Breaking into pieces 1.2

Start bij het begin
                                    

Si Renz na yakap-yakap si Valyn na umiiyak. Parang unti-untig pinupukpok ang puso nya.

                "No! Tutuloy tayo... tutuloy ka. Baka mali lang ang iniiisip nat--- mo." pagmamatigas ni Karla. Na kahit galit na galit na sa nakikita nya ay nagpipigil pa din para patatagin ang ate nya.

Naglakad sila palapit sa dalawa. Habang papalapit sila hiniwalayan na ni Renz si Valyn at humarap sa kanilang dalawa.

Magkatapatan na sila ngayon. Katapat ni Katie si Renz at katapat ni Karla si Valyn. Tahimik lang silang lahat, parehong nakayuko lang si Renz at Katie samantalang si Karla ay binabasa ang mga mata ni Valyn na tila nakokonsensya na nahihirapan.

Sya na ang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa kanilang lahat.

"Soooo... May lakad ba tayo ngayon? Nakaayos na kami ni ate Katie oh. Tara na." masiglang sabi nya sa mga ito.

Ngunit ni isa wala pa ding nagsalita. Muhkang alam na nya ang susunod na mangyayari kaya ngayon pa lang ilalayo na nya ang ate nya.

"Una na kami sa kotse, antayin namin kayo." with that tumalikod na sya habang hawak-hawak pa din ang braso ng ate Katie nya.

"Wait, Karla." natigilan sya sa nagsalita. Si ate Valyn nya.

"Ows? Di pa ba tayo aalis? Nakakatamad kayang tumayo lang dito noh." pinipilit nya pa ding ilighten up yung mood nilang lahat.

"There's something we need to tell---" hindi na tapos ni Valyn ang sasbaihin nya dahil pinutol na iyon ni Renz.

"Me and Valyn... kami na."

Nanlaki ang mata nya sa narinig mula kay Renz, pero mas nanlaki ito ng makita ang reaksyon nito na tila seryosong-seryoso talaga sa sinabi. Si valyn naman napayuko lang samantalang ang ate Katie nya naman ang napaangat ng ulo.

                    Napaangat ang ulo nya sa narinig mula sa mahal nya. Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito. 'Baka mali lang ako dinig. Oo tama, mali lang.' bulong nya sa sarili. Pero hindi pa din nya maiwasang magtanong. "A-ano?" ang tanging lumabas sa bibig nya.

"Are you some kind of deaf? You heard me right Ms. Dreamer. We're officially on." malamig na tono ang ginagamit ni Renz sa kanya ngayon.

Hindi nya alam kung nabibingi na nga talaga sya. Ngayon lang sya pinakitunguan ni Renz ng ganito. Kahit nung hindi pa sila close hindi ito ganito makitungo sa kanya.

"M-ms.dreamer?" ulit nya sa tinawag nito sa kanya.

"Yeah? Paulit-ulit ba tayo dito?" tila naiirita na sambit ni Renz sa kanya.

"P-pero---"

"Pero nag-assume ka. Nag-assume ka na totoo lahat ng pinakita ko sa'yo. Hah! Tignan mo nga yang sarili mo. Hindi porket nagayos ka lang ng onti mapapahamal na ako sa kantulad mong nerd. "

Tila nababasag na ang puso nya sa mga sinasabi nito sa kanya. Hindi niya akalaing masasabi iyon ni Renz sa kanya.

Unti-unting tumulo ang mga luha nya. Isa-isa. At kada patak nito ay katumbas ng sakit na nararamdaman nya.

"Ang problema sa inyong mga nerd pakitaan lang ng mga sweet gestures akala nyo totoo na agad. That's why I HATE YOU."

Sobrang sakit ang nararamdaman nya sa mga huling sinabi nito...

"B-but you said---"

"Oh... Did I say I love you? I think I forgot to say the next words... It should be 'I love playing with you'. Dream on Ms. Dreamer."

All along pinaglalaruan nya lang ako? Bakit hindi ko man lang nararamdaman yun?

"Masyado na atang tumataas tingin mo sa sarili mo. Tingin mo bakit hindi kita magawang halikan sa lips? Kasi nandidiri ako sa'yo! Diring-diri ako sa katulad mo."

DayDreaming (completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu