Sino

14 0 0
                                    



~   •   ~
Sino ba?
Sino ba ang nagkasala?
Ang tao?
Ang sistema?

Hindi parin mabanaagan ang katotohanan
Pikit mata
Tingin sa iba
Magpapanggap na walang problema

Nasaan na tayo?
Ilang beses binasura, ginago
Nangako, pinako
Tinaboy papalyo
at nasaan na tayo ngayon?

Ano ang iyong narating?
Sa pagtatakip ng iyong tenga
Habang umiiyak ang kabataan
Sa pagpikit ng iyong mata
habang sinusunog na'ng iyong kalayaan
Nasaan na ang graciang hinihingi mo sa mga santo?

O, ba't nananahimik ka pa?
Di pa ba sapat ang makita mong nagugunaw na ang mundo?
Nandiyan ka parin ba sa sarili mong palasyo?
Hoy, nasaan ka na?

Pero sige, di rin kita masisisi
Pinalaki tayo sa mundong bawal ikwestyon ang utos ng nakatataas
Ayon sa batas, terorista ka kung ika'y aktibista
Mali ba ako?
Sana

Ngayon, sino nga ba?
Sino nga ba talaga ang nagkasala?
Ang tao, ang sistema

Nawa'y sa buhanging puti
Makita ninyo ang dugong nabuhos
Sa kapapabayaan ng mga hangal
~   •   ~

In Pursuit of WonderWhere stories live. Discover now