Prologue

10 0 0
                                        

Minsan sa sobrang pagkagusto natin sa isang tao, nakakalikha tayo ng mga bagay sa isip natin na hindi naman totoo. Gumagawa tayo ng sariling mundo, maramdaman lang ang pagmamahal na ninanais mo. Ngunit hanggang saan at kalian mo kaya kayang panindigan?

Lalaban ka pa rin ba, kahit ikaw lang? Ikaw lang dahil ikaw lang naman ang may alam! Na merong kayo sa mundong binuo mo.

Mananatili ka pa rin ba, kahit alam mong hindi naman ikaw ang pipiliin nya, dahil sa pagtungtong mo sa totoong mundo, may tao naman talagang nagpapasaya sa kanya.

Ang hirap palang bumuo ng kwento nyong dalawa sa mundong sa isip mo lang naman nakikita. Yung bawat ngiti nya, yung bawat I love you nya, yung bawat haplos at yakap nya ay parang bulang ang bilis maglaho sa isang kisap mata.

Ako si Aliana Jane Quinto, ang babaeng minsang nangarap at gumawa ng sariling mundo para sa taong hindi naman ako ang ginusto.

Do I need to fight for us? or Do I need to destroy my imaginary world?

_________________________________________________________________________________

PLEASEEE SUPPORT MY STORY!! GOD BLESS EVERYONE

Will I fight for us?Stories to obsess over. Discover now