ikinakahiya mo ba kong maging boyfriend?” usisa ni guy

Ayun! Nakakasaksi lang naman ako ng Lover’s quarrel.

“H-hindi naman sa ganun----“

“Kung ganun ano? Daig mo pa ang makahiya kapag tinatabihan kita. Ni ayaw mo akong tingnan. Tapos kapag hahawakan ko kahit dulo ng daliri mo, umaalis ka na. You can’t even give me a thrill that I wanted.”

Hindi nagsalita yung babae at feeling ko, gusto na nitong umiyak. Tsk..tsk..tsk.. poor girl.

“Lagi na lang tayong ganito. Nagsasawa na ko. Ako na lang palagi ang nag-iinitiate ng intimacy saten dalawa. Wala man lang akong makitang effort sayo. Hindi ko alam bakit ako nainlove sayo, hindi ka naman sexy at wala ka rin ka-taste taste.”

Ouch. Parang ako yung nasaktan dahil dun sa sinabi nung lalake. Humigop ako ng kape. Napansin kong tumayo ito.

“S-san ka pupunta?” halos garalgal na yung boses ng babae

“Let’s break up.”

“Don’t do this to me. Malapit na tayong ikasal!”

“Ayokong magpakasal sa isang tuod na kagaya mo. Wala ka man lang pakiramdam. You can’t even give me pleasure.” Then the boy left

Narinig ko ang mahihinang hikbi mula sa babae. Tumayo ako para abutan siya ng panyo.

“Eto oh.” Pero hindi siya tuminag at lalong yumuko. Lalo pa siyang umiyak.

“Miss----“

Tumayo siya at saka ako nilagpasan. Tumakbo siya palabas. Napansin kong nahulog ang color blue na panyo na may print na pangalan ng lalake. Dinampot ko iyon. Bibigay niya siguro ‘to sa lalakeng yun. Too late.

SEDUCING THE PORN STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon